[Lea's POV]
Napakurap ako at mabilis na napatayo. "Is Eion really here?"
"Yeah, he's here." Medyo gloomy ang mukha ni Eli na naglakad papasok at hindi ko naman maiwasang mapangisi. She's jealous.
"Tita Zena, mauuna na po ako!" Sigaw ko dahil nasa kusina siya at abala sa pagluluto. "Uuwi ka na? I thought dito ka na magdi-dinner."
"It's okay, Tita. Masyadong maikli ang pasensya ng sundo ko ngayon, e." Sabi ko habang nililigpit na ang mga gamit ko.
"Can I just bring this home? I really need to go na, e."
"Sure, I bought it for you." Napatingin ako sa kanya nung may mali sa kanyang boses. Tumingin ako sa kanya at inaabot niya sa akin ang box ng takoyaki.
"You sure? Ba't parang upset ka? It's okay naman, e. I can just buy some takoyaki on the way-"
"Nope, it's fine. I would be real upset if you don't accept this." Nakangiti at kinikilig ko namang tinanggap ang bigay niyang takoyaki.
"Eli, bukas naman." I said nung papalabas na ako ng gate. I feel kinda sad that Cy didn't bother to walk me towards the gate.
"Thank you for today, ate." Hindi nakawala sa pandinig ko ang pagiging matamlay ng boses niya.
"Hey, don't overthink."
"I'm not overthinking. Asa ka."
"Deny ka pa. I can sense that you're jealous. I am like that most of the time." Natatawa kong tugon. Gosh, mas malala pa nga ang pagseselos na halos araw-araw kong nararamdaman.
"Eion, si Eli nga pala, kapatid ni Cy."
"H-hi," kita kong bahagyang napalunok si Eli bago naglahad ng kamay. Pangiti-ngiti akong tumingin kay Eion pero napawi iyun nung nakataas lang ang kanyang kilay at nakatitig nang malamig sa kamay ni Eli na mukhang nangangalay na.
"E-eion, Eli wants to have a handshake." Parang ako yung mamamatay sa sobrang awkward.
"No, no, it's fine. I should get in, ingat sa biyahe." Nahihiya na siyang tumalikod at mabilis na pumasok pabalik sa gate.
"You're such an ass!" Hindi ko maiwasang hampasin siya sa braso. Inis na inis ako dahil sa kanyang inasta. I know how Eli felt, mas doble lang nga yung kaba niya dahil abno ang nagustuhan niya.
"What?"
"You were supposed to shake hands with her, Eion. You acted rude." Magkasalubong ang kilay na sermon ko. Gods, Eli must be feeling bad right now, relate ako.
"It's obvious that she likes me."
"And? Hindi rason iyun para maging rude ka. Eli must be emotionally broke right now."
Napabuga siya ng hangin bago pinasok ang magkabilang kamay niya sa bulsa. Ba't parang sa akin pa siya naiinis?
"Hindi ako interesado sa kanya, Lea."
"Oh come on, kakakilala mo pa lang nga sa kanya. Why don't you give her a chance?"
"Let's stop with this topic. Come on, get in," he opened the door of his car for me at inirapan ko siya bago pumasok.
"Ano naman ang nakain mo at sumagi sa isip mong sunduin ako?"
"I just want to check on you. Hindi ako mapakali knowing na araw-araw ka roon kina Cy."
I scoffed because of his overprotective syndrome. "You don't need to, Eion. Huwag ka nga maging paranoid." Tawa ko pero seryoso lang ang kanyang mga tingin sa daan at mahigpit ang hawak niya sa kanyang manibela.
"Hindi ako mapakali, Lea. I have a big feeling that you would be running from Cy's house with tears in your eyes and I want to be there for you. I'm worried... you're delicate and all." Hindi ko maiwasang mapayuko at mapalunok. Wala akong masabi, may parte sa akin na sumasang-ayon sa sinabi ni Eion. Medyo malabong magustuhan ako ni Cy pero marupok ako, e. I just want him so bad.
"Thank you, Eion." Nakangiti kong hinawakan ang kamay niya at nung sumulyap siya sa akin ay mas lalo kong nilakihan ang pagngiti.
"You don't need to thank me, Lea. I'm doing this for myself. Ayokong masuntok ang sarili ko kung masaktan ka at wala ako sa iyong tabi." Tumawa ako. Ayaw lang talaga niyang aminin, he always think that it's cringe.
"So, yung kay Eli. Why don't you give her a chance? She's smart, talented, beautiful, and just everything a guy like you would dream to have." Napabuga siya ng hangin at mukhang hindi gusto ang topic ng usapan namin.
"I won't date her, Lea. That's final."
"Bakit naman? Hindi ka pa nagkaka-girlfriend at sa buong highschool life natin, hindi ko pa narinig na may nagugustuhan ka. Umamin ka nga sa akin, Eion, bakla ka ba?"
"Don't start, Lea." Banta niya nang nakasimangot pero tinawanan ko lang siya. "What? I'm just puzzled, or bato lang talaga yang heart mo? Maybe you're just incapable of love." I shrugged at hindi ko maiwasang mapalunok nung naging blangko bigla ang ekpresyon niya.
"You really think that i'm heartless?"
"I'm sorry... hindi lang kasi kita mabasa. We've been friends ever since seventh grade pero ramdam ko na hindi ka pa rin komportable na magsabi ng mga iniisip mo. You're hiding a lot of secrets from us, Eion, and it's making me feel bad as your friend." Malungkot akong napanguso.
"Hindi ko lang talaga alam kung paano mag-approach sa inyo regarding sa nararamdaman ko."
"Then sabihin mo sa akin. May nagugustuhan ka na ba? Come on, Eion, tell me!" Excited akong humarap sa kanya at napangisi naman siya dahil sa inakto ko.
"It's cringe, Lea." Nakangising responde niya at napatili ako. He's blushing!
"You're blushing and i'm getting even more curious to know who it is. Come on, sabihin mo na sa akin."
"It's just a crush, a mere adoration. Nothing else, it's no big deal." I frowned. Mere adoration? Yan din ang akala kong nararamdaman ko kay Cy at base sa pagngisi ni Eion, malaki ang chance na baka may mas ilalalim pa ang feelings niya. "So? I just need to know who it is. Para naman makilatis ko."
"I can't say her name. Wala namang patutunguhan kahit malaman pa niya, she's already in love with someone else."
"Really? Taken na ba yung nagugustuhan mo?"
"No, but she's crazy for him." Napatampal ako sa noo ko. "Wala pa palang label. Come on, sabihin mo na, baka matulungan pa nga kita."
Iniling lang niya ang kanyang ulo bago hininto ang sasakyan. "Sige na, lumabas na tayo."
"Eion, minor ka pa lang, diba? Wala ka pang lisensya?"
"Who the f**k cares about it? Police ang tito ko."
"Elliot Nathaniel, you're such an ass!"