Napatingin ako kay Aya na naglalakad at nakakahilo na siya, nasa tapat ako ng pool namin para sana mag-swimming gamit ang rubber shoes na binili ni Daddy sa'kin kasi nilagyan ko siya ng water proof paint, itatry ko lang kung totoo kaya mag-su-swimmimg ako ng may rubber shoes.
"Ano ba nakakahilo ka!" Sita ko kay Aya. "Umupo ka nga para kang tanga" ngumiti lang siya sa'kin at umupo siya sa upuan.
"Hindi ka ba pupunta sa mama mo ngayon?" Mahinhin na tanong niya. "Yung mga kapatid mo nasa mga mommy nila ngayon" tumango lang ako.
Pag-akin mama pag sa iba mommy.
"Kung pupunta ako edi sana wala ako dito" ano pupunta pa'ko duon? E binubugbog nga ako nun! Mamaya pa.
Tinitigan niya ako at ngumiti.
"Sa tingin mo, Laya anong magandang pangalan ni baby?" Masayang tanong niya sa'kin.
Tinitigan ko ang tiyan niya na mediyo malaki at maumbok na. Kung hindi ako nagkakamali limang buwan na yun.
"Gusto mo ba nang makaka-buti sa anak mo?" Seryoso kong tanong.
"Oo naman lahat ng ina gusto ang makaka-buti sa anak nila——"
"Edi ipalaglag mo 'yang anak mo"
"Ano?" Hindi makapaniwalang sabi niya.
"Ipalaglag mo, ayun ang makakabuti sa bata kasi sa sitwasyon ng pamilya——"
"Galit ka lang sa buhay mo kaya nasasabi mo yan" natawa naman ako sa kaniya.
"Buhay ko ba kayo?" Tanong ko pa.
"H-hindi——"
"Eh bakit sabi mo galit ako sa buhay ko kayo ako ganito? Galit ako sa inyo e so buhay ko kayo?" Hindi siya sumagot sa'kin.
Tumingin ako sa sapatos ko na nasa ilalim ng pool, naka-upo kasi ako sa gilid ng pool e.
"Sabihin mo nga," panimula ko na ikinatingin niya. "Lahat ba ng nanay mahal ang anak niya?" Mediyo nagulat pa siya sa tanong ko pero nakabawi din agad.
"Lahat ng nanay mahal ang anak nila, Laya——"
"So hindi ko nanay si Sonya?" Tanong kona ikinatigil niya. "Kasi sabi mo lahat ng nanay mahal ang anak niya, eh hindi naman niya ako mahal kaya hindi ko siya nanay" seryosong sabi ko na ikinagulat niya. Natawa naman ako sa itsura niya. "Hahhaa jok lang Aya masyado kang seryoso, gawin mong biro lahat nang sinabi ko" tumayo ako. "Dahil napatunayan kong water proof yung sapatos ko ay mauuna na'ko mag-kikita kami ni mama ngayon e" hindi ko siya inantay sumagot.
Dumeretso ako sa kuwarto ko kahit basa-basa yung mansyon dahil suot ko siya nung pumasok. Umupo ako sa tapat ng pinto at sumandal sa pader.
"Ulol! Hindi lahat ng nanay mahal ang anak niya" walang buhay na sabi ko at pumunta sa banyo ko at nag-bihis. Nag-over sized t-shirt lang ako at nag-square pants na pantalon at nag-rubbershoes.
What a great pormahan? Bakit kasi may salitang sabado at linggo edi sana kasama ko mga kapatid ko dito kahit pa nasusuka sila sa presensya ko.
Dumeretso ako sa bahay kung nasaan nakatira si mama at binisita ang bulingit at napaka-taba kong kapatid.
Nakita ko siyang naglalaro sa gitna ng kalsada na sobrang dungis. Tingnan mo nga naman, seven pa lang yan sa gitna ng kalsada naglalaro.
"Taba!" Sigaw ko na ikinalingon niya. Hinanap niya pa kung sino yung tumawag at nung makita niya ako mabilis siyang tumakbo palapit sa'kin kaya mabilis ding lumindol charot.
Niyakap niya ako ng mahigpit habang nakangiti. Mahal na mahal ko si Taba kahit ganiyan yan, kung puwede ko lang siya isama sa mansyon ginawa ko na.
"Ate Laya dito ka na matutulog?" Tinitigan ko siya,
"Ang dungis mo, Taba tara uwi muna tayo" kapatid ko siya sa ina, hindi kilala ang ama kaya heto dito siya kila Sonya.
"Hindi mo naman sinagot tanong ko ate Laya——"
"Ganuon talaga yun, hindi lahat ng tanong sinasagot baliw——"
"Edi puwede ko din na hindi sagutan exam namin?" Natawa ako sa sagot niya.
"Oo naman nang mamayat ka sa kakakurot ni Sonya sa'yo dahil bagsak ka" kumamot lang siya sa ulo niya na ikinataw ko lalo. "Asaan pala si Sonya? Kumain ka na ba? Bakit napaka-dungis mo?" Sunod-sunod na tanong ko.
"Si Mama kasama kaibigan niya sa loob ng kuwarto" ngumiwe ako kay Taba.
"Scam yun" sabi ko at kumamot sa ulo. Saganang-sagana talaga ang kipay ni Sonya. "Maligo ka na muna sa balon ha magpang-alis ka gagala tayo ha. Yung mukang biik na mamahalin ka naman ganun"
"Sige sige ate" kumuha si Taba ng damit niya at mabilis na lumabas at ako naman ay lumapit sa pinto kung saan rinig ko ang orchestra ng libog.
Nag-sindi ako ng yosi at humithit at saktong pagkabuga ko ng usok binuksan ko ang pinto na naka-lock. Buset! Secured sila. Kinatok ko sila at narinig ko ang pagmumura nila sa loob.
"Taba mamaya na tinuturuan ko pa ng laro kaibigan ko" sigaw ni Sonya.
"Ano namang laro, Sonya? Patintero sa kama? O paunahan pumunta ng langit?" Sigaw ko na lalong ikinamura nila.
"Anak ko yan bilisan mo umalis kana" bumukas ang pinto at lumabas ang lalaking naka-boxer pa.
Natawa ako sa kanila, tinitigan muna ako nung lalaki at nag-bigay ng credit card sa'kin natawa naman akong kinuha yun at pinakatitigan ang lalaki.
"Kunat mo na tanga" sinamaan niya lang ako ng tingin at umalis na. Hinarap ko si Sonya. "Saganang-sagana Sonya?" Tanong ko.
"Kung igagala mo si Taba dapat ginala mo na hindi yung nang-istorbo ka" natawa akong tiningnan ang kuwarto nung may makita akong condoms.
"Sure ka bang makaka-buntis pa yun?" Pang-iinsulto ko. "Gabi na kami makakauwi ni Taba"
"Oh eh asan ang pera?" Napatitig ako sa kaniya.
"Anong pera?"
"Kukunin mo si Taba malamang kailangan ng pera——"
"Ako na nga bahala sa tanghalian at hapunan niya babayaran pa kita? Ano ka special child?"
"Sa dami ng perang binibigay sa'yo napaka-damot mo!" Sigaw niya.
"Ibuka mo na lang yang hita mo baka natigang ka." Inis na sabi ko.
"Edi hindi mo makukuha si Taba hangga't wala kang binibigay na pera——"
"Edi tanginamo pag-ganun. Kaya kita ipakulong siraulo kaba? Pulis si kuya Hunt gusto mo mamatay?" Tanong ko pa.
"Anong akala mo? May pake mga kapatid mo sa'yo?" Natigilan ako sa tinanong niya na ikinatawa niya. "Oh diba? Minahal mo na sila kahit ang turing nila sa'yo hindi kapatid" ako naman ang natawa.
