[Lea's POV]
"You don't have to do this, Mom. Diba may mga gagawin ka pa? May mga reports ka pa na kailangang iayos. Kaya ko na ang sarili ko." I blocked her way when she was about to enter the car. Natigilan siya at tinaasan ako ng kilay.
"Gusto mo bang ma-quarantine sa bahay, Lea?" Napalunok ako at napabuntong-hininga.
Habang nasa biyahe ay kagat-kagat ko ang aking pang-ibabang labi habang nakatingin kay Mom na pangiti-ngiti habang nagmamaneho.
Gosh, I couldn't guess what she's thinking. Ano naman kaya ang mga ideyang tumtakbo sa isip niya? Haysst, I wish lagyan na ni Mom ng preno ang kanyang bibig.
My heart skipped a beat when Mom finally parked the car in front of Cy's house and they are already waiting outside. Kasama ni Cy si Eli na nakayuko at mukhang nahihiya.
Parang nasa panaginip ako. Cy is standing there and waiting for his girlfriend to arrive at parang feel ko na ako iyun. My gosh!
"Mom, okay na ako. Hindi mo na kailangang lumabas." Pinigilan ko si Mom sa kanyang braso nung akmang bubuksan na niya sana ang pinto.
"Are you kidding me, Adelaide? I need to talk to Cy's mother." Napaawang ang labi ko. "For what? Mom naman, ako na nga yung nanghihingi ng pabor kay Cy. You don't need to make a scene outside."
"Make a scene? I'll just talk to Zena calm and formal. That's all. I'm not scandalous, Lea."
Mabilis na siyang bumaba at mangiyak-ngiyak din akong lumabas ng sasakyan para sumunod sa kanya.
"Good morning, Tita."
"Magandang umaga rin, Cy. Hmm, tama nga si Lea, lalo kang gumwapo." Nanlaki ang mga mata ko. Gusto kong umuwi dahil sa hiya. Si Mommy talaga!
"Your daughter has keen eyes like you, Tita." Ang chinitong mga mata ni Cy ay lalong kumipot dahil sa paglapad ng kanyang ngiti.
"Hello, you're Lily? I can't believe this. You're taller than Lea."
"Mom!" Suway ko kay Mom para tigilan niya ang pag-insulto sa height ko. Yes, Eli who is two years younger than me is a lot taller. She's also studying in PHS and her real name is Lily Elizabeth De Jesus.
"Can I talk to Zena?"
"Sure, she's inside. Pasok tayo."
Their house looks simple. Our house is thrice bigger than theirs but the environment here is relaxing. Madaming tanim at may maliit na duyan pa na gawa sa kahoy. Yung Isuzu nila ay naka-park sa garahe na katabi lang ng garden.
"Hi," matipid siyang ngumiti nung batiin niya ako. Nauna na si Mom sa loob since busy daw si Tita Zena sa pagluluto.
"Pagpasensyahan mo na si Mom. Masyadong excited kasi... alam niyang crush kita." Yumuko ako habang naglalakad para hindi niya makita ang pamumula ng magkabilang pisngi ko.
"That's good to know. Mukhang boto sa akin ang Mom mo." Mabilis akong napaangat ng tingin sa kanyang sinabi. Hindi ako makapagsalita kaya nginisihan niya lang ako at naunang maglakad sa akin.
"Nakapag-breakfast ka na ba, iha?" Tanong sa akin ni Tita Zena nung makaalis na si Mom. I wonder what she talked about with Cy's Mom.
"Yes, Tita."
"Are you good? May kailangan pa ba kayo?"
"We're fine, Mom." Si Cy na yung sumagot habang nakaupo siya sa sofa sa salas at abala sa paghanap ng notes at ang kanyang textbook.
"Dito ba kayo mag-aaral o sa kwarto mo, Cy?" Natigilan si Cy kaya napatingin ako sa kanya. Binigyan niya ng makahulugang tingin si Tita Zena na siyang ikinatikom ng bibig nito. "Sabi ko nga, dito kayo sa salas." Napapahiyang umalis na siya at dumiretso ng kusina.
Cy's mother is just so cute and kind. I wonder if she's okay now. All of them act as if nothing happened. I can already see that they removed all of Tito Chevy's picture.
"Shall we start?" Tanong niya sa akin para kunin ang atensyon ko. Kanina pa kasi hinahanap ng mga mata ko si Eli.
"Si Eli? You said she want to learn tennis."
"Mamayang hapon. May mga projects din kasi siyang kailangang tapusin. For now, mag-aadvance study tayo for the next quarter. Sa science muna tayo mag-focus," he starts to flip the textbook at hindi ko maiwasang mapatulala. He look so hot when he's serious.
Sana lang hindi siya ma-turn off kapag malaman niya na sumobra pa ang pagkabobo ko simula noong elementary.
"Sa unang lesson muna tayo para sa 3rd Grading na Reflection of Light in Mirrors." Malakas niyang sinarado ang textbook at nakahalukipkip niya akong tiningnan. "When you look at the mirror, what can you see?"
"My face?" He chuckled because of my answer at parang napahiya naman ako roon.
"I mean, deeper than just your face. Kapag tumitingin ka sa reflection mo, ano pa ang mas malalim na bagay na nakikita mo? I want you to think deeper."
Napayuko ako at nagsimulang magmuni-muni sa isasagot ko. Deeper things? It's hard. I mean, may ideas na akong naisip pero ang hirap i-deliver.
"May problema ba? Hindi ka ba komportable sa akin?" Mabilis akong umling. "Hindi, ah! Nag-iisip pa kasi ako."
Pa-hug nga para dama ang comfortable.
"Well?"
"When I look at myself... at my reflection, I could see my flaws and how definite my future is. My failures in the past keeps repeating before me and i'm worried that it might happen again like a cycle. No matter how hard I try, no matter how popular I become... wala pa ring silbi but i'm still trying. Naisip ko kasi, hindi nakikita ng salamin ang tinitibok ng puso ko. Hindi nakikita ng salamin ang mga bagay na napagdaan ko, ang mga hidden struggles ko, that's why I always choose to smile. A smile that can help me hide my flaws."
Cy is listening in front of me but my heart still aches. Ramdam ko kasi na sobrang layo pa rin niya. Sobrang hirap niyang abutin even if we have exchange thoughts yesterday.
Gusto ko sabihin sa kanya na nai-insecure ako kay Pauline, na tuwing gabi ay hinihiling ko na sana ako na lang siya. She has long and black natural hair, she smiles like an angel and her eyes always lits up like an orchestra giving life to a dull theatre.
Madami akong blackheads, whiteheads and I easily sweat a lot kaya tuwing tumitingin ako sa salamin, palagi akong mukhang haggard.
Kung sasabihin ko lahat ng nararamdaman ko kay Cy, maiintindihan kaya niya ako? What will he do? Will he comfort me? Or he would see me as a pathetic and dumb person?