Habang iniitay ni Lea c Alfred na dumating, biglang tumunog ang fon at muli nakita niya ang chat ay galing kay Jane. Kmusta Lea, ano na balita sayo?'. Ndi naman naisip ni Lea na ilihim ang nangyayari sa kanya dahil pinagkakatiwalaan niya ito. Meron kasi akong imemeet ngayon na nakilala ko sa f*******:, pag kukwento nya kay Jane." Ah, bakit ba kayo naghiwalay ng ex mo? ". medyo nagtaka c Lea na kahit ndi pa man niya sinasasabi ay alam na agad ni Jane. Medyo mahabang istorya. paliwanag niya habang iniitay si Alfred na dumating'. " Sige Lea mamayang gabi ako tatawag sayo, Enjoy.' reply ni Jane" ikwento mo yung tungkol sa ka date mo ha". Sige.
Sakto naman dumating' si Alfred na tulad ng sinabi niya ay naka blue na t-shirt. Ndi niya inaasahan na mas matangakad siya sa binata. Naisip niya mas importante yung masaya siya kausap at sana lang tutuong mabait.
" Hi, tipid na pagbati sa kanya ng binata na noon ay halos ndi makatingin sa kanya ng diretso. Kung ano ang itsura nito sa picture ganon din sa personal. Hahaha, tumawa na lng si Lea dahil kung gaano kaboka si Alfred sa fon at message, syang torpe nito sa personal. Oorder na ba tayo? tanong niya sa binata? tumango tango lng ito sa kanya. Sabay nag smile ito at , lumabas ang malalim na dimples sa kanang pisngi. Naaliw si Lea dahil nung nagsimula na itong magsalita ay puntong Batangenyo at walang pretentions ang binata. Tinitigan siya ni Alfred at nagisip si Lea kung inakala ba nito na mas bata sya sa mga pictures niya kaya siya na lang ang nag compliment dito.
" Alam mo Alfred kung ano yung itsura mo sa mga litrato ganon din sa personal. Hehe, Salamat Lea". Iniaabot niya ang order menu, pili na ikaw dine, yung wag masyadong mahal..haha. Natawa si Lea kasi ay sobrang pranka nito, naisip niya kasi wala nga palang work pa si Alfred. Naikwento sa kanya nito na naghahanap pa siya ng trabaho at yung kotse ay ndi sa kanya. " Eto na lng, tinuro ni Lea yung bunch of lunch kasi yun ang mura at complete meal. " Gay an na rin ang order ko, ice cream gusto mo? alok ni Alfred, sabay kunwari ay bilang ng pera sa wallet niya". hahaha. nagkatawanan sila dahil unang date pa lng nagpahalata na agad si Alfred , Wag ka mag alala kung gusto mo kkb na lng. Ang lakas ng tawa ni Alfred at medyo napahiya siya sa tinuran ng dalaga. " "Wag ganyon ah, pede ka pa nga mag order ng ice cream" haha ulit ng binata.
Habang kumakain tinitigan ni Lea si Alfred.. Naisip niya mayaman cguro ito kasi ay puro branded ang suot. Very observant lang si Lea pero ndi siya yung tipong maiimpress kung mamahalin o ndi ang mga gamit ng isang tao.
Me pagkakataon na sumusulyap si Alfred sa kanya pero ayaw nya na magisip kung nagagandahan ba ito sa kanya o ndi. Para kay Lea kung gusto ka nman ng lalaki kahit ndi ka ganon kaganda, tatanggapin ka. Habang kumakain bahagya din nila napapag usapan ang tungkol sa trabaho ni Lea. Naikwento din ni Alfred kung bakit siya umuwi mula sa ibang bansa. Masaya kausap si Alfred ndi siya mayabang, kwela siya at higit sa lahat down to earth. Ano nga gagawin natin pagkatapos kumain..haha, tanong ni Alfred kasi ndi daw siya masyadong sanay pa sa lugar. Bumyahe ka lang mula Batangas? nakatingin lang sa kanya si Alfred, ha? alam na ni Lea ang sagot pero hinayaan niyang mag salita ang binata" Oo " , matipid na sagot ni Alfred. Sa isip niya ndi ito sanay mag sinungaling,, kasi tumingin muna ito sa kisame bago sumagot. " Ah ok, sabay buntong hininga.
