bc

Rebound

book_age16+
117
FOLLOW
1K
READ
like
intro-logo
Blurb

"Nakakaloka kayong mga lalaki pagkatapos niyo kami pagsawaan, ubusin ang katas iiwanan niyo na lang kami." bulong ko sa sarili ko, g na g ako ngayon gusto ko manapak ng susunod na lalaki na makakasalubong ko. Inaayos ko ngayon ang sandals ko na napiktal, nang may biglang magsalita. Dahan dahan kong inangat ang ulo ko.

"Oh Nadine anong nangyari sa'yo?" tanong ni Hampton nang makita ito sa isang mall na naglalakad na hawak ang sandals nito.

"Hinabol ko ang jowa ko at ang hitad niyang babae, kapal ng mukha ako nga hindi niya madala sa mall tapos siya makikita ko dito may kalampungan na iba."

"Okay ka lang ba?" tinignan siya ng masama ni Nadine sabay taas ng kilay nito.

"Tanga ka ba Hampton sa tingin mo ba okay ako? Ganyan kayong mga lalaki manhid sarap niyong ibabad sa asin nang makaramdam naman kayo."

"Hahaha sorry hindi ko lang kasi expected na makikita kita dito." inayos nito ang magulong buhok ni Nadine. "Bakit pati buhok mo gulo gulo?"

"Sinabunutan ko yung babae, eh gumanti potek wala akong kakampi don yung jowa ko mas kumampi pa don sa babae niya. Ay teka! Halika nga samahan mo ako magpanggap kang boyfriend ko. Sige na para marealize niya ang panget niya, gwapo mo kaya dali na."

"Okay sige go ako diyan."

"Yes! Teka bili mo na ako ng sandals ang panget naman pag nakayapak pa ako."

