"Ano na beks? Bakit hindi ka na pinapansin ni Cooper? Isang lingong pag-ibig lang ang peg?" pang-aasar ni Charlotte sa akin, andito kami sa gymansium may game kami mamaya ng volleyball nauna lang ang game ng basketball kung saan isa ang company ni Cooper sa lumalaban ngayon.
Simula noong last na tagpo namin hindi na siya nagparamdam, ghosting na ang peg ng lolo mo. Ganyan naman mga lalaki mahal daw kaming mga girls, pero ang bilis mag-giveup. Eh di ganon na nga, bahala na siya ayaw niya ako pansinin eh di wag.
"Ganern na nga siguro, hindi ka na nasanay sa mga lalaki beks. Pare-pareho lang mga yan, sa una lang magaling." bitter na sabi ko. Aaminin ko kay Cooper lang ako nakatingin kanina pa simula ng makita ko siya, hinihintay ko kasi kung lilingon siya dito alam naman niya siguro na andito ako kasi sumisigaw ang mga officemate ko ng pangalan ko tuwing nakakashoot siya.
"Sabagay may point ka don friend well move on na lang tayo." ani Charlotte nakatingin lang din to sa court meron kasi siyang crush isa don sa kalaban ni Cooper.
"Aalis muna ako ah may tatawagan lang ako." ilang araw din ako hindi nakadalaw kay Velvet, baka dalawin ko siya mamaya pero lagi ko naman siya kinakamusta kay Brandon.
Lumabas muna ako at naghanap ng matatambayan, pumasok ako sa isang milk tea shop at umorder umupo ako sa isang sulok at tinext ko si Brandon. Parang wala akong gana magsalita ngayon kaya text text muna, pini-em ko rin siya sa f*******:.
Brandon: Hey Nadine, hindi pa rin siya nagigising eh.
Me: Nakakasad naman, try ko punta diyan mamaya after ng laro ko.
Brandon: Baka pagod ka na from work, sa restday mo na lang baka magkasakit ka.
Nakwento ko kasi kay Brandon na may sportsfest kami kaya hindi ako nakakadalaw minsan kasi may laro ako tapos pasok pa sa work.
Me: Okay lang gusto ko lang makita si bessy kahit saglit.
Brandon: Sige ikaw bahala, andito na si Mama pala ni Velvet.
Me: Ayon sakto sige daan na lang ako diyan mamaya.
Browse browse lang ako ng f*******: at t****k while killing time, mamaya pa naman ang laro namin sa volleyball mahigit isang oras pa.
Sa totoo lang tinatamad ako wala ako sa mood hindi ko alam bakit, mahaba haba naman ang tulog ko pero parang tamad na tamad ang pakiramdam ko. Tumakbo ang oras sa kakanood ko ng mga videos sa youtube, 30mins na lang game na namin kaya tumayo na ko para bumalik sa gymanasium.
"Beks ang tagal mo naman kanina ka pa hinahanap ni Coach." bungad sa akin ni Charlotte.
"Sige pupunta na ako don." walang ganang sabi ko, wala ng tao sa court tapos na ang laro ng basketball.
"Teka beks, mukhang hinahanap ka ni Cooper kanina, nang umalis ka lagi siyang tumitingin dito." chicka ni Charlotte.
"Ah okay sige." wala talaga ako sa mood kinuha ko na ang backpack ko at naglakad na ako papunta sa team namin andon na sa sila sa malapit sa court nagpupulong na.
"Coach magbibihis lang po ako saglit ah." tumango lang si Coach at nagpunta na ako sa restroom.
Nasa pasilyo na ako papunta sa restroom ng sakto naman na labas ni Cooper sa men's restroom, diretso lang ako naglakad at hindi ko na lang siya pinansin. Nakita ko sa gilid ng mga mata ko na tumigil siya ng magtapat na kami pero dumeretso lang ako sa paglalakad. Pagpasok ko sa banyo ay tinignan ko ang sarili ko sa salamin.
