Napa-tingin ako sa bintana ng classroom nang mag-simula na ang prof namin mag-turo.
"Ms. Forster are you with us?" Napa-lingon ako sa prof namin at dahan-dahang tumango kaya bumalik na siya sa pagtuturo.
Pasimpleng kinurot naman ako ni Reez para mahimasmasan. Sinamaan ko siya ng tingin pero sinenyasan niya akong makinig.
Bumuntong hininga ako at nagpatuloy sa pag-tingin sa bintana nang makita ko si Raiden na nasa labas na ikina-kunot ng noo ko.
Akala ko nasa kulungan 'to? Naka-labas na siya? Ang bilis naman. Nahuli kasi sila ng mga pulis alam ko e.
Tinaas ko ang kamay ko kaya napa-tingin sila.
"Ma'am may I go out?" tumango lang siya.
Hinagisan ako ng isang pack ng yosi na binibigay ni Raiden sa'kin na mabilis kong tinanggap.
"Saan tayo?" Tanong ko habang naglalakad. "Bored ako sa room"
"I won't shock if I found out that you'll repeat the class next school year" panimula niya at inakbayan ako na madali naman niyang ginawa dahil matangkad siya sa'kin.
"Game bar tayo?" Tanong ko na mabilis na ikinatango niya. Namalayan ko na lang ang sarili kong tumatakbo habang hawak ni Raiden ang kamay ko dahil hinahabol kami ng guard para pabalikin ng school.
Natatawa ako habang umaandar ang kotse ni Raiden at patuloy pa din kaming hinahabol ng guard kaya inilabas ko sa windshield ang kalahati ng katawan ko at pinasaludo ko gitnang daliri ko sa guwardya na lalong ikinainis ng guard at huminto na lang.
"Ang saya nun" sabi ko at nag-sindi ng sigarilyo na ikinalingon ni Raiden at bumuntong hininga.
"You know, I like seeing you use what cigarette I always gave to you but on the secons though I always regret it because you didn't respect my baby" pagmamaktol ni kupal. Ayaw na ayaw niya talagang mag-sigarilyo ako sa loob ng kotse niya.
"Baby or babe?" Pang-aasar ko na ikinangiti niya.
"Babe-by" parehas na sagot niya pa din. Ikina-iling ko na lang yun at humarap sa kaniya sabay bumuga ng usok sa muka niya na ikinangiti niya lang.
"You are really unbelievable" manghang sabi niya. "May I know why you didn't stop me?" Napa-isip naman ako sa sinabi niya at napatango.
"Duon ba sa nakita kitang nakikipag-rambulan?" Tumango naman siya. "Kasi gusto mo yan bat kita pipigilan?"
"That's why you supported me that time?" Tumango ako.
"Ganuon ka din naman sa'kin, B.I. ka di mo alam?" Natawa naman siya.
Nang makarating sa game bar tumingin siya sa paligid.
"Babe," tawag niya sa'kin na ikinalingon ko.
"Hhm?"
"Play what you want and I will play someone" tumango naman ako nang makitang tumititig siya sa babaeng napaka-sexy.
"Keep up the good work laspagin mo" walang kuwentang sabi ko na ikinatawa niya at bago niya ako iniwan hinalikan niya muna ako sa pisngi at umalis na.
Nag-papalit muna ako ng pera, kung may video karera dito baka dumami pa pera ko.
"Game bar to? Bakit walang taya-tayaan na laro?" Inis na tanong ko at pumunta na lang sa basketball area kung saan puwede ang shooting lang. Yun lang alam ko ano aasahan niyo?
Kung ako may-ari nito whole court gagawin ko, apaka-pulubi.
Eksperto kong inihagis ang bola with passion sa may ring, after siguro 20 minutes tatlo lang ang napasok ko.
Napatingin ako sa lalaking pigil ang tawa sa'kin.
"Sira yung ring" palusot ko na lang na lalo niyang ikinatawa. Niyakap niya ako agad.
"So adobrable" sabi niya at hinalikan ako sa pisngi.
"Kasama ba sa laro mo ang paghalik at pagyakap mo sa'kin?" Natatawang lumayo siya sa'kin.
"Don't know" simpleng sagot niya.
"Kamusta chix?" Tanong ko na ikinakamot ng ulo niya. Pinakita niya ang kaliwang pisngi niya na ikina-tawa ko. "Nasampal pa nga" sabi ko at hinaplos ang kaliwang pisngi niya. "Gusto mo gantihan ko yung babae?" Seryosong tanong ko, pasipol-sipol siya na parang sinasabing ang hot ko.