"Ayos lang atleast di kita tinuring na ina" malkas na sampak ang naramdaman ko pagtapos kong sabihin yun.
"Napaka-bastos mo"
"Eh anong tawag sa'yo? Kung bastos ako anong tawag sa'yo? Nakikipag-s*x ka sa lalaking dimo kilala habang yung anak mong isa napakadungis sa labas!" Galit na sabi ko. "Kung hindi kabastusan ang tawag nun edi kadakilaan. Sa sobrang dakila mo ang sarap kaskasin ng baga mo!" At malakas na sabunot ang ginawa niya sa'kin at kinulong ako sa kuwarto. "Palabasin mo'ko dito, Sonya!" Sigaw ko habang kinakalampag ang pinto.
"Magtanda ka hayop ka! Wala kang galang porket mayaman tatay mo ganiyan ka na! Wala kang kuwentang anak at walang nagmamahal sa'yo kahit isa tanga!" Narinig ko ang papalayong yabag ng mga paa niya kaya napa-upo na lang ako sa tapat ng pinto.
Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Reez.
"Bakit? Napatawag ka? Naglalaba ako ngayon e, kumuha ako labada e bakit?" Buset. Pinatay ko na agad ang tawag dahil busy siya pero sino ang tatawagan ko?
Lahat ng kapatid ko imported imposibleng may pumunta dito kahit sabihan ko sila.
May galang pa din naman ako, hindi ko pinapatulan nanay ko.
Tinawagan ko si Daddy at sinabing baka sa isang araw pa'ko maka-uwi, tinanong naman niya kung ayos lang daw ako sabi ko oo tapos di na siya nagreply.
Napa-tingin ako sa pinto nung bumukas yun at nakita ko si Taba na bihis na. Ay sayang drama makaka-labas naman pala ako.
"Tara na ate?" Tumango ako at tumayo na, buti pa'to.
"Nasaan si Sonya?"
"Hinabol kaibigan niya" tumango lang ako at umalis na kami. Dumeretso kami sa mall at pumunta sa mga laruan.
"Anong gusto mo? Pili ka lang diyan ha antayin kita sa counter para babayaran ni ate at huwag madami kahit dalawa lang o isa wala pa'kong allowance e" tumango siya at nag-simula nang mamili ng mga laruan na gusto niya at ako naman ay pumunta sa counter.
Bawal naman mag-yosi dito kaurat. Ilang oras pa inantay ko dumating na si Taba dala ang napaka-raming laruan at may kasama pa siyang staff na buhat-buhat yung iba.
"Baka wala na tayong makain mamaya" Hayop yan! Anong gagawin niya sa napaka-raming laruan e mawawala din yun!
Nang mapa-punch na lahat ng laruan napa-tingin ako sa sales lady.
"Ma'am 15,389.57 centavos po lahat"
"Wow!" Sabi ko lang. Masamang tingin ang pinukol ko kay Taba na hindi naka-tingin sa'kin. Inilabas ko ang card ko at binigay yun.
Nang makalabas kami sa bilihan ng laruan masama ang tingin ko kay Taba.
"Alam mo ba kung gaano kalaki ang kinse mil? Ano to Taba biruan?" Seryosong-seryoso na sabi ko.
"Sorry ate——"
"Anong akala mo sa'kin mayaman?" Inis na sabi ko. "Kung puwede lang hindi bilhin lahat ng yan e. Sinimot mo allowance ko buong two weeks. Edi paano ako ngayon ha? Wala pa'kong kotse" inis na sabi ko.
"Sabi kasi ni mama ate bago umalis ubusin ko daw pera mo"
"Nagpauto ka naman kay Sonya? Edi wala na tayong pang-kain hhhmm" gusto ko mag-mura punyeta at kutusan tong matabang 'to.
"Sorry ate hindi ko siansadya balik na lang na'tin——"
"Anong ibalik? Kainin mo yan!" Inis na sabi ko at umupo kami sa upuan kung saan may free access ng wifi sa mall.
"Ate sorry——"
"Tigilan mo'ko, Taba pinapahupa ko galit——"
"Hey" napa-lingon kami ni Taba sa nag-salita kumunot ang noo ko nang makita si Raiden. "Who is he?" Turo niya kay Taba.
"Ate minumura ba'ko niyan?" Ngumiwe lang ako sa tanong ni Taba at tinitigan si Raiden.
Naalala ko yung pag-halik at pag-kagat niya sa labi ko pero hindi ako namula.
"Adik yan, Taba tara na——"
"You look mad, babe" sabi niya na ikinatingin ko. Sabi ni Kuya Chaser mayaman to sa ibang bansa edi gamitin natin yaman mo.
"Gusto mo sumama sa'min? Bayad sa pagkagat at pag-halik mo sa labi ko" deretsa kong sagot na dahan-dahang ikinangiti niya na parang nasisiyahan sa larong ginagawa ko.
"Yeah but who is he? Your son?" Umiling ako.
"Kapatid ko sa nanay ko," hinarap ko si Taba. "Ibigay mo lahat sa kaniya 'yang bag——"
"You wish" sabi lang ni Raiden at hinila lang ako pero hindi binuhat mga bag ni Taba. "I don't like holding someone or something aside from your hands" nakangising sabi niya at tinitigan ko yung kamay namin na hawak niga.
"Bitawan mo'ko sisipain ko ari mo" seryosong sabi ko na ngisihan niya lang pero binitawan ang kamay ko at ipinasok yun sa bulsa niya. "Kakain kami ilibre ko kami" napa-hinto naman siya at umiling.
"I don't have money"
"Eh bat nasa mall ka?"
"I followed Serenity and her boyfriend but they went inside the cinema and I don't have money in my pocket so I am here then I saw you that's why" tinitigan ko lang siya.
"So wala kang pera?" Tumango siya kaya hinarap ko na si Taba. "Halika na, Taba wala 'yang kuwenta——"
"But I can pull somestrings if you want" napa-tigil ako at tinitigan siya.
"Kapag wala kang na-pull na string dila mo ipupull ko" sabi ko at dumeretso sa restaurant, nakasunod lang naman siya sa'kin.
Nang ma-order na at mabigay sa'min lahat ng inorder ko nagsimula na kumain si taba na parang walang bukas. Kapwa kami ni Raiden nagtitigan sa isa't-isa.
"You are different" bulalas niya at may binato sa'king isang kaha ng yosi na inabot niya sa'kin nung una kaming mag-kakilala. Mabilis ko namang nasalo ko.
"Akin na lang?" Tanong ko na ikinatango niya lang. "Du Maurier cigarette?" Tanong ko na ikinatango niya. Tinago ko sa bulsa ko yung yosi "By the way bakit mo pala sinusundan yung ex mo?"
"Because I still love her——"
"Kung mahal mo bakit nakikipag-s*x ka sa iba?"
"Because I have my own needs"
"Bawal kamay?" Tanong ko na ikinangisi niya.
"If your hands wrap around my pen*s so It's a yes but if my hand or another hands will wrap it It's a no" malandinf sabi niya.
"Piratin ko pa 'yan——"
"Then try" nakangising sabi niya. Ewan ko pero di talaga ako apektado sa mga sinasabi niya.
"Paano ka babalikan nung Serenity kung mukang hindi ka naman nagsisisi?" Tanong ko na ikinakamot niya.
"Regret for what? I didn't cheat her, I didn't left her behind and I didn't hurt her so regret for what?"
"Eh kung ganuon bakit kayo nag-hiwalay"
"Because of my appearance, my piercings, tatooes——"
"May tatoo ka pang iba bukod sa Serenity?" Patukoy ko sa braso niya.
"Yeah in my V-line" na-turn on ako sa sinabi niya kung nasaan ang tatoo niya. "Wanna see it?" Nanunuksong sabi niya. Tumango lang ako na parang wala lang at lumapit siya sa akin at tumabi sa akin.
Ibinaba niya ang zipper ng pantalon niya at itinaas ng bahagya ang t-shirt niya at tiningnan ko yung tatoo niya.
"Tribal tatoo?" Tanong ko. Napapantastikuhang tumingin siya sa'kin at zinipper uli ang pantalon at bumalik sa puwesto niya. "Bakit?" Tanong ko nang makita ang ngiti sa labi niya.
"You really are something"
"Something na?" Sa totoo lang wala akong kaide-ideya. Sinulyapan ko nang tingin si Taba na kumakain pa din.
"You saw me naked infront of you and you don't kinda look embarass, shy or something. Now I seduced you and showed my tatoo on my V-line but you don't look seduce. You are not like a typical girl who might reddened their cheeks" natawa ako sa kaniya.
"Ulol ka ba? Bakit naman ako mamumula or mahihiya nung nakita kitang hubad, ako ba yung hubad? Bakit naman ako mamumula nang ipakita mo sa'kin ang tatoo mo diyan malapit sa alaga mo, ako ba ang nagpakita ng ganiyan?" Simpleng sagot ko na ikinangisi niya.
"Wanna play with me?" Tinitigan ko siya at ngumiwe.
"Virgin ako, ayoko sa f**k buddies ganito ako pero ayoko babuyin ang katawan ko so nope!" Tumango-tango siya.
"But this game is different" nakangiting sabi niya. "No s*x and no feelings attach deal?" Tinitigan ko siya. "It's fun babe, trust me" at kinagat niya yung labi niya.
"Okay, ano yun?"
"Patience babe. After I'll drive this kid to his home" tumango lang ako nung tinuro niya si Taba na kumakain pa din.
Ilang oras ang lumipas at namalayan ko na lang na nasa sports car na kami ni Raiden. Tulog na si Taba sa backseat.
Tahimik si Raiden kaya ako na ang bumasag sa katahimikan.
"Hindi ka babalikan ni Serenity kung pagbored ka iba't-ibang babae ang lalapitan mo"
"I'm not planning to" sabi niya at sumulyap sa'kin at bumalik din sa daan ang tingin.
"Kung wala kang plano e bakit sinusundan mo siya?"
"Because I want to"
"Gulo mo"
"It's none of your business okay?" Parang di niya nagustuhan ang sinabi ko.
"Wala akong pakielam sa business mo tanga"
"Better" nakangiting sabi niya. Nang makarating kami sa kanto nagulat ako nung buhatin niya si Taba. "This pig is f*****g heavy" mura niya nang mabuhat si Taba. Kinuha ko yung mga pinamili ko kay Taba.
"Tatawagin ba 'yang Taba kung magaan yan?" Sarkastik na sabi ko. Hindi na'ko nagulat nung sumama siya sa'min papunta sa bahay ni Mama.
Pinagtitigan kami ng mga chismosa,
"Sa ibang bansa ba may chismosa din?"
"I don't think so" sagot niya lang na ikinatango ko. Nang makarating kami sa tapat ng bahay naabutan ko si Sonya na nagyoyosi habang naka-tingin sa buwan, syempre ginabi na din kami.
Napa-tingin siya sa akin at kay Raiden at ngumisi.
"Ang galing talagang pumili" bulong niya pero narinig din naman. Tinitigan ko si Raiden at sinenyasan na ibigay sa kaniya si Taba na ginawa naman niya. Inilagay ko sa tapat niya lahat ng pinamili ko kay Taba.
"Puro laruan to e ang para sa akin wala?" Demanding na sabi ni Sonya pero tinalikuran ko lang siya at umalis na.