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"Girls. call time natin 6:30am magprapractice pa daw tayo ng 30mins pagdating don." andito kami ngayon sa lobby ng work ko, sa isang call center building dito sa Alabang this week ang Callcenter Olympics namin kung saan dadaluhan ng iba't ibang Call center company all over Metro Manila. Isa ako sa mga kasali sa Volleyball team namin at badminton medyo active ang lola niyo sa mga ganitong bagay, since Elementary pa lang hanggang College active ako sa mga sports kaya ang ganda ng katawan ng lola niyo. At eto pa ako lang naman ang Muse na magrepresent ng Company namin, kaloka diba? Hinakot ko na lahat ng pwedeng salihan, sa sobrang active ko sa kasali rin ako sa lahat ng organization sa work kasali ako pati sa l***q organization Vice president ang lola niyo, pati music and dance club isama mo na yan kasali ako diyan. Kaya ipagtanong mo ako sa work ko pag sinabing Nadine? Ay ung curacha ng Chatterly Call center, ihi lang pahinga. Charot! Halos every events sa work ako lagi sinasalang lalo na pag may mga client from America na mag client visit ay dzai para akong model niyan kung ano ano ang ipapasuot sa akin to welcome them minsan Maria Clara, Aeta, nakapang sagala at kung ano ano pang klaseng tribo na meron dito. Kilala na rin ako ng mga client since ako nga lagi ang nakafront, kaya ang lola niyo laging may gift sa mga clients namin sangkatutak na chocolates. "Nadine." nagulat ako nang may baklang sumigaw. "Yes lukaret na Charlotte, kung makasigaw wagas." "Girlie ito na ang susuotin mo mamaya sa opening." inilabas niya ang dala niya na nasa paperbag, pag opening kasi later ang pagrampa naming mga muse. "Yung totoo kita na kuyukot ko dito sa sobrang ikli, sana pinag-two piece mo na lang ako para sagad na." isang bubble sports skirt ito at parang sports bra naman ang pangtaas. "Pak na pak yan bakla, eto pa sure na pasok na pasok ka sa banga." nilabas niya din ang isang wig, maikli kasi ang buhok ko lagpas lang sa tenga ko hindi pa umabot sa balikat ko. Kulay blonde na may halong blue green at pink ang laylayan ng wig. "Ay bakla balak mo ba akong gawing Harley quin?" "Yiz mama mia. Paano naman kasi yung kapartner mo kamukha ni Joker kaya ito ang naisip ko." "Hahaha ang sama mo mukha kasing Joke ang mukha niya." sabay sabay kaming tumawa, ewan ko ba bakit siya naging partner ko inaasar kasi siya ng mga ka team niya na may crush sa akin kaya noon, nang nalaman na ako magiging muse aba ang lolo mo nagprisinta na siya na daw maging escort ko. Goodluck sa amin! Dumating na ang coach namin at sabay sabay na kami bumaba at andon na rin ang shuttle namin nag maghahatid sa amin sa venue. "Nadine wag ka na sumali sa practice diretso ka na sa pag-aayos mo para mamaya sa opening." utos sa akin ni Coach pagdating namin sa venue. May room kami dito alloted for other candidate at escorts. "Charlotte gandahan mo ah, kailangan maiuwi ko ang premyo sayang din yun 10kiyaw may 20% ka sa akin." "Hi Nadine." may tumawag sa akin sa likuran ko hindi ko na nilingon nakikita ko naman siya sa malaking salamin. Si Joker ang partner ko este si Oscar. "Yes Oscar anong hanap?" natatawang sabi ko. "Ah eto dinalhan kita ng milktea, baka nauuhaw ka na." "Wala man lang panulak? Milk tea lang?" seryosong sabi ko sabay abot sa milktea. "Joke lang thank you." "Ay hindi ko kasi alam ano gusto mo kainin, ang alam ko lang yung favorite mo na flavor ng milktea." "Ang gusto niya kapartner niyang milktea yung frech fries na super jumbo at japanese siomai." sabat ni Charlotte. "Talaga may time pa naman siguro sige bibilhan kita wait ah." "Damay mo na ako pogi." si Charlotte. "Sige balik ako." "Ay ibuh, kapal mo don sa part na yun bakla." nagtawanan na lang kami may nauto na naman tong bakla na to. Inayos muna ni Charlotte ang wig ko bago daw niya ako makeup-an. Nakita ko na si Oscar sa salamin na naglalakad papalapit sa amin, may dala itong apat na plastic. "Wow sineryoso mo naman pogi na isama ako sa fudang thank you." ani Charlotte at sabay kuha ng french fries. "Salamat Oscar." iniabot niya sa akin ang plastic ng french fries, inayos niya rin ang mga sauce ng siomai at inabutan din ako. Naubos namin ang mga dala ni Oscar saktong natapos din ang pag-aayos ng wig ko. "Bakla wait lang toothbrush muna ako bago mo simulan make up ko." nagpaalam muna ako na punta ng c.r. Nagtext si Velvet, kaya nakatingin ako sa celphone ko habang naglalakad nang bigla akong nahilo bumangga ako sa pader. "Aysshh." reklamo ko pero nagulat ako kasi mabango yung pader. Minulat ko ang mga mata ko, bakit kulay brown ung pader. Iniangat ko ang paningin ko, shocks sa dibdib pala ako ng isang machong papa bumangga. Grabe lang mga seswa ang tigas ng dibdib niya kaya akala ko pader, nakahalf naked siya kaya kitang kita ko ang naguumpukang abs ano ba tong nakikita ko. "Are you okay?" nagsalita na siya mga seswa. Hindi ko maingat ang ulo ko kaya ang mata ko lang ang tumingin sa itaas ang tangkad naman kasi niya. Hala bakit ang lamig ng boses niya, nilamig ang mukha ko. "Ahhhh." hala ano yan Nadine umuungol lang. "Ahhhhh" potek hindi ako makapagsalita. Naalimpungatan ako ng pinantayan niya ang mukha ko kaya nakikita ko na siya ng buong buo. "Ahhhh what?" hala ginaya pa ako ni kuya mo. "Ah sorry umalog kasi utak ko ang tigas kasi." nakita ko siyang tinawanan ako. "Sorry naman okay ka na ba ngayon?" "I think so. Sige una na ako." nagwalk out na ang lola niyo, grabe hindi ko kinaya si Kuya. Weakness ko pa naman ang mga malalaking katawan, juzmeyo marimar nanghihina ako naglakad papuntang cr. Buti na lang nagreply si Velvet kaya nadivert na ang utak ko, ang aga kasi nitong chumika. Nagtetext pa rin ako na lumabas ng c.r nang mabangga na naman ako. "Kuya naman bakit ba paharang harang ka?" bigla kong nilayo ang sarili ko naamoy ko na naman kasi ang pabango niya. "Sorry hindi ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo." "Okay Sorna!" pinagpatuloy ko na lang ang paglalakad ko. "Wait Miss." hinabol niya ako. "May I ask your name?" tinignan ko siya at dahan dahang tinaas ko ang kilay ko. "No need to know, paano pag nakuha mo name ko? Next number ko tapos f******k ko, tapos magiging chatmate tayo, tapos sasabihin mo may gusto ka na sakin then pag na fall na ako gogora naman ako sasagutin kita, tapos ano sa una lang tayo masaya? Tapos ilang buwan lang lolokohin mo na ako ang ending iblo-block natin isa't isa sa f******k kaya wag na lang. Don't ask my name! Magbrebreak din tayo." mahabang litanya ko sabay walk out. Paulit-ulit lang tong mga lalaki, ganyan sila. Kaya stop muna ako sa pagiging marupok!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Next Luna

read
21.9K
bc

Falling For The Alpha

read
353.5K
bc

Marriage of Convenience

read
39.8K
bc

Alpha Academy (Completed)

read
121.9K
bc

Female Alpha and Her Two Alpha Mates

read
201.6K
bc

The Alpha's Abused

read
4.1M
bc

The Gamma and The Witch (#2 of the Denali pack)

read
110.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook