Hi Lea, andito na ako sa Robinson, naka blue t-shirt ako at light blue na pantalon." Nag selfie si Alfred malapit sa entrance ng mall bilang patunay na present siya. Tumunog ang fon ni Lea para inotify siya na me nag message sa kanya. Marahang kinuha ni Lea ang fon sa medyo kupas ng bag, at binasa ang message sa kanya. Kahit medyo lutang siya dahil sa dami ng iniisip niya bahagya siyang napangiti sa ubod ng cute na picture ni Alfred. Sa isip niya parang si Piolo na medyo Tom Rodriguez ang itsura at lalo pang naging maporma dahil sa mamahalin niyang shades. " On the way na din ako" reply back niya sa kausap. Me smiley face at gif ng aso na excited at kumakahol ang sinend sa kanya ni Alfred, sign na masaya na magkikita na sila. " Ano nga palang suot mo? Yung kulay ng suot mong damit, paglilinaw ni Alfred. Batid ni Lea na magugulat siya na coincidence na magkapareho sila naka blue. " blue na blouse at kupas na blue na maong" . Hahaha, tawa ni Alfred sa chat, bka naka pink ka ha, sinabi mo lang yan para lituhin ako Sa isip ni Lea pede mo naman ibahin yung damit pero ndi yung mukha." Naks, terno pa tayo ng suot". Natawa si Lea at nawala sa isip niya ang kaninang pangamba na nararamdanan niya. Lumakad siya papasok sa loob ng mall at pumunta sa fastfood para magtingin ng naka blue.Merong mangilan ngilang me parehong kulay na suot, pero para makasiguro, tinextl nya na ulit si Alfred" Saan ba tayo magkikita?" Mabilis ang sagot ni Alfred" sa Shakeys na lng meron pa ako ditong 700 kasya pa siguro yun, ,birong tutuo na message ni Alfred. Naalala niya ndi siya pede gumastos ng malaki.