Inassume ko na lang na ganun. Tumango siya sa akin kaya hinawakan ko ang kamay niya at itinuro niya kung nasaan yung babae na may kasamang lalaki.
"Aakitin ko yung jowa niya——" napatigil ako sa sinasabi ko nung lamutakin niya muka ko. "Aray" inis na sabi ni ko na ikinangiti niya.
"You wouldn't do that" seryosong sabi niya na ikinangisi ko.
"Selos ka?" Pang-aasar ko, inakbayan niya ako. "Hindi ako papayag na hindi maka-ganti sa ginawa niya sa'yo" seryosong sabi ko na ikinangiti agad ni Raiden. "Trust me, Rai"
"Then I will trust my babe" binitawan niya ako at lumapit ako sa babae.
"Hey" papansin na sabi ko, walang ganang tumingin sa'kin yung babae. Napa-tingin naman sa'kin yung jowang kasama niya. "Gusto niyo ba mag-laro tayo?"
"A game? Hindi kami naglalaro miss ng walang pusta" binanggit ko ang model ng kotse ni Raiden sa kanila.
"Ayun ang pusta ko" natawa sila sa'kin.
"Baliw ka——"
"Ayaw niyo ba?" Tanong ko na ikinatigil nila at nagtanguan din naman sa isat-isa.
"Deal but what game?"
"Siyempre ako pipili ng laro" tumango naman sila. "Gusto ko pusoy" nakangising sabi ko na ikinangisi din nila. Sigurk dahil magaling sila sa pusoy kaya ganun.
"Malaya make sure that you will win because I will literally dump you if you lose" iritadong sabi ni Raiden. Ipam-pusta ko ba naman ang kotse niya e.
"Magaling ako sa unggoy-ungguyan trust me" natatawang sabi ko.
"What the f*ck?" Hindi makapaniwalang sabi niya. "I've changed my mind, I will kill you. I promised that" umiling-iling ako sa kaniya.
Magkaiba ba ang unggoy-ungguyan at pusoy? Alam ko parehas lang yun e. Nang makarating sa pupuntahan namin, naglabas agad ng baraha yung mag-jowa at tiningnan ang kotse ni Raiden at ngumisi na parang makukuha nila yun.
Sus ang daling tumakbo e. Sakto namang may lamesa kaya ayun. Yung babae ang nagbalasa ng baraha, kaming dalawa lang nung babae ang maglalaban at hindi sumali sila Raiden.
"Make sure that you will give that car to us" ngumiti lang ako sa babae nang ituro niya kotse ni Raiden.
Asa ka namang manalo sa'kin.
**
Napa-tingin ako sa papalayong ambulansya na papalayo sa'min dala nun ang mag-jowa.
Napatingin ako kay Raiden nang tumawa siya ng malakas.
"You're really unbelievable, babe" natatawang sabi niya. Natalo ko kasi yung babae kaya yung premyo ko kinuha ko, sapak lang na pinayagan naman ng jowang lalaki ang kaso may chain reaction sapak ko, masyado atang napalakas at nahulog yung babae sa upuan at nahimatay kaya kinailangan ng ambulansya.
"Hatid mo na'ko sa'min" simpleng sagot ko.
"Wanna go somewhere else?" Umiling ako. "Okay" sabi niya at habang nasa kotse kami tahimik lang akong habang sa biyahe. "You really can changed your mood that fast?" Tanong ni Raiden na kinunutan ko ng noo.
"Changed the mood sinasabi mo?"
"I thought you've changed your mood already" umiling ako sa kaniya at nagsindi ng yosi.
"Eh wala naman kasi akong gustong sabihin bakit ako magsasalita?"
"Unbelievable" ngumisi lang ako sa kaniya. Nang makarating kami sa bahay mabilis na umalis ako sa kotse niya at sumilip sa bintana.
"Allowed ba ang pagsama sa iba sa deal natin?" Tanong ko. Napapantastikuhang tumingin siya sa'kin at tumango.
"Yes, besides. No feeling attach."
Pumasok ako sa bahay at nakita ko si Primera, ate ko siya pero ewan ko di ako nasanay na tawagin siyang ate.
"You ditched on your class again?" Hindi makapaniwalang tanong niya. Galit pa din ako sa pamilya ko kaya imbis na sagutin siya mas pinili kong pumasok sa kuwarto ko.
