" Kanina ka pa?" tanong ni Lea sa binatang matyagang nagiintay sa kanya. Tumingin muna sa relo bago sumagot si Alfred. " Mag 45 mins na, pero ayos lang kasi nakita na kita". Medyo kinilig din naman si Lea sa tinuran ng binata, lalo pa nga at mas gwapo ito ngayon kesa sa huling bonding nila. Ndi niya maipaliwanag pero mas fresh itong tignan ngayon. " Salamat at ndi mo naisipang umuwi na lang, nag smile siya kay Alfred at ganon din naman ang ginawa ng binata. " Ay oo naman, sayang ang pamasahe kung ndi makakain ng marami. hehe tara na sa loob at ng makarami tayo". haha. " Wag ka mag alala pagkain ang tinutukoy ko." Marahang inilabas ni Alfred ang TIN ID at Iniabot kay Lea. "Ere na yung ID ko na me birthday". Kinuha ni Lea sabay lumapit sila sa cashier para ipa validate ang ID at gift check na napanalunan niya sa kumpanya. Nangiti si Alfred dahil gets niyang ndi lang siya ang libre kundi pati si Lea." kagalante pala ni Vikings ini sponsoran ang date natin eh". hahaha. Malakas ang tawa ng dalawa habang masuyong ibinalik ng cashier ang ID ni Alfred. " Mamaya po me ibibgay kaming cake sa celebrant". Haha, sobrang swerte ko naman ng araw na ito libre na nga ang handa kasama ko po ang magandang binibini".. Ndi naman nakatingin si Alfred sa kanya habang sinasabi yun, ganon pa man sinakyan na lang din niya ang trip nito. "Syempre naman, kagandang lalaki din ng kasama ko eh". Nagkatawanan na lang sila dahil pareho silang bolero at bolera.
Pagpasok sa loob, kumislap ang mata ni Lea dahil talaga nga namang malulula ka sa dami ng ibat ibang pagkain na nakahain sa lamesa. Chinese, Filipino, American cuisine. Me Italian dish din at syempre napukaw ang atensyon ni Lea sa unli tempura na favorite niya. " Wews, susulitin natin yung gift check ko ha". Haha, basta kaya ng powers natin kakain ka lang". Nakangisi lang si Alfred sa kanya kasi ay para siyang batang nakapunta sa Disneyland. " Ay Lea, hinay hinay, wag kang sasandok ng maraming kanin mabubusog ka agad". haha, tawa ni Lea kasi yun talaga ang balak niyang gawin. " Kukuha ako ng maraming tempura, Yun ang strategy ko". Nangisi si Alfred dahil merong plano si Lea na me kinalaman sa unli buffet. ' Oy Lea, pagsabi ko ng ready, get set go, kanya kanya na tayong punta sa gusto nating pagkain. Dine na lang tayo magkita sa upuan natin." Sabay turo sa lamesa kung saan nila nilagay ang iba nilang gamit. ' cge", matipid na sagot ni Lea. Marahan niyang sinundan ng tingin si Alfred, at napansin niya na meron itong kausap sa fon. Ndi naman nagkamali si Lea, kasi habang abala siyang kumukuha Ng tempura, kausap naman ni Alfred si Rochelle. " Love anong ganap diyan, nawiwili ka na sigurong kasama si Lea, ndi mo man lang seen yung mga message ko, me sad face sa hulihan ng message ni Rochelle. Sa isip ni Alfred parang ewan din itong girlfriend niya eh, ipapain siya sa ibang babae tapos kunwari magseselos. " Ano ka ba naman love, ai sinusunod ko lang naman ang utos mo." napakamot si Alfred sa ulo niya, kasi wala talagang logic magselos kung alam mo naman ang tutuo. " Loyalty check lang love kasi baka ma develop ka diyan kay Lea, alam mo na. Sa akin lang naman para sa future nating dalawa ang ginagawa ko." paliwanag pa ni Rochelle. Kahit ndi sinasang ayunan ni Alfred ang dahilan ni Rochelle, wala siyang magawa. Ganon talaga, mahal niya eh. " Siya mamaya na ulit at akoy kakain lang dine, gutom na ako" habang hinihimas ang tiyan niya dahil ndi siya kumain mula kagabi pa.
Naunang nakabalik si Lea sa upuan, puro hipon at pasta lang muna ang sinandok niya, saka isang baso ng blue lemonade. Inintay naman niya si Alfred makabalik sa upuan. Parang sa piyestahan nangaling si Alfred kasi ay adobo, kaldereta at lechon ang asa plato nito. Nakangiti ito sa kanya habang dahan dahang lumalapit. " Kagaling ga dito pati beer ay unli eh", sabay turo sa malaking tapayan na kinukuhanan ng alak. " Mahilig ka bang mag lasing?." curious na tanong ni Lea. " Ndi naman ako nalalasing, kasi pag madami na akong nainom, umaalis na agad ako". Sabay nagkatawanan sila kasi malakas ang control ni Alfred sa sarili. " Eh ikaw nabarek ka ga? haha, utas si Lea sa tawa sa terminology na ginamit ni Alfred. " Oo minsan na barek ako". Kaya pala, mukha ka ngang manginginom eh. Nakangiti si Alfred, pero si Lea ay bahagyang natigilan. Sa isip niya ano kayang basehan nito para sabihan siyang manginginom?, Si Alfred na din ang sumagot sa tanong niya. Wag ka sanang maooffend ha, ey kasi medyo malaki yung tyan mo. ". Me ilang minuto rin bago muling nagsalita si Alfred. " Sorry, ayun naman ay opinyon ko lang o pede rin na nagbibiro lamang ako. Malakas na tawa ang isinagot ni Lea. " Ano ka ba, Wala namang dahilan ma offend o magalit sa sinasabi mo, dahil tutuo naman". At para kay Lea, ndi big deal ang itsura, basta magkasundo kayo ng ugali. " Kumain ka na oi, madami pang ibang putahe doon sa buffet table. sumangayon naman sa kanya si Alfred. " Oo tama, pede ga ako makahingi ng tempura, baka kasi naubos na, biro ulit ni Alfred. Sa sapantaha niya me 2 kilo ata ang kinuha ni Lea na tempura. " Favorite ko kasi ito. " nakangiti si Alfred sa kanya " Ndi halata". Sabay silang natawa sa tinuran ng binata.