Ika Sampung Kabanata

946 Words
Mabilis nakauwi si Lea sa kanila. Sinundo niya si Ron sa bahay ng lola niya at nalibang naman ito dahil nakipaglaro siya ng Mobile Legend sa mga pinsan niya. " Gusto mo bang magluto ako ng pagkain mo? " Ndi na po, nagpadeliver si Lola ng pizza at chicken, kaya kumain na po ako". Tinignan niyang muli ang messenger at nakita niya ang chat sa kanya ni Alfred. Meron ding friend's request pero ndi pamilyar sa kanya kung sino sino ba ang mga ito. Natatandaan niya meron na din GC na isinali siya ng mga taong ndi niya kilala. Doon meron silang binabanggit na babae at pinag uusapan nila ito. Natutuhan na ni Lea umiwas sa mga ganitong Group chat kung saan hinihiya o sinisiraan ang tao na ndi naman nila personal na kakilala . Sa isip niya bakit nila iinganyuhin ang galit o poot, lalo na sa taong wala naman ginagawang kasalanan sa kanila. Maraming tao na nakikita ang kamalian ng iba pero ndi ang sa kanila. Para tulungan mo ang taong magbago minsan kelangan mo silang kausapin ng personal at sabihin mo ang dahilan kung bakit ka nagagalit o naiinis sa kanila. Ndi naman lahat ng tao ay manghuhula. Kung hihiyain mo sila at magsasali ng ibang tao para magalit, ndi yun makakatulong sa kahit kanino. Minus points iyon sa langit. " Hi Lea, musta ang lakad mo, nagkita ba kayo ng kadate mo? me naka pout na emoji na kunwari ay nalulungkot at nagseselos ang pinadala ni Alfred". " Pinsan ko yung pinuntahan ko." Wala namang balak ng magkwento ng kung ano ano pa kay Alfred si Lea kaya siya na din ang naunang nagpaalam. " Goodnight, tutulog na ako". Magalang na paalam ni Lea. " Okay, basta bukas magkikita tayo ha, meron na akong valid ID na me DOB, hahaha." na gets na ni Alfred na libre siya sa pupuntahan nila dahil birthday niya bukas. Naipaliwanag na kasi ito sa kanya ni Rochelle. " Sabi nung frennie ko doon sa kumpanya nina Lea, meron daw itong napanalunan na gift voucher sa Vikings, haha. tawang tawa si Rochelle kasi nga feeling niya excited si Lea na makita si Alfred. Inayos na ni Lea ang pagkain ni Ron, maaga siyang gumayak para makipagkita kay Alfred, kanina pa kasi ito panay send ng message sa kanya na asa byahe na ito puntang Megamall. " Ron andito na yung pagkain mo, doon ka muna ulit kay Lola, meron lang pupuntahan si Mommy". Tumango si Ron at nagpaalam siya sa lola niya. Madaming taong nag aabang ng jeep dahil linggo at exsaktong salary day noon. Ilang beses din siyang sumenyas para pumara ng jeep pero ndi na tumitigil sa tapat dahil puno na at me mangilan ngilan pa nga na nakasabit na sa istribo para makasakay lang. Sa kanang eskinita ay me sumulpot na pampasaherong jeep at sumigaw ng Guadalupe ang drayber. Napansin niya na tumigil muna ang drayber sa tapat ng isang dalaga na naka mini skirt para isakay iyon sa unahan katabi niya. Maganda at maputi ang babae, kaya kahit naunang pumara ang matandang babae pinili ng drayber na pasakayin ang mas batang pasahero. Humahangos ang grupo ng mga taong kanina pa bilad sa init ng araw para lamang makarating sa pupuntahang lugar. Naunang nakarating sa Megamall si Alfred, kaya panay ang tingin nito sa kanyang relo. Ndi sumama si Rochelle pero maliwanag ang instructions nito sa binata. " Hi Lea, dito na ako sa tapat ng Vikings, pagkaka dami nga palang pagkain dine. Asan ka na ga?". Nag notify sa fon ni Lea ang message ni Alfred, binasa niya ang mensahe ng binata at nangiti siya kasi batid niya si Alfred na talaga ang kachat niya..Walang arte, ndi pa sweet, normal na batangenyong natutuwang makita ang sandamakmak na putahe sa lugar na kanilang kakainan. " Mabuti, mamili ka na dyan at padating na ako". Merong laughing emoji na pinadala si Alfred. Ay, asa iyo pa ang pambayad". Tawang tawa si Lea dahil expected na nga pala ng binata na ililibre niya ito sa birthday niya. Napahagalpak siya ng tawa sa sunod na message nito. " Si Vikings naman pala ang maglilibre sa akin eh, gawa ng birthday day ko ngayon.haha. Aliw na aliw si Lea sa reply ni Alfred, lalo na pag nalaman nitong voucher din lang ang ipapambayad niya mamaya.." Ano ba dyan ang plano mong kainin, curious na tanong ni Lea sa chat". " Ay di lahat, ano ga naman are, kaya nga unlimited ei, kagabi pa nga ako ndi kumain para sulit ang paglibre mo sa akin". Sumangayon nman si Lea sa kausap, siguro madaming kakainin si Alfred mmya. "Sya intayin mo ako at malapit na akong dumating" Sa mismong Megamall tumigil ang sinakyang bus ni Lea, sobrang dami ng tao sa mall, kaya medyo mahaba ang pila papasok sa loob. Nakangiti ang mga bata habang excited na nakahawak sa kamay ng mga nanay at tatay nila. Family day ang Sunday, ito ang araw na off sa trabaho ang mga magulang, panahon para ipasyal ang mga mahal sa buhay. Napukaw ang atensyon ni Lea sa isang pamilya na nakasuot ng pareparehong kulay at design ng t-shirt. Para silang basketball team pero 5 lng ang myembro. Nanay, tatay, kuya ate at ang cute na batang babae na me headband pa na hello kitty. Kahit simpleng pagpasyal lang batid niya memorable ito lalo na sa mga batang kasiyahan ng kumain sa Jollibee o Mcdo. Sumenyas sa kanya ang naka black na binata na me suot na shades sabay ngiti habang dahan dahan siyang lumalapit sa kinaroroonan nito. Ndi niya maipagkakaila napasaya siya sa simpleng sulyap niya ky Alfred habang masaya siyang iniintay nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD