[Lea's POV] "Damn, ano na ang gagawin natin?" Natataranta kong tanong. Lumapit sa amin ang mga bagong dating at tila naguguluhan sa nangyayari. "Wait, nag-text si Ron." Agad kaming lumapit kay Eion at sumulyap sa cellphone niya. [Ron: Hey dre, hehe baka ma-late kami nang kaonti. Madami naman sigurong pagkain diyan, noh? Kasama ko si Kuya at mga kaibigan niya. Don't cha worry, kaonti lang sila pramiss!! Saan nga ulit ang Iris? Susunod na lang kami siguro.] "Kaonti? Really? Baka isang dosena ang dadalhin 'yan, matatakaw pa naman basta volleyball player." Reklamo ni Pierce sabay irap at pumeywang. "Talaga ba, Pierce? Ikaw lang kaya ang parating umuubos ng isang bandyadong kanin." "Eh bakit apektado ka? Hindi ka naman volleyball player ah, pinaalis ka nga diba?" Mabilis na kaming pumag

