Paminsan minsang sumusulyap si Alfred kay Lea nangingiti siya dahil sa simpleng pagkain ng tempura ay masaya na ito. Sa isip niya ndi high maintenance si Lea at kahit mga gamit nito ay simple at hindi branded. Si Lea naman ay abala sa paglalagay ng tempura sa pinggan ng binata. " Ayan para ndi ka na pumila,", ngumiti siya kay Lea tanda ng pagpapasalamat habang abala niyang pinagmamasdan ang dalaga. Napansin ni Alfred na maganda pala ngumiti si Lea, matangos ang ilong at mapungay ang mata. Kahit pangalawa na nila itong pagkikita, ngayon lang niya napagmasdan ng maayos ang dalaga. Ndi man ito flawless na katulad ni Rochelle, me itsura din naman ito, naisip niya siguro maganda ito nung kabataan niya. Marami namang ganong edad na na mantain nila ang youthful beauty, pero dapat me pang maintain, ibig sabihin me pera. Ilang beses na rin nag punta sa Thailand si Rochelle, meron pang skincare ito, kaya ndi nakapagtataka na mas bata itong tignan kesa kay Lea. " Huy, kumain ka na", napansin kasi ni Lea na nakatingin sa kanya si Alfred, batid niya meron itong iniisip, pero ndi niya yun pinagtuunan ng pansin kasi andon sila para mag celebrate ng birthday. Yung tingin ni Alfred sa kanya parang inaanalyze nito ang mukha niya. At kahit marahang sumusubo ng pagkain nakatitig ito sa kanya. Nangiti siya na sa isip niya, ndi kaya nadedevelop na ang loob ng binata sa kanya. Wewys, pede kaya siya magka love life kahit alam niyang me mission lang ang binata. Kelangan niyang pigilan ang nararamdaman niya kasi batid niya tulad lang din ito nung unang nakilala niya, pinadala lang ng kung sino para pasakitan siya, ganon pa man hinahayaan niyang ienjoy ang company ng binata hanggang matukoy niya kung sino sino ang nagpadala sa kanya. "
Happy birthday to you, happy birthday to you", asa likod na nila yung mga crew ng Vikings na me dalang cake para complimentar gift, libre na ng lunch tapos me pa cake pa. Nakangiti sila ni Alfred habang Iniabot ang pinggan na me maliit na cake sa kanila.. " Mag wish ka muna bago mo hipan yung kandila". Pumikit si Alfred na kunwari ay nag coconcetrate at bumulong ng wish niya. Marahan niyang hinipan ang kandila, tapos nagpasalamat kay Lea. " Salamat, masaya ako dahil kasama kita sa birthday ko saka inilibre mo ako". Malakas ang tawanan ng dalawa at nag cheers para sa more birthdays to come. Nakapag picture picture din sila, mandatory na yun na ginagawa sa mga celebrasyon, ebidensiya sa isang masayang okasyon . " Tara kumuha ng dessert " tumayo sila pero this time magkapareho na sila ng pinilahan. Buko pandan, ice cream at donut. Ini enjoy nila ang sweets para maalis ang umay sa kinaing masaganang pananghalian. " Pagtapos nito magsisimba tayo, pag papasalamat sa isang taon na lumipas na malusog tayo at masaya." Tumango si Alfred bilang pagsang ayon sa kanya.
" Palagi ka gang nagsisimba?", medyo curios na tanong ni Alfred Kay Lea. "Oo, ninsan kahit walang misa basta nakakapagdasal ako sa simbahan, nahingi ako ng tawad sa Diyos, kasi marami akong naging kasalanan. " Lahat naman ng tao nagkakamali, pag assure ni Alfred na ndi naman siya nag iisa. " Alam mo Alfred, ndi lahat ng tao maintindihan na pinipilit kong maging mas mabuting tao, kasi merong huhusgahan ka lang sa mga nagawa mong mali", pero wala namang taong ndi nagkakasala, kaya tayo humihingi ng kapatawaran sa Diyos". sinasabi niya iyon kay Alfred na parang batid niyang alam na yun ng binata. " Ako din naman nagkakasala din, minsan sa sobrang pagmanahal natin sa isang tao, kahit ndi natin gustong magkasala sa kapwa nagagawa natin". Tinitignan niya si Alfred, reading between the lines, alam na ni Lea ndi ito tungkol sa pera kundi sa pagibig. " Alam mo Alfred me limitasyon ang pagmanahal, ganyan din ako dati kaya palagi akong napapahamak." Yumuko ng bahagya ang binata, kasi nakaramdam siya ng hiya o nakokonsensya na ba siya kasi wala namang ginagawang masama sa kanya si Lea, ang totoo nga nyan nababaitan siya sa dalaga. " Doon tayo sa simbahan na malapit sa Robinsons magsisimba" tumingin si Lea sa relo at exacto silang dadating doon para masimulan ang misa. Habang asa FX inabutan ni Lea si Alfred candy, ayan para ndi tayo amoy hipon, hehe " Kaya nga ei, nung dumighay ako naramdaman ko lasang tempura pa nga". Puro tawa lang sila kasi sobrang mapagbiro si Alfred.
Me ilang upuan pang bakante kaya komportable pa silang nakaupo habang iniitay ang pasimula ng misa. Parang tugma naman dahil ang sermon ng pari ay tungkol sa pagpapatawad. " Itinuro ni Jesukristo, Kung ipatawad niyo sa mga tao ang kanilang kasalanan, ay papatawarin naman kayo ng inyong Ama sa kalangitan". Ganon talaga ang buhay, kasi kung nagawa ng Diyos patawarin ang mga kasalanan ng tao, sino nga ba tayo na nagpapatahan ng poot at paghihiganti sa ating puso. " Ang pagpapatawad kasi Alfred ay ibinibigay natin sa kapwa ndi lang para mapatawad din tayo Ng Diyos kundi para mapagaan ang nararamdaman natin. Ibig sabihin kasi habang me paghihiganti at poot tayong nararamdaman mas mahihirapan tayong sumaya at enjoy ang buhay. Ndi sa materyal na meron tayo kundi sa gratitude sa mga mumunting bagay na binigay ng Diyos sa atin, doon tayo mas makakakuha ng totoong kaligayahan. Parang binuhusan ng malamig na tubig si Alfred, paano niya ba ito ipapaliwanag Kay Rochelle, kung doon lang sila sa premyo at mga bonus nakatuon. Sa totoo lang afford naman ng girlfriend niya yung ibibigay ng boss nila, kahit pa ndi nila isali sa laro nila si Lea.
Nagpaalam na si Alfred kay Lea, marahang idinampi ang halik sa pisngi ng dalaga. " Thank you, dahili naging special ang araw na ito sa akin" Walang ano man, Magiingat ka sa byahe at Happy Birthday ulit sayo. Habang asa bus, nag message si Jane kay Lea. " Musta Lea nagkita ba kayo ngayon ni Alfred?". " Oo kasama ko siya kanina kasi birthday niya ngayon. " Ah mabuti kung ganon, kahit paano nalilibang ka din na kasama mo siya" naisip na ni Lea sabihin kay Jane ang kutob niya tungkol kay Alfred. " Pero kasi pakiramdam ko merong girlfriend si Alfred, kung sakali bang malalaman mo kung sino yun, maippangako mo ba sa akin na ndi mo ko paglilihiman?". Ndi maipaliwanag ni Lea bakit parang matutulungan siya ni Jane alamin ang tutuo. Matagal na inintay ni Lea na mag reply si Jane. Mahirap kaya ang tanong niya sa kaibigan o ndi niya masagot kasi alam na niya. Medyo kinabahan si Lea, ganito kaya kalaking tao ang nagalit sa kanya na pati mga kaibigan niya ay nagdadalawang isip na tulungan siya?