[Lea's POV]
Tipid siyang ngumiti sa akin bago tumayo. Nung tuluyan na siyang makaalis ay napahiga ako sa damuhan at napahingal.
Phew, parang ilang minuto kong pinigilan yung paghinga ko.
Napahawak ako sa dibdib at parang gusto kong mahimatay sa sobrang bilis ng pagtibok ng puso ko. Pati yung mga kamay ko at kalamnan ay nanginginig.
"Aray! Ba't mo naman ginawa yun?" Matapos kong sabihin sa mga kaibigan ko ang nangyari ay kinurot na lang ako nang bigla-bigla ni Pia.
"Sinigurado ko lang na hindi ka nananaginip."
"Sigurado ka bang si Cy yung kinausap mo?"
"Oo nga. As in Theo Cyrus De Jesus. Ba't hindi kasi kayo maniwala?" Napadabog ako. Kasi naman, e! Ganoon na ba kaimpossible na kausapin ako ni Cy? I mean, we were classmates back then, normal lang naman na kausapin niya ako.
"Inamin mo na ba na mahal mo siya?"
"Inamin ko na crush ko siya," nahihiya kong sagot habang pinaglalaruan ang mga daliri ko.
"Yun lang ang sinabi mo? Pero hindi lang basta crush lang ang nararamdaman mo para sa kanya." ani Eion.
"I don't want to shock him. Tsaka, mabuti na yun na alam niyang crush ko lang siya, ayokong dumistansya siya sa akin lalo na't sa kanila ako lalagi sa buong sem-break."
"Buong sem-break? Seryoso ka ba diyan, Lea?" Kumunot ang noo ko dahil sa reaksyon ni Eion na mukhang pikon.
"Bakit? Mas mabuti na iyun na may magtuturo kay Lea. Para rin naman sa grades niya 'to." Eva defended me and seemed to be confuse by Eion's actions.
"She'll be with him for an entire two weeks. Two weeks iyun, Eva. Two weeks!"
Lahat kami ay napatingin kay Eion nung tumaas ang boses niya at dahil sa pag-react niya. Nakataas ang aming mga kilay at nagtataka sa pagkontra niya.
"I know! So what?" Maasim ang mukha ni Eva at naguguluhan dahil siya ang hinarap ni Eion. Wala namang masama sa sinabi ni Eva at mas lalong wala namang masama kung magiging tutor ko si Cy. Eion is the only one who doesn't likes the idea.
"She'll be staying with him for two weeks, why are you all letting her be with Cy for that long?"
"Why are you acting like an ass, Eion? Nagseselos ka ba?" Kompronta ni Pia na ikinalaglag ng panga ko. S-si Eion? Magseselos?
"Hell no! I'm just worried. You guys know how deeply she's freaking in love with that De Jesus, she'll even fall harder once the sem-break is over... and we only that Cy's heart is already taken by his best friend. You know, that Pauline girl that you guys have been talking about." Napatahimik silang lahat including me dahil sa explanation ni Eion. "We should prevent the big pain that Lea is about to go through."
Pia scoffed and rolled her eyes. "I don't really get what you are so overprotective over Lea. Hindi ka naman ganito noon."
"Dahil palala rin nang palala ang nararamdaman ni Lea sa Cy na 'yun. Lea is my friend, I don't want to see her crying because of that guy! Her feelings are scary, why can't you all notice that?"
Napayuko ako dahil sa realizations na sinabi ni Eion. He look so worried that I might get hurt, knowing how deep my love for Cy is.
"What if Cy likes her too? Hindi pa naman sila ni Pauline. Maybe the real reason why he wants to tutor Lea ay dahil gusto niya ito. Lea is having an unrequited love, let's support her happiness." Parang mawawalan ako ng hininga dahil sa pagbibigay ng punto ni Pia.
Nakakasakal ang tensyon. Hindi na nga ako makasulpot dahil sa mga salitang lumalabas sa kanilang mga bibig. Tumingin ako kay Ron kasi himala at hindi nagsalita yung pinakamaingay, tahimik lang siya habang abala sa pagkain ng footlong niyang mukhang mainit pa.
"Ikaw, ano ang opinyon mo? Diba okay lang namang maging tutor ko si Cy? Tas makakalaro pa ako ng lawn tennis. Shooting two birds with one stone 'yun."
Napaangat siya ng tingin sa akin nung pumunta ako sa harapan niya. "Okay lang naman sa akin. Alam ko namang mabait si Cy. Kung masasaktan ka man sa huli, kasalanan mo na 'yun kasi tatanga-tanga ka."
"Aba't gago ka, ah!" Hahampasin ko na sana siya pero mabilis na siyang tumakbo papunta sa kabilang building.
Abnormal talaga 'yun, walang kwentang kausap!
"None of you got my point! Sige, kunsintihin niyo 'yang kaibigan niyo. Putangina!" Galit na tumalikod si Eion at bago pa man siya umalis ay binigyan niya ako ng nakakapasong mga tingin na ikinakalabog ng puso ko.
"Let him be, Lea. Basta, pumunta ka bukas sa bahay nina Cy. Kami na ni Eva ang bahalang kumausap sa ulupong."
Parang nakahinga naman ako nang maluwag sa sinabi ni Pia. "Thanks, girls." Niyakap ko silang dalawa nang nakangiti.
"It's not a big thing. We always have your back."
.
"Seriously? Can you call him? Panigurado lang." Hindi ako makapaniwala sa responde ni Mom nung sinabi ko sa kanya na aalis ako bukas para pumunta sa bahay nina Cy kasi itu-tutor niya ako.
"Mom, he must be busy right now. Tingnan mo, hindi siya naka-online." Pinakita ko sa kanya na naka-off ang active status ni Cy.
"Call him directly with his number. May load ka naman, diba?"
"I don't have it. I don't have his number."
"How am I supposed to believe you anyway? Paano ako makaka-sure na sa bahay ka talaga nina Cy pupunta at hindi ka gagala sa mall?" Pinag-cross niya ang kanyang mga braso at nakataas ang kilay na tiningnan niya ako.
My goodness, ba't hindi ko namana ang pagkataray ng ina ko?
"Try to contact any of my friends para sure ka, or you can just drive me tomorrow–"
"Deal! I'll drive you there tomorrow."
I squinted my eyes at her when a wide smile formed on her face. Nah uh, I forgot what kind of a child my Mom is.
"Forget about it, ako na lang mag-isa ang pupunta sa bahay nila at baka kung anu-ano pa ang masabi mo."
"No, ihahatid kita. Ihahatid kita o grounded ka buong sem-break?"
Shit, i'm f****d.