Sumigaw-sigaw pa siya na bumalik daw ako pero hindi ko ginawa. Sinindihan ko yung yosi na bigay ni Raiden at sumakay sa kotse niya.
Binaba ko ang windshield at ibinuga ang usok. Ilang saglit pa dumating na si Raiden.
"You aren't respectful——"
"Iba ang ugali ko sa mga taong tao ang turing sa'kin" Malamig na sabi ko at humithit ng yosi.
"I'm pertaining to my car not to your mom." Napatingin ako sa kaniya at ngumiwe.
Akala ko sinabihan niya akong walang respeto dahil sa pag-bastos ko sa nanay ko yun pala dahil sa nag-yosi ako sa loob ng kotse niya.
"I'll drive you home——"
"Dalhin mo'ko kahit saan" tumango lang siya. "Bakit ka pala pumayag na pumunta sa bahay nung inimbitahan ka?" Tanong ko na ikinangisi niya.
"Because I like playing" tumayo ako.
"Laro lang din ba sa'yo si Serenity?" Tanong ko na ikinaseryoso niya.
"This is the last question I will answer about Serenity. Serenity is different case. I love her more than this world that's it so when it comes to her no play around" tumango ako.
Wala din naman akong pakielam ang akin lang para siyang hindi nagmamahal.
Nakarating kami sa overlooking na lugar, anduon ang liwanag ng mga building na masasabi ng ibang maganda pero para sa'kin,
"Corny." Sabay kaming tumingin ni Raiden sa isa't-isa nang mapagtantong sabay naming sinabi ang salitang corny.
Nginitian niya lang ako at umiling lang ako.
"I thought you like overlooking——"
"Wala akong gusto" malamig na sabi ko. "Kahit sino o ano wala akong magustuhan" dugtong ko pa.
"Let me change your mind" tinitigan ko si Raiden.
"Sige paano?" Humarap siya sa'kin at hinawakan ang muka ko.
"Play with me"
NAGISING ako kinaumagahan na masakit ang ulo ko kaya hindi ako tumayo, wala din namang kumatok sa kuwarto ko para sabihing kailangan ko pumasok kaya nag-stay na lang ako sa higaan ko.
Ipinikit kong muli ang mga mata ko at bumalik sa pag-tulog, nang magising akong muli maayos na ang pakiramdam ko. Hindi naman ako uminom ng alak pero ang sakit talaga ng ulo ko kanina.
Nang lumabas ako sa kuwarto ko at nang makarating sa sala nagulat ako nang makita nagkakagulo ang lahat ng kapatid ko.
"I will go to hospital go back to your class" matigas na sabi ni kuya Legal.
Ano meroon?
"But kuya? Kuya Hunt needs me and Clothes" nagmamakaawang sabi ni ate Calm at tinuro ang kapatid naming si Clothes.
Si kuya Hunts, ate Calm at Clothes isa sila sa buong magkapatid dito. Iisa ng nanay at iisa ng tatay.
"Go back to school now!" Galit na sabi ni kuya Legal. Walang nagawa sila Ate Calm at Clothes kung hindu bumalik sa school.
"Why am I here pala?" Takang tanong ni Glasses at umalis na. Hanggang sa si kuya Legal na lang at ako ang natira. Kitams? Walang pakielamanan. Kumunot ang noo niya nang makita ako.
"I though you're in school"
"Thought mo lang yun" tapos lumapit ako palapit sa kaniya. "Anong meroon kay kuya Hunt?"
"He got shot on his mission but don't worry, tita Gladz is with him by the way I need to go" patukoy ni kuya Legal sa mama nila kuya Hunt.
Tumango lang ako kahit nag-aalala ako. Dumeretso ako sa kusina at nagpagawa ako sa katulong ng almusal pero parang tangang hindi nila ako sinunod.
"Kinakausap ko kayo" sita ko pero tinitigan lang nila ako. "Ano bang problema niyo?" Inis na tanong ko pa at nagulat ako nung magdabog ang dalawang katulong sa harap ko na ikinainis ko. "Punyeta badtrip ako huwag niyo'kong subukan" inis na sabi ko.
"Anong pake namin?" Mataray na sabi ng katulong na ikinainis ko. "Sumosobra na 'yang ugali mo ha" dugtong pa nung isa.
"Ikaw yung pinaka-patapon ang buhay dito at pinaka-walang kuwenta pero ikaw naman yung walang kasiguraduhang anak talaga ni Don Forster dahil sa nanay mo." Natigilan ako sa sinabi ng katulong at mabilis siyang sinubsob sa kumukulong tubig. Humiyaw sa takot yung isang katulog at hinampas ako ng malakas sa ulo na ikina-wala ko ng malay.
Nang magising ako may benda na'ko sa ulo at nasa ospital na'ko, nilibot ko ang tingin ko kung may kasama ako pero wala.
Natawa ako sa sitwasyon ko at inalala ang nangyare at bumalik ang iritasyon ko. Anong karapatan niyang sabihin na ganuon ang pagkatao ko?
Wala silang karapatan? Punyeta sila! Wala silang alam sa pagkatao lalo na sa'kin. Hindi nila ako kilala at wala silang karapatang husgahan ako.
Napa-tingin ako sa pumasok at alalang muka ni ate Sun ang nakita ko, mabilis na lumapit siya sa akin at humawak sa kamay ko.
"Are you alright?" Alalang tanong niya. Pinakatitigan ko siya at tumango.
"Ate sorry kasi nadala lang ako ng emosyon ko" kahit pa baliktad nun ang gusto kong sabihin.
Gusto kong sabihin na ganuon din ba ang tingin nila sa'kin? Katulad ng tingin nung mga katulong.
"Laya the maid told us what happened."
"Sinunod nila ang gusto ko pero nainis ako kaya ngunudngod ko yung katulong sa kumukulong tubig" pagsisinungaling ko.
"That's exactly what that maid told us" napa-tanga ako sa sinabi ni ate Sun.
Siraulo kayo ha, lintik lang walang ganti hayop.
"Gusto ko mapag-isa ate——"
"They sue you" tinitigan ko siya at tumango. "But Dad talked to Light already so no worries but we are all disappointed to you, Laya"
Ako din, disappointed lagi. Hindi ako nag-salita kaya umalis na siya at sinabing babalik na lang daw after niya makapunta sa shop niya.
Kailangan ko nang makukwentuhan na hindi ako huhusgahan, mababaliw na'ko.
Mabilis akong tumakas sa ospital at umalis at dumeretso sa school kung saan nakita ko si Raiden na may kahalikang babae. Kasama niya ang mga tropa niya.
Pumasok siya sa school para makipag-s*x ganiyan buhay niya, hayop yan.
Nang makita niya ako huminto siya sa ginagawa at pinakatitigan ako.
"Later babe" sabi ni Raiden at mabilis na iniwan ang babae at lumapit sa'kin.
Kaya ayoko ng mga amerikano or taga ibang bansa e, kasi wala silang pake kung makipag-halikan girlfriend nila sa iba or something basta walang pakielamanan ganuon yung lahat ng tao open minded mukang tanga.
"What happened to you?" Sabi niya at sabay kaming lumabas ng school. Wala naman kaming pake sa school-school na yan.
Pumunta kami sa likod ng school at sabay kaming nag-yosi. Umupo ako sa lapag at ganuon din siya.
"Tumakas ako sa ospital" panimula ko.
"Your clothes explained and your head" natawa ako kasi naka-hospital gown pa'ko. "Now babe tell me what happened" at kinuwento ko sa kaniya ang buong nangyare.
Tinitigan ko ang itsura niya nang makitang nakangiti siya sa akin at amaze na amaze.
"I am so proud of you don't know why" tumango lang ako. "I'm amazed actually that you did that kind of thing"
"Kakasuhan ako pero dahil abogado ang isa sa mga kuya ko wala ding mangyayare sa kaso."
"Yeah as far as I know your family is Elite" tumango ako. "But babe I am so proud. Wanna let me do the rest?" Napa-tingin ako sa kaniya nang ngumiti siya. "They didn't call me badboy for nothing"
"Sige ano gagawin mo?"
"The maid who slammed you on your head" nakangising sabi niya na ikinangiti ko. Pakiramdam ko parehas kami ng gusto.
"Gusto ko ngayon na"
"Now it is" parehas kaming nakangiti sa gustong mangyare at tinapon ko ang yosi ko nung ubos na, inabot niya ang kamay ko at kinuha yun.
Napaka-lambot ng kamay niya at halatang walang trabahong ginagawa sa bahay pero wala akong pakielam muka lang tanga.
"So anong plano mo?"
"Where is her address?" Tanong niya nang makasakay ako sa kotse niya. Nag-sindi ako ng yosi at nag-yosi. "Don't do this on my baby" iritadong sabi niya na ikinatawa ko.
"Sino pipiliin mo babe or baby?" Pang-aasar ko na ikinangiwi niya.
"Of course my f*****g babe-by" pang-aasar niya din na ikinangiwi ko. "Do you even know the consequence of what we will do?" Tumango ako. "So I have a better plan"
"Nuyon?"
"Wanna ease your anger?" Ngising tanong niya.
"Paano?"
"Let's wait that f*****g maid to walk outside the village and we will act like we'll bump her so she can run as far as she can" tumango ako at ibinuga ang usok sa bunganga ko.
"But in one condition?"
"Hhm?"
"Ako magdadrive" nakangiting sabi ko at dinalaan ang labi ko. Hindi na'ko nagulat nung hahalikan niya ako sa labi kaya yung kaha ng sigarilyo ay mabilis kong pinang-harang sa labi ko na ikinangiwi niya.
"Brainy" komento niya lang kasi hindi siya naka-iskor ng halik sa'kin.
"So anong gagawin na'tin habang nag-hihintay sa katulong namun?"
"Just think if you want to play my game" nakangising sabi niya. Hindi ako sumagot at dumating ang gabi nang lumabas na ang katulong namin na humataw sa ulo ko.
Mabilis na nagpalit kami ng puwesto ni Raiden at pasipol-sipol lang siya habang naka-tingin sa katulong namin.
Dinahan-dahan ko lang yung pagpapa-takbo para mapansin niya, nang lumingon yung katulong namin sa'min mediyo binilisan niya na ang lakad kaya binilisan ko na din mediyo ang pagpapatakbo.
Nang mapansing naka-sunod pa din kami, tumakbo na siya nang mabilis at this time hindi na'ko nag-pigil mabilis kong pinatakbo ang sasakyan papunta sa kaniya at sumigaw na siya ng malakas sa takot at tumakbo sa pinaka-mabilis na paraan para hindi masagasaan.
"This is so much fun than I expected" nakangising sabi ni Raiden na nanunuod lang. Binilisan ko pa ang kotse at nang unti na lang mababangga na siya mabilis akong nag-drifting pakaliwa para iwasan siya at nang makitang maayos ang lagay niya sa side mirror natawa ako nang makitang nahimatay siya.
Nang mapansing walang tao sa paligid mabilis akong lumabas sa sasakyan at walang sabi-sabing inapakan ang muka niya sa buong puwersa na gusto ko.
"Ulol!" Bulong ko at mabilis na bumalik sa sasakyan.
"You are a b***h babe" manghang sabi ni Raiden na siyang nagpapatakbo ng sasakyan palabas ng village namin.
"Dalhin mo'ko sa ospital" nahihilong sabi ko at pinakatitigan niya ako.
"You look pale" bago pa'ko mawalan ng malay nakita ko ang ngisi sa labi ni Raiden.