[Lea's POV]
"Oh, kayo lang? Nasaan si Tita Zena?" Bungad ko pagpasok ko ng bahay nina Cy. Nasa salas siya at kaharap ang kanyang laptop. Tumigil ako sa harapan niya at binasa ang pang-ibabang labi ko. Napatitig ako sa maamo niyang mukha. Nakasuot siya ng eyeglass at seryoso sa pagsasagot nang kung ano.
"Nasa Davao, she'll be leaving for vacation. Mabuti na 'yun at para mahanap niya ang sarili niya." Mabilis akong umiwas ng tingin nung inangat niya ang kanyang ulo.
"S-so, kayo lang ni Eli rito? Nasaan siya?" Tumikhim ako bago umupo sa kanyang tabi.
"Lily Elizabeth!" Sigaw niya gamit ang baritonong boses.
"Oo, nandiyan na! Sandali!" Sigaw pabalik ni Eli na sa pagkakahula ko ay nasa banyo.
"I'm sorry, Ley. Mabagal talagang gumalaw ang kapatid ko."
"Mamayang hapon pa naman ang practice namin, so it's really fine." It's actually really fine. Hindi lang naman ang pagpapa-angat sa grades ko ang gusto kong mangyari sa sem-break na 'to kundi ang mapalapit din sa kanya.
"May pupuntahan ka ba after ng practice ninyo?"
"Wala naman, bakit?" Mabilis kong iling.
"Pupunta kami mamaya ng grocery at baka gusto mong sumabay, you're free to come." Aya niya nang nakatitig nang mataman sa mga mata ko. Napalunok ako at nauutal na sumagot. "S-sure, ba't naman hindi?"
"That's great. Hindi ka susunduin ni Eion?"
"Hindi, sinabihan ko na siya. Napaka-overprotective niya kasi." Tumango-tango siya sa naging sagot ko bago tumayo matapos niyang isara ang kanyang laptop.
"Want some breakfast? May ulam pa namang natira o ano ang gusto mo? Pwede kitang lutuan." Offer niya at dumiretso na sa kusina pero mabilis ko siyang sinundan para pigilan.
"No, I just had breakfast. You don't need to bother." Tahimik lang siya na tumango. Nakatayo siya malapit sa counter at naguluhan ako nung humarap siya sa akin at humilig nang nakahalukipkip.
Seryoso niya akong tinitigan at inoobserbahan na nagpapakaba sa akin.
"May gusto ba sayo si Eion?" Tumawa ako pero mabilis ko ring itinikom ang aking bibig nung walang nagbago sa ekspresyon niya.
"Really? Saan mo napulot 'yan?"
"He's protective of you. Maybe because he's jealous. Crush mo ako at dito ka sa bahay namin lumalagi."
"He's my friend. Tsaka, hindi lang siya akin protective, noh. Protective rin siya kay Pierce at Eve. Ayaw lang niya kasi akong masaktan." Umiwas ako ng tingin matapos ko ibulong ang panghuling pangungusap.
"What about you? What do you feel about him?"
"Seriously, Cy? Why are you asking me these questions? We both know that I don't have any feelings for Eion at ikaw lang ang gusto ko!" Kahit ako ay nagulat sa pagsigaw ko. Namumula ang mga pisngi ko at iniwas ang tingin.
"Mabuti. At least i'm now rest assured." Sumulyap ako sa kanya at nakayuko siya habang nakangisi.
"What is that supposed to mean?" Pinanliitan ko siya ng mata at parang plinantahan ng bomba ang dibdib ko dahil sa kanyang sinabi at sa magiging sagot niya.
Rest assured? Why would he say something like that? Dahil seriously, pinapa-confused niya ako at hindi ko maiwasang umasa. What if nagseselos siya kay Eion dahil gusto niya rin ako?
"Rest assured ako na wala akong relasyon na masisira. Akala ko may namamagitan sa inyo ni Eion." Mapakla akong ngumiti. What did I expect? He is held captivated by Pauline... pero hindi ako susuko. Gagawin ko ang lahat para magustuhan niya rin ako.
.
"I give up!" Eli exclaimed before sitting on the bench and grabbing her tumbler.
"Saan? Sa lawn tennis? Akala ko gusto mong matuto?"
"Hindi sa tennis, sa kay Eion ako susuko."
"Eh, hindi ka pa nga nagsisimula. 'Yun na 'yun? Just because he ignored your handshake it doesn't mean you're bound to give up."
Eli gave me such a deep sigh. I'm actually jealous of her. Abot-kamay niya lang si Eion dahil nandito ako, kaya ko siyang tulungan. What about me naman na since grade 4 ko pa dala-dala ang nararamdaman ko kay Cy? Kahit napakalayo niya ay nananatili akong lumalaban dahil mahal ko siya and I can't imagine being with other guys who is not Cy.
"He obviously doesn't likes me."
"But if you really love him, you won't give up just because of a shallow reason... I guess you don't love him enough to fight for him." Malumanay na saad ko.
Kung ganyan lang naman pala siya kabilis ma-give up ay mas mabuti na lang na hindi ko siya tutulungan.
"I love him, Ate. I just... don't understand why is it so hard for Eion to notice me! Ganoon na ba ako ka-unattractive?"
Napabuga ako at tinapik ang kanyang balikat.
Bobo lang talaga yung nagustuhan mo, Eli.
"No. You are more than attractive, Eli, but knowing Eion, a guy like him is not easy to please."
"Then paano niya ako magugustuhan? Close kayo diba? Ano ba ang mga type ni Eion?"
Napatanga ako at napaawang ang aking mga labi. Mga gusto ni Eion? Gusto ni Eion... tangina, kahit ako ay hindi ko alam.
"Close kami ni Eion pero masyado kasi siyang introverted, hindi siya masyadong nag-oopen up sa mga ganyang bagay."
"Maybe because you're a girl. What about si Kuya Ron? Baka may alam siya. Can you please ask him, ate? Please, please, pretty please?!" Hinawakan niya ako sa braso at nag-puppy eyes pa.
Gosh, paano ako hihindi sa future sister-in-law ko?
"Fine," pagsuko ko.
"Yes! Yes!" Tumatalong hiyaw niya at napapangiti rin ako. She's so beautiful especially when she looks so happy. Gosh, Eion, how can you not like someone like her? Halos identical sila ni Cy.
"I'll make it up to you! I promise!"
.
Napakagat ako ng labi at panay laro ko sa aking mga daliri dahil hindi ako mapakali.
Alam ko na ngayon kung ano ang ibig sabihin ni Eli sa 'I'll make it up to you'.
Nasa grocery store kami at bigla na lang siyang nag-excuse na pumunta sa CR. Nung nag-offer ako na sasamahan siya ay mabilis na siyang humarurot nang takbo. Kaya heto ako ngayon, naiwang mag-isa kasama si Cy.