" Tara na lng magkape." aya ni Lea sa binata. me 500 na voucher pa ako dito sa Starbucks. Na amaze nman si Alfred. " Kuh , kasosyal natin ah, Starbucks ih." nakangiti si Lea kasi ay natutuwa siya sa pagiging inosente ni Alfred. Siya na ang umorder sabay iniabot sa binata. " Ay iyan ay ndi palagi ha me voucher lang ako " , Oo sa susunod sa lumian na lng ang date nating dalawa. Ndi maipaliwanag ni Alfred pero medyo nag enjoy din siya na kausap si Lea. Ndi man ito kasing ganda sa personal at lalong malayo sa beauty ni Rochelle, tutuo ito. Ibig sabihin, mabait palangiti at ginagawa niyang maging comportable ang pagkikita nila. " Picture tayo' .Alok ni Lea sa binata na nagbiro muna bago ngumiti sa litrato," Ay wag pagkatodohan ang filter ha? baka ndi tayo makilala sa personal. Joke lang " sabay bawi kasi alam niya na gets ni Lea ang biro niya. haha utas ang tawa ng dalawa. Agad ipinost ni Alfred ang litrato sa f*******:, na tulad ni Lea ay mahilig sa social media. " Mag like ikaw sa post ko" , pakiusap ni Alfred para dumami ang likes.. haha. Andon silang dalawa sa picture at yung kapeng inorder nila. " Mayamanin tayo di ga?" biro ni Alfred. Sa sapantaha ni Lea madami pa ang tawa niya kesa salita, nagagawa kasing makahanap ng nakakaaliw na bagay si Alfred sa mga malilit na sitwasyon o tao. Nakatitig si Lea na noon ay unti unti ng nahuhulog ang loob sa binata. Tumunog ang fon ni Alfred at medyo taranta itong nagpaalam Kay Lea. '" Wait lang ha natawag ang inay ko, alam nman na luluwas ako, sandali at sasagutin ko lang." Ngiti ang isinagot ni Lea bilang pagsang ayon.
Habang wala si Alfred tinignan ni Lea ang bagong post na pictures ni Alfred sa f*******: niya. Nka friends only ang status ng post. Ndi gaano kadami ang nag like sa post pero sa comments section si Lea mas nag focus. " Saan ka nagpunta? nanay ni Alfred ang nagtatanong. Sa isip niya kala ko ba nagpaalam si Alfred sa inay niya. Pag balik ni Alfred sa upuan tinignan siya ni Lea, " Ano sabi ng inay mo? Ah enjoy daw tyo" sabay tingin sa kanan. " Supportive pala ng nanay mo. " Oo nga" pero yumuko siya. " Kainin mo na yung biscuit mo para makauwi na tayo." cookies ang tinutukoy ni Lea pero para ndi malaswa pakingan biscuit na lng ang ginamit nito " Bat ga ikay nagmamadali ay sikat pa ang araw eh. nakangisi pa si Alfred. " Kasi iniitay na ako ng anak ko, sagot ni Lea.
".Siya sige na nga," kasayang gusto ko pa sana na mkkasama ka .Pede ga next time ulit. " Oo naman" . Ndi maipaliwanag ni Lea pero bigla siyang nalungkot '. tipid ang ngiti niya pero halata sa mata na mamimiss niya ang binata. Ganon siya kabilis ma develop dati. Para kay Lea isa ito sa masasayang araw. " Goodbye" marahang idinampi ni Alfred ang halik sa pisngi ni Lea. sabay hinawakan ang kamay. " Ay magiingat ikaw pag uwi ha'. sweet na bangit ng binata. Bago naghiwalay siniguro ni Alfred na mauulit ang pagkikita nila." I memessage kita ha, tapos magkikita ulit tayo.' Tinanaw siya ni Alfred habang asa bintana siya ng bus pauwi, kumaway siya sa binata habang marahang umaandar ang sasakyan. Sa me parking lot nag iintay na si Rochelle para sunduin siya.