Napailing ako nung tumunog ang cellphone ko at tumawag si Reez.
"Gag° ka talaga!" Malakas na sigaw na bungad niya. "Nung mga nakaraan pinagbigyan ka kahit absent ka dahil nasa ospital ka nga——"
"Alam mo palang nasa ospital ako e bat di moko dinalaw?" Putol ko.
"Gag* bat kita dadalawin? Hinataw ka lang naman ng kaldero sa ulo, ikamamatay mo yun? Mas malala pa nga mambugbog nanay ko e. Wala namang kasugat-sugat. Sobrang yaman lamg ng pamilya mo kaya dineretso ka sa ospital"
"Oh eh bat ka tumawag? Ang ingay mo muka kang tanga——"
"Ay dahil bob* ka. Binanggit na kanina na baka umulit ka next school year. Ditch pa. May I go out ka pang nalalaman"
"Oh eh di masaya? Goods yun pag-ganun"
"Goods ka pa diyan tang*namo, kung ako sa iyo inaayos mo ang sarili mo. Iwas-iwasan mo kakasama kay Mr. Grameson." kumunot ang noo ko.
"Ano namang meroon kay Raiden at nasama siya sa usapan?" Hindi na'ko nagtaka na alam niya ang lahat sa buhay ko dakilang tsismosa yun si Reez.
"Hindi magandang magsama kayo lagi, parehas kayo bad influence sa isa't-isa, Laya kaya tigilan mo" natawa ako.
"Bago pa siya dumating sa buhay ko ganito na'ko——"
"No, Malaya bago siya dumating sa buhay mo maayos ka kahit papano. Nakahanap ka kasi ng sa tingin mo kakampi mo kaya ganiyan ka ngyaon" bumuntong hininga ako.
"Reez walang kinalaman si Raiden sa nangyayare sa'kin kung ano mang maling ginawa ko——ako ang may gusto nun" at pinatay ko na ang linya hindi dahil nainis ako kung hindi dahil naantok na'ko. Hindi din ako nainis dahil sinabi niya na tigilan ko si Raiden. Wala akong maramdaman bahala sila jan.
Emosyon? Meroon pa ba ako nuon?
Nang magising ako, gabi na. Naabutan ko ang iba kong kapatid na kumakain na ng hapunan. Umupo ako sa puwesto ko at pinakatitigan ang lahat.
"Nasaan si Aya?" Tanong ko nang mapansing wala si Aya.
"Nag-hatid ng pagkain kay Dad" sagot ni Fan. Tumango ako at kumain na.
"How's school?" Tanong ni kuya Legal habang nasa gitna ng pagkain.
"Good like always" mayabang na sabi ni kuya Chaser.
"Hhm maayos naman ang akin lalo na sa banda" si Primera naman. School tinatanong banda naman inaano. Utak din neto e.
"I'm good in school too kuya by the way a talent scout talked me if I'm willing to be her model" pagkuwento ni Fan. Maganda naman kasi talaga si Fan e, lalo na'ko.
"Good to hear" si Kuya Legal.
"Unlike them I'm having a hard time" si Glasses.
"If you need help I can help you" si ate Calm.
"But we're different ate" sagot ni Glasses. Daming alam naman ng mga nito, kinareer ata pagiging perpektong magkakapatid. Pwe.
"We can do something about that" tumango si Glasses.
"Mine wasn't that good but doesn't even bad" si Clothes. Tumango sila. Napatigil ako sa pagkain nung tumingin sila sa'kin.
"Bakit?" Takang tanong ko.
"How 'bout you?" Si kuya Legal. Ay kasama pala ako?
"Ahm maayos kasi napalitan na teacher ko, bukas ko na seryosohin"
"Malaya" seryoso agad na sabi ni kuya Legal. Buti nga wala dito sila kuya Light, Bridge at kuya Hunt kasi mas seryoso sila e.
Si Kuya Light kasi attorney kaya busy, si Kuya Bridge naman nasa site kasi isa siyang Engineer kaya din busy, si kuya Hunt ayun nasa ospital pabaril pa-more.
Ang hindi na nag-aaral saming magkakapatid ay apat si kuya Legal bilang Vice President ng kumpanya, si ate Sun na may sariling negosyo hindi man kumpanya pero masasabi mong malaking negosyo yun, si kuya Hunt na isang pulis tapos sila kuya Light at Bridge na nabanggit ko na kanina.
"Wala din pala si ate Sun pati si kuya Bridge at Light?" Pag-iiba ko ng topic kasi mukang mabubulyawan na naman ako.
"Sun is with Hunt" sagot ni kuya Chaser.
"Back with the topic, Laya." Napa-tingin ako kay kuya Legal.
"I'll excused myself, I'm already done with her sh*t" tumayo si ate Calm at sumunod naman ang iba pa naming kapatid na ikinairip ko lang. Ang natira lang ay si Clothes, Fan, Glasses, kuya Legal at Primera. Ang iba umalis na.
Hindi pa din ako sumagot kaya ayun natapos na lang ang hapunan na ganuon pa din.
Kinabukasan maaga akong pumasok hindi dahil trip ko kung hindi dahil sasabunin ako ni kuya Legal.
Rinig ko pang tinawag ako ni ate Sun na nandito na para mag-almusal muna pero mabilis na lumabas ako ng bahay.
Nag-lakad ako papuntang school habang nag-yoyosi pero hindi pa'ko nakakarating sa school dumeretso muna ako sa Starbucks para bumili ng kape dahil sobrang aga pa naman pero napahinto ako sa pagpasok sa starbucks nang makita si ate Calm kasama ang mga kaibigan niya.
Nagtatawanan lahat ng kasama niya pero siya hindi, itsura na parang hindi natutuwa sa sinasabi ng mga kasama niya. Pumasok pa din ako sa shop at umorder ng kape.
Napa-tingin naman sa'kin yumg isa sa kasama nila at itinuro ako tapos malakas na nagtawanan sila na parang iniinsulto ako at tumawa din naman si ate Calm.
Tinitigan ko yung tatlong kasama niya at nginitian.
Anong akala niyo sa'kin mabait? Sira*lo!
Dumeretso ako sa school at pinuntahan agad si Reez sa library.
"Wow aga ha" lagi siyang maagang pumapasok dahil pa-good shot sa school.
"Sino yung mga kaibigan ni ate Calm?"
"Hindi lahat ng tao kilala ko bali——"
"Bilisan mo habang maganda mood ko" seryosong sabi ko na ikina-ingil niya.
"Malaya kilala kita, gagawa ka na naman nang ikakapahamak mo kaya hind——"
"Ininsulto nila ako——"
"Si Grace yun pati si Tanya. Lagi silang nasa CR kapag malapit na magpasukan para fresh daw kapag start na ng klase" ngumiti lang ako sa kaniya at umalis na.
Iniisip ko paano ko tatanggalan ng katinuan yung dalawnag yun. As you see? Hindi ako yung taong nagbigigay ng pagkakataon o gagalaw lamg kapag sumabog na. Ayoko ng inaapi ako at lint*k lang ang walang ganti at hindi ako yun.
Madalas ako sa squater area na may pokp*k na nanay, ewan ko lang kung hindi ako mag-ganito katapang.
Habang patuloy na nag-lalakad sa hallway napatingin ako sa isang lalaki habang may tinitingnan sa malayo.
Si Raiden yun at may tinitingnan siyang babae na masasabi kong maganda naman talaga.
Hindi ko siya pinansin at nilagpasan na lang, ang ineexpect ko mapapansin niya ako pero hindi kaya natawa ako. Masyadong inlove si Gag°. Yun ata yung Serenity.
Kakaiba naman mainlove ang isang Grameson, as in kakaiba talaga legit. Umiling na lang ako at pumunta na ng room.
Iniisip ko pa din yung Grace at Tanya. Kung hindi ako nagkakamali parang hindi din naman natutuwa si ate Calm sa kanila e kaso kalmado si ate Calm so wala siyang gagawin kung hindi panindigan pangalan niya.
E ako? Malaya ang pangalan ko so malaya din akong gawin ang gusto ko sa kanila. Papanindigan ko na din pangalan ko duh!
Pero wala pa din talaga akong balak magseryoso ngayon sa pag-aaral. Bakit? Kasi bob* ako na mas pinili kong kainin ng emosyon ko kaysa itama ang buhay ko.
Bago pa magsimula ang klase dumeretso na'ko sa comfort room at inantay yung dalawang g*ga. Hindi ko naman sila aanuhin katulad nang iniisip niyo pero naiinis ako.
Umihi muna ako duon at sakto namang may pumasok, nag-uusap sa sa maarteng paraan pero hindi ako lumabas ng cubicle.
Nagpantig ang tainga ko nang marinig na ininsulto nila ako pero hindi yun ang ikina-inis ko kung hindi ang pang-iinsulto nila kay ate Calm at sa pamilya ko na ikinagalit ko ng husto.
Ako nga hindi ko iniinsulto mga kapatid ko kahit galit ako sa kanila tapos sila ginanun nila? Ang kapal ng muka.
Binuksan ko ang pinto ng cubicle at napa-tingin sila sa'kin ng gulat. Dahan-dahan akong lumapit sa sink na ikinaatras nila. Nag-hugas ako ng kamay at pinatuyo ko yun.
Lumapit ako sa pintuan hindi para lumabas kung hindi para isara yun na ikinakunot ng noo nila.
"What are you doing?" Maarteng sabi nung Grace pero tinanggal ko ang sapatos ko at tumingin sa kanila.
"You're not serious aren't you?" Si Tanya naman. "You're mad because you heard us calling your sister Calm names and insulted her and your family?" Hindi ako sumagot.
"But she always insulted you to us so don't get mad at us. We're sorry if we insulted you and your family, we can be friends i——" napa-tigil sa pagsasalita si Grace nang malakas kong isampal sa muka niya yung sapatos ko.
"WHAT THE F*CK?" malakas na sigaw ni Tanya na masama ang tingin sa'kin bago pa siya mag-salita ulit hinataw ko na siya ng sapatos sa muka.
May dugo sa mga muka nila at masama ang tingin sakin. Akmang susugod ang damawa pareho nang sapakin ko sa sikmura si Grace na naunang sumugod.
Napa-luhod siya sa sakit at lumayo naman si Tanya. Hinawakan ko ang buhok ni Grace at umupo sa harap niya.
"Alam mo yung pinaka-ayaw ko sa lahat?" Tanong ko at hinigpitan ang hawak ng buhok sa kaniya na ikinasigaw ni Grace sa sakit. "Ang sabihan ng masasakit na salita ang pamilya ko na dapat ako lang ang puwedeng gumawa" at mabilis kong hinampas ang ulo niya sa lapag na dahilan ng pagkahimatay niya.
Tumingin ako kay Tanya na umiiyak na ikinatawa ko. Ang lakas mang-insulto hindi naman pala kaya ang sarili ampucha.
"D-don't come near me——"
"Ihilamos mo yung tubig sa bowl" putol ko sa kaniya na mabilis na ikinaawang ng labi niya.
"I c-can't believe you——"
"Ikaw gagawa o ako gagawa para sa'yo?" Dahan-dahan siyang napa-tingin sa'kin at mabilis na tumakbo sa cubicle at ni-lock yun.
Natawa ako sa ginawa niya kaya binuksan ko yung pinto pero hindi ako umalis para lang marinig niya na umalis na'ko at hindi din nag-tagal bumukas yung cubicle at lumabas ang ulo ni Tanya eksaktong sinapak ko ang muka niya at tuluyan na'kong lumabas ng comfort room.
Wala akong balak maging Santo, ni hindi ko nga pinangarap maging bida sa isang kuwento kung saan laging nagpapa-api ang bida. Hindi ako kasing bait nila.
Habang naglalakad pabalik sa room napa-hinto ako nung may humawak sa braso ko, pag-tingin ko si Raiden yun.
"You beat the sh*t out of them" panimula niya at tinitigan ako.
"Nakita mo ginawa ko?" Tumango siya. "Bakit hindi mo'ko pinigilan?"
"Why would I? Besides it's fun by the way here" may inabot siya sa'kin at tiningnan ko yun.
Isang knuckle amp*tek. Napantastikuhan akong tumingin sa kaniya at ngumiti. Kinuha ko yung Knuckle at inilagay sa bulsa ko.
"Thank you" manghang sabi ko na ikinatawa niya.
"I'll fetch you later, babe" tumango naman ako at bumalik na sa classroom namin.
Tumabi agad ako kay Reez na naka-tingin sa'kin.
"Huhulaan ko may dadating na Guidance Councilor dito tama ba?" Tumingin ako sa kaniya at tumango. "Jusko po dapat pala hindi ko na sinabi sa'yo pangalan nila edi sana hindi ganito.... Lalo kang mayayari, Laya"
Hindi ako sumagot sa kaniya pero naka-tingin lang ako sa table ko. Habang nasa kalagitnaan ako ng klase biglang pumasok yung Guidance Councilor namin kaya tumayo na'ko bago pa siya mag-salita para tawagin ako.
Napa-tingin ako kay Reez nang sampalin niya noo niya sa disappointment. Umiling lang ako at sumama na sa kaniya na hindi naman niya na ikinagulat.
"Make sure you have an acceptable reason about what you did"
Ilang minuto lang nanduon na kami sa Guidance Office at hindi na din ako nagulat nang makita si kuya Legal at may dalawang parents na mukang mayaman at si Tanya na masama ang tingin.
Tumabi ako kay kuya Legal at namulsa habang naka-tingin sa mga magulang nila Tanya at Grace.
"Mr. Forster I'll sadly tell this but Ms. Grace is on the hospital right now because of your younger sister"
Nabugbog ko ba ng malakas si Grace? Alam ko hindi naman e. Hina niya pag-ganun. Napa-tingin ako kay Tanya na may benda sa ilong.
"I need to give a one month suspension for your sister" ilang oras pa ang pinag-usapan nila pero hindi ako sumasabat.
Panay ang reklamo ni Tanya sa ugali ko na basta-basta na lang daw ako nambabanat at sinegunduhan naman nung mga magulang nila at si kuya Legal panay lang ang hingi ng tawad sa kasalanang ginawa ko.
Nauwi ako sa one month suspension, sa one month na yun wala ding special project na ibibigay sa'kin para ako mismo ang mag-habol sa mga kulang ko kasi sumusobra na din ako. Duon din kinuwento nung Guidance Councilor yung mga pag-ditched ko ng class, pag-yosi ko at kung paano ako maging bastos.
Kaya ang ending, pahagis akong binagsak ni kuya mahaba at malambot na sofa nang maka-uwi kami sa bahay.
Nagulat pa'ko kasi nanduon si Ate Sun at kuya Bridge tapos si Clothes.
Si kuya Bridge naman may dala-dalang malaking bag siguro kumuha ng pamalit dahil malako takaga yung project na ginagawa nila ngayon pero imbis na umalis agad napa-tingin siya sa'min ganuon din si ate Sun at ang bunso namin ngayon na si Clothes.
"What the h*ll are you doing, Legal?" Si ate Sun. Mas matanda si kuya Legal kay ate Sun ng isang taon lang naman.
Hindi siya sinagot ni kuya Legal at pinadapa ako sa lapag at tinanggal ni kuya Legal ang sinturon niya at handa nang ihataw sa likod ko nung sumigaw ng malakas si ate Sun at inawat naman ni kuya Bridge si kuya Legal.
Pinatayo ako ni ate Sun at niyakap niya ako.
"Are you ok?" Alalang tanong niya pero hindi ako sumagot.
"What the h*ll is wrong with you, Legal?" Inis na sabi ni kuya Bridge. "You will hurt, Laya if you don't control your emotions" dagdag niya pa.
"I am f*cking hate her!" Malakas na sigaw ni kuya Legal na ikinasakit ng damdamin ko.
"Legal" parang di makapaniwalang sabi ni ate Sun.
"I tried my best, Malaya to console you from your depth of sorrow whatever the reason it is but you always chose the wrong way. I tried my best to lead you the right path but you always chose the opposite. I am tired to your sh*t, Malaya. F*cking tired" malakas na malakas na sigaw ni kuya Legal.
"Legal calm down!" Makas na boses ni ate Sun. "What happened, Malaya?" Hindi ako sumagot kaya ang sumagot ay si kuya Legal.
"She brought Calm's friend to the hospital because she beat the sh*t out of them for what reason Malaya? FOR WHAT F*CKING REASON?" galit na galit talaga si kuya Legal. Hindi ko nga alam na kaya pala magalit ni kuya Legal ng ganito.
"Gusto ko na magpahing——"
"Do you know what you're capable of?" Putol ni kuya Legal sa'kin. Kalmado na siya pero masama pa din ang tingin.
"W-why did you do that, Malaya?" Kinakabahang sabi ni ate Sun pero hindi ako sumagot.
"Malaya how we can defend you if you——"
"No one will defend her" putol ni kuya Legal kay kuya Bridge. "I'm the eldest here so you guys will obey me" at humarap siya sa akin. "I can't believe you are my sister" inis na sabi niya at lumabas na ng bahay, siguro para bumalik sa opisina.
Hindi ako maka-tingin kila kuya Bridge at ate Sun pero narinig ko silang bumuntong hininga.
"I'm going now to site, Sun" paalam ni kuya Bridge kay ate na ikinatango lang ni ate Sun. Naramdaman ko pang napa-tingin sa'kin si kuya bago umalis.
"Laya——"
"Bibisita lang ako kay mama ate" walang buhay na sabi ko at umalis na agad. Habang nag-lalakad hindi ko mapigilang mapa-isip.
Kung bakit walang luhang lumalabas sa mga mata ko? Kung bakit wala akong makitang mali sa ginawa ko?
Galit na galit sila sa ginawa ko e ang ginawa ko lang naman pinagtanggol ang ate ko, nananakit ba'ko ng walang dahilan? May dahilan naman ako bago gumalaw.
Hindi ko na alam ang gagawin ko. Muka akong tanga na naiinis. Parang gusto ko ulit balikan si Tanya at dalhin sa ospital deretso pa-morge sa kasinungalingang sinabi niya nung nasa office kami. Hindi ako nantitrip ng estudyante puny*ta sila.
Hindi pa'ko nakaka-rating malapit kilala mama pero nagulat ako nung may bumato sa'kin ng itlog na ikinatawa ko.
Badtrip ako tapos babatuhin ako ng itlog, sira*long to. Napa-lingon ako sa isang babaeng kaedaran ko na galit na naka-tingin sa'kin.
"Dahil sa'yo nasa ospital pa din ang nanay ko, halos ikinamatay niya ang ginawa mo hay*p ka!" Malakas na sigaw niya pa at sinampal ako. Hinayaan ko siya syempre manhid na'ko e. "Kung hindi mo inilagay ang ulo niya sa kumukulong tubig edi sana maayos siya ngayon. Hustisya na nga lang ang gusto namin pero bakit? Bakit pati yun ayaw niyo ibigay? Porke ba abogado kapatid mo? Pinagtakpan lahat ng kasalanan mo? Gag* ka"
Susugod pa sana ulit siya ng ako na ang lumapit sa kaniya at dakmain ang leeg niya at diniinan ang pagsakal sa kaniya.
"Ang tang* mo ngayon kapa nag ganiyan" gigil na sabi ko habang pilit na sinasakal ang babaeng to na pumipiglas. "Hindi ko kasalanan kung masyadong makuda nanay mo para ganunin ko"
"T-tama na" hirap na sabi niya pero hindi ako tumigil. Walang buhay na tiningnan ko siya at hinigpitan ang pagkakasakal.
"Alam mo naman palang gag* ako sumugod ka pa? Sa tingin mo ba gagawin ko yung ginawa ko sa nanay mo kung may konsensya ako? Imbis na makonsensya dahil sa ginagawa ko ngayon gusto ko kitang isunod sa nanay mo" at mabilis ko siyang sinipa na ikinatalsik niya sa isang pader. "Pasalamat ka badtrip ako ngayon kasi kung good mood ako hindi lang 'yan aabutin mo" inis na sabi ko at sinipa pa siya ng isang beses at iniwan na siya.
Nag-sindi ako ng yosi pampa-tanggal stress at ipinikit ang mata ko at idinilat din agad. Hindi ko na alam ang oras na lumipas basta namalayan ko na lang na gabi na.
Naka-isang kaha ako ng yosi habang papunta ng bahay, iniisip kung paano ko sila hindi haharapin at dederetso na lang sa kuwarto dahil ako? Ay iritadong-iritado na puny*ta.
Kinakalma ko ang sarili ko dahil daig ko pa naka-droga once na sumabog ako pero p*ta nanggagalaiti ako.
Nang makarating sa bahay sobrang tahimik kaya inaassume ko na tulog na lahat pero nang mabuksan ko ang pinto isang napaka-lakas na sampal ang inabot ko.
Mabilis na inawat ng mga kapatid ko si ate Calm pero dahil galit na galit siya hindi siya naawat. Pinagsasampal niya ako at pinagkukurot sa muka habang umiiyak.
At duon ako nasaktan, ang makitang umiiyak siya. Umiiyak siya dahil sa mga kaibigan niya na never niyang nagawa sa'kin.
"H-how dare you?" Isang sampal pa ang natamo ko, pinagsisipa niya ako at pinagsusuntok. Siya na din ang tumigil nang makitang wala din naman akong pakielam.
Kahit ang totoo nasasaktan ako, sobrang nasasaktan kasi parang mas mahal niya pa tropa niya kaysa sa'kin.
Humagulgol siya sa iyak at ang mga kapatid lang namin ay walang nagawa kung hindi ang tumingin sa'kin na parang sinasabing 'WALA KA BANG KAPAGURANG GUMAWA NG MALI?'
"Nakauwi na'ko" sabi ko na lalong ikinatawa sa inis ni ate Calm. "Papahinga lang ako——" napatigil ako sa pagsasalita nung may maramdaman akong tumama sa ulo ko at pag-tingin ko kung ano yun. Isa flower vase.
"Calm!" Malakas na malaka na sigaw ni kuya Chaser. Wala sila ate Sun yung ibang nakakatanda sa'min dahil for sure inaayos nila ang gusot ko.
"I can't believe you ate Calm" galit na sabi ni Fan. "How could you threw that to her?" Dugtong niya pa.
"How could am I? Then how could is she too? To beat my friends" nanginginig na sabi ni ate Calm.
Ako naman natawa sa kaniya.
"Of course ate Laya has her reason" si Glasses.
"She definetly have because if she shouldn't have I will kick her out of this house——" napatigil ang lahat nang basagin ko yung isa pang flower vase sa gilid ko sa harap nila. Binato ko na din yung kung ano ang mahawakan ko.
"Alam mo ang unfair mo" at tinuro ko na si ate Calm. "Lahat kayo!" Sigaw ko pa na ikinatigil nila. "Nanggigigil ako sayo ate Calm pero hindi kita sinasaktan kahit ang dali lang kitang dalhin sa ospital" sabi ko na ikinagulat niya. "Hindi mo'ko iniyakan ng ganiyan sa tuwing naoospital ako kahit kapatid moko pero yung mga kaibigan mo na sobrang aarte iniyakan mo——"
"Because I love them——"
"PUT* KA KUNG GANUON!" hindi ko na napigilan ang malakas na sumigaw na ikinatigil niya. "YOU LOVE THEM? EDI SUMAMA KA SA KANILA! YOU HATE ME? EDI PATAYIN MO'KO. I WILL GLADLY REPEAT WHAT I DID TO THEM IF SOMEONE GIVEN ME A CHANCE, WANNA KNOW WHY?" malakas na sigaw ko pero hindi sila nag-salita. "BECAUSE THEY INSULTED MY FAMILY BEHIND YOUR BACK" sigaw ko na ikinatigil nilang lahat. "Hindi ko na kasalanan kung kayo kaya niyo'kong insultuhin sa lahat ng tao at hindi ipagtanggol dahil anak ako ng pokp*k, puwes ibahin niyoko. Hindi ko kayang marinig na iniinsulto nila kayo lalo na pag-narinig ko kasi pamilya ko kayo" at hinawakan ko ang pisngi ko inaasahan na may luhang tumutulo duon pero wala.
Bakit wala akong luha?
Maglalakad na sana ako nang mapagtanto kong kumpleto lahat ng kapatid ko.
"Ayaw niyoko dito tama ba?" Tanong ko sa kanila.
"Ate Laya no" si Glasses.
"We want you here" si ate Sun pero umiling ako.
"Hindi ko ramdam, oh sige para wala ng gulo.... Aalis na'ko sa bahay na'to——"
"Laya" napa-tingin ako kay kuya Hunt nang tawagin niya ako pero mapait akong natawa sa kaniya.
"Isa ka pa e... Ni hindi mo nga ako mapakilalang kapatid mo e" sabi ko at tiningnan silang lahat. "Lahat kayo ganun, lahat kayo nagdududa kung kapatid niyo ba talaga ako kasi pokp*k ang nanay ko" at tumalikod na'ko. Mabilis akong pumunta sa kuwarto ko at nag-impake ng mga gamit ko nang pumasok duon si kuya Legal.
"What are you doing?" Tanong niya pero hindi ako sumagot.
"Malaya let's talk" Rinig kong sabi ni kuya Hunt. Hindi ako sumagot at nagpatuloy ako sa pag-aasikaso ng bag ko.
Galit ako ngayon, galit na galit. At kapag galit ako, galit ako.
Nang matapos ako mabilis akong lumabas ng kuwarto ko at nagsisunudan sila.
"Ate Laya" si Clothes. Wow naki-ate si Gag°.
"Malaya" napa-hinto ako nung makita si Aya hawak ang tiyan niya.
Ngumiti ako sa kaniya at binuksan na yung pinto at umalis na.