Nakakaloka bakit ganito itsura ko, ang haggard pati itsura ko walang gana. Naghilamos muna ako baka sakaling magising ang diwa ko kailangan ko magka-energy magaling ang makakalaban namin. Pumasok na ako ng cubicle at nagbihis.
Paglabas ko ng restroom ay nakita ko si Cooper na nasa labas. Sinulyapan ko lang siya saglit at naglakad na ulit.
"Goodluck sa game." narinig kong sambit niya hindi na ako sumagot. Nang makalayo ako ng sapat sa kanya ay napabuntong hininga ako.
Nagsimula na ang game namin, inhale exhale Nadine kailangan ka ng team. Ginanahan na ako ng sunod sunod ang score namin, pinagiinitan ako ng hitter ng kalaban lagi sa akin tinitira ang spike niya buti na lang lagi kong nasasalo.
Pero yung huling spike niya hindi ko naabot, napasubsob ako ng sobra sa sahig napapikit na lang ako muntik ko ng mahalikan ang sahig eh.
"Okay ka lang." napabukas ang mga mata ko sa narinig ko nasa gilid si Cooper nakaluhod at inaalalayan na ako makatayo. Shocks ang lakas ng t***k ng puso ko sinabayan pa ng hiyawan ng mga nasa paligid.
Agad akong tumayo hindi ko hinawakan ang kamay niya, buti na lang nanghingi ng break si Coach. Lumapit sa akin si Charlotte habang kumukuha ako ng tubig.
"Parang flash si Papa Cooper mo ang bilis kang tinakbo." ang bilis ko tuloy naubos ang tubig.
"Talaga ba!"
"Actually dalawa sila ang shugal lang ni Oscar haba talaga ng hair nitong vaklang to." natawa ako ng slight naiimagine ko silang dalawa hindi ko kasi nakita eh nakapikit ako.
"Hindi ah, ekis na si Cooper."
"Parang hindi naman bakit ka niya nilapitan kanina may tender care pa rin yun sayo."
Nagresume na ang game namin, napansin ko na andito na sa court nakaupo si Cooper hindi na ako ulit tumingin sa kanya at nagfocus na lang sa game. Kakaloka tong game na to mapanakit, ang tangkad kasi ng hitter sa kabila talagang ako lagi ang pinagiinitan niya, buti na lang talaga mabilis pa rin ako pero lagi ako napapaluhod or napapasubsob.
Ayaw ko man magassume pero parang naririnig ko si Cooper na napapa"Sh!t" tuwing mapapaluhod ako or mapasubsob. Eto na ang critical game namin one all na kasi ang score namin best of two lang kami then sobrang lapit ng mga score namin ngayon 18 kami at 17 ang kalaban.
Tuloy ang laban score namin is 24 versus 23.
"Shooooottts" napasigaw ako sa sobrang sakit parang natwist ang paa ko sa sobrang paghahabol ng bola, napaupo ako sa sakit.
"Mahalll." naramdaman ko na lang na buhat na ako ni Cooper, papunta sa bench ng team namin. Tinignan ko siya at nakatingin siya sa akin at halatang nag-aalala.
"Medic pacheck naman po si Nadine." agad na sabi niya sa mga nakatambay na medic sa gilid. Tinanggal nila ang rubber shoes ko, agad na namaga ang paa ko.
"Ouchieeeeee." sigaw ko ng hinihimas himas ng medic ang paa ko, hinawakan ni Cooper ang kamay ko while caressing it.
"Kaya mo yan mahal. Dalhin na kaya natin siya sa hospital?" pag-aalo niya sa akin.
"Sige sir para ma-xray din po." Binuhat ulit ako ni Cooper.
"Hoy hoy may wheel chair naman ata doon na lang ako nakakahiya." mahinang sigaw ko sa kanya.
"Wag ka mag-aalala mahal kayang kayang kita ang gaan mo kaya kahit hanggang hospital kaya kitang buhatin."