Me pasalubong na chicken at spaghetti si Lea para kay Ron at nginitian niya ang anak habang kinukmusta ang pag pasok nito sa skul. Ndi niya tinatanong Ng mga personal questions si Ron, kung meron na ba itong nililigawan kasi gusto niya kusa itong magkwento sa kanya. Tumunog ang fon niya at andon ang pag update sa kanya ni Alfred na nkauwi na ito. Pinadala din sa kanya yung mga pictures na kuha sa fon niya. Di hamak na mas maganda siya sa kuha ng fon niya kesa sa pinadala ni Alfred na walang filter. Natatawa na lang siya habang inaalala ang naging usapan nila. Madilim na din sa labas, nag dradrawing si Ron na isa sa mga hobbies niya, kahit nag observe siya sa ginagawa ng anak ndi niya na binabanggit na alam niya ito. Basta proud siya sa anak, mdami itong talent kahit sobrang tahimik niyang bata. Lumabas siya sa me tinutuluyan apartment na pagmamayari ng lola niya na nagpalaki at nagpaaral sa kanya. Batid ng lahat kung gaano kabuti at mapagmahal ang lola ni Lea at palagi niyang inuuna ang kapakanan ng mga mahal nito sa buhay. Ndi matatawaran ng kahit na anong bagay ang utang na loob niya dito. Ang Lugar malapit sa lola niya ang itinuturing niyang safe place. Yung kampante siya at ndi nag aalala, alam niyang ndi siya pababayaan. Mahal na mahal ni Lea ang lola niya, ndi niya man yun sinasabi plagi, batid niya ginagawa nitong lahat para maiayos ang buhay nilang mag Ina, madalas lang tlaga matigas ang ulo niya. Muling tumunog ang fon at pagtingin niya si Jane ang nag message sa kanya. " Musta Yung date mo?" mabuti naman nakakatuwa yung guy na nakilala ko. ' Ah, mabuti naman, ano nga name niya?.haha, Sige I search mo sa f*******:. " tiwala si Lea dahil sapol naman nag shashare siya kay Jane ng mga secreto niya. " Ah, pogi nga" kapatid siya nung classmate natin.. Haha Kaya pala familiar. Masaya naman ang usapan nila, kahit sobrang private ndi siya nangingiming sabihin kay Jane, para sa kanya tutuong kaibigan ito sa kanya. " Nung naghiwalay ba kayo nung ex mo meron ka pang nakilalang iba? paguusisa ni Jane na para kay Lea ay ayos lang namang sagutin. " Oo pero niloko lang ako non" alam mo naman madali akong magtiwala sa tao. Haha, nagkatawan sila sabay send niya ng litrato, ah siya pala.' Merong ndi malinaw kay Lea nung mga panahon na Yun na pilit niyang itinatanggi sa isip niya. Kinukumbinse na si Jane ito iyong kaibigan ko at ndi ako ipapahamak nito. Tawa ng tawa si Lea, kasi sanay naman sila sa mga biruan nila, pareho na tayo na complicated ang status.." Kaya nga' , ayos lang yun importante masaya tayo khit walang boyfriend. Buti naki pagkita ka kay Alfred' ano yung tingin mo sa kanya. tanong ni Jane,' Mabait nman siya, sabi niya mahigit 10 years na silang hiwalay nung ex niya. " Haha, mabuti naman kung ganon" , o sige basta message lang tayo ha at pag uwi ko, magkita tayong dalawa. Goodnight na. Masaya kausap si Jane, mabait ang boses nito at madami ring mga kwento. Maayos natapos ang usapan nila pero meron mga bagay na naging palaisipan sa kanya. Minsan ndi niya na masyadong inaanalyze kasi para sa kanya ndi naman siguro siya ipapahamak nito.
Medyo umuulan kaya sinigurado ni Lea na me payong at jacket c Ron sa bag, ganon din tinignan niya kung present ang payong na kulay blue sa bag niya. " Musta ga ikaw ngayon" message ni Alfred na iba kesa sa format ng dating pag message nito sa kanya. " Mabuti pasakay na ng jeep". Umuulan ga din dyan ?" pag kompirma . " Oo mas gusto ko yung umuulan ndi mainit". kaya nga. Tawagan na lng kita, medyo tamad kasi ako mag text" ,Sa isip ni Lea, kelan pa kaya ito tinamad mag message eh minsan mahigit 3 hours sila at message lang lahat.