Ramune

1001 Words
[Lea's POV] "Baka may gusto ka ring bilhin." Dinig kong sabi ni Cy nung pumasok siya ng cereals section habang tulak-tulak ang cart. "Libre mo?" Biro ko pero sa totoo lang ay nanginginig ang tuhod ko. Bakit kung sa bahay nila ay parang wala lang? "Sure, just pick anything. Sagot ko." Ngumisi ako at kumibit-balikat. Kukuha ako ng kung ano man ang gusto ko pero syempre, ako ang magbabayad. Joke ko lang 'yun. I can afford naman, e. Nakasunod ako sa kanya and of course, i'm maintaining a distance, mga two meters. Hindi ko kayang tumabi sa kanya, baka mag-burst out 'yung heart ko. "Ba't ang layo mo? It's not like I have a virus." Lumingon siya sa akin at tumaas ang kilay niya nung makita ang distansya sa pagitan naming dalawa. "I-i'm just busy picking," agad akong tumingin sa mga shelves at nagkunwaring pumipili nang kung ano. Halos mapatalon ako nung bigla siyang umatras at tumabi sa akin. Nakahawak ako sa isa sa mga box ng kung anong cereal habang nakatitig sa kanya na nakaawang ang mga labi. Halos hindi ako makapaniwala sa kanyang ginawa. "You want this?" Tanong niya pero hindi na hinintay ang sagot ko at kumuha siya ng dalawang box ng cereal brand na kaparehos sa hinawakan ko at nilagay iyun sa cart. Doon lang ako nahimasmasan nung mabasa ang brand ng cereal, it is 'Lucky Charms' and coincidentally, it is my favorite. Hindi ko maiwasang ma-worried dahil dinig ko kay Eion ay mahal daw kaya kahit anong pilit ko sa kanya ay hindi niya ako nililibre. He also said that eating too much cereals is unhealthy. "Ano pa?" Tanong niya sa akin matapos niyang basain ang pang-ibabang labi niya. "H-hindi ko alam." Iling ko at tumabi sa kanya habang naglalakad kami papunta sa kabilang section. "I'll just get some chicken thighs." Tumango ako at pinanood siyang pumunta ng poultry section. Tumingin ako sa loob ng cart at mga necessities lang ang nasa loob. Dali-dali kong pinag-separate 'yung binili ko. I'm not going let him pay. Nakakahiya na, he already did me a lot of favor. Nung bumalik siya ay pinanliitan niya ng mata 'yung pagkakaayos ng mga pinamili. "Now don't you tell me that you'll pay for that?" Tukoy niya sa dalawang box ng Lucky Charms. "I-i can afford." "It's insulting," suplado niyang tugon. "Then hindi na ako sasama sa susunod." "Really? Then mawawalan ka ng tutor." Napalaglag ang panga ko. Is this really Cy? He's fighting me over something petty. Hindi ako makapaniwala. "I'll pay for this. Dagdagan mo pa, pick everything you want." Maotoridad na sabi niya bago ako tinalikuran na tulak-tulak pa rin ang cart. "Fine, fine. Basta ako tutulak." Pinigilan ko ang cart at tinaas niya ang kanyang kamay, senyales na hahayaan niya ako sa gusto kong mangyari. Hindi nakaligtas sa mga tingin ko ang makalolokong ngisi niya na ikinangiti ko rin "Ba't hindi pa nakakabalik si Eli? I should check her," I said. I'm honestly not corncerned about Eli. The thing is, my heart is ready to explode any second from now. Cy's presence is making me alive and that's the thing, i'm being too alive. The way my heart pumps so uncontrollably fast is making me sweat inside an air-conditioned mall. I need to take a break, I need Eli's presence. I was about to excuse myself but he took my hand to stop me. I can't help but stare at him when I felt an electrifying current coming from his hand. Hindi ako bumitaw mula sa pagkakahawak niya sa kamay ko. His touch is making me feel nervous but I can't... I can't let go. "Eli is big enough, she knows how to handle herself. Ganyan lang talaga siya, mabagal kung kumilos." Naririnig ko ang kanyang boses pero wala akong naiintindihan. Titig na titig lang ako sa manipis niyang bibig.. "Babalik din 'yun maya-maya. Tara na," roon lang ako natauhan nung hinila niya nang marahan ang kamay ko at nilagay iyun sa handle ng cart. Agad kong naramdaman ang lamig ng steel sa handle pero nainda ko 'yun dahil nakapatong ang mainit na kamay ni Cy sa kamay ko. "The cart is yours. Ano pa gusto mong bilhin?" Nakapamulsa siyang tumabi sa akin sa paglalakad habang nakatingin sa mukha ko. Naiilang ako sa pagtitig niya kaya umiwas ako ng tingin at inabala ang sarili ko sa pagtulak ng cart. "Frozen takoyaki, favorite mo ang takoyaki diba?" "Yeah, pero 'yung fresh. I'm not into frozen." Tumango siya bago binalik ang frozen takoyaki sa freezer. Napaawang ang labi ko nung makita ang stocks ng favorite drink ko na nasa fridge, sa bandang likuran lang ni Cy. Agad kong binitawan ang cart at tumakbo papunta sa fridge. Parang umiilaw ang mga mata ko nung makakita ng Ramune. Ilang weeks nang out of stock at kung lucky day ko pa naman ay kung kailan ko kasama si Cy ay doon siya naging available. "Favorite drink?" Tumango ako nung marinig ang boses ni Cy sa likuran ko. Kumuha ako ng isang bote ng Ramune at inabala ang sarili ko sa pagsusuri ng cute na marble sa loob. "Bilhin natin." Napatingin ako sa kanya dahil sa kanyang sinabi. Nagulat ako nung kumuha rin siya ng bote at pinagmasdan. "What's your favorite flavor?" "Seryoso ka ba diyan?" He chuckled after looking at my face. I still can't believe that he's willing to buy a Ramune for me. "Oo nga. Come on, what's your favorite flavor?" "Melon!" Parang bata kong bulalas at natatawa siyang kumuha ng dalawang bote at nilagay sa cart. Akala ko aalis na kami pero napaestatwa ako sa kinatatayuan ako nung dinagdagan niya ang Ramune ng walo pa. "I-i can't drink all of that!" Turo ko sa Ramune na naging dahilan kung bakit punong-puno na ang cart. "Gusto ko ring matikman. Huwag kang KJ!" Natatawa niyang saad at napatikom naman ako ng labi. Napahiya ako roon, ah. Kita ko ang ngiti niya na umaabot hanggang tenga and I can't be more happy than that.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD