Ika Pitong Kabanata

1192 Words
Malungkot at pugto ang mata ni Dhez, pareho silang umiyak sa nangyari sa kaibigan. Okay ka lang?, tumingin si Dhez sa kanya, sabay sagot " Ndi Mi, ndi ako okay". Batid niya ito ang isasagot ng kaibigan niya dahil sapol ndi ito magsisinungaling sa nararamdanan niya." Pareho tayo Dhez, pero kasi lahat mawawala sa mundo, Hindi napigilan umiyak ni Dhez kaya pati siya napaiyak na rin, hahawakan niya sana sa balikat c Dhez, pero biglang me pumasok ng call sa dialer kasi nakalimutan niya palang mag not ready status. " Hello how are you, I want to know if I can get internet at my address" , magiliw na bati ng customer sa fon. Ndi naman pedeng sabihin ni Lea na ndi siya ayos kasi kelangan masaya ang bati sa mga caller. " Im doing fine, thanks for asking". Kahit gustuhin niyang pasiglahin ang boses niya ndi niya ito magawa, kasi medyo nahikbi pa siya habang nakikipag usap sa customer. Pinilit niyang ikalma ang sarili, habang panay ang punas ng luha ni Dhez. Buti pa si Dhez, naisip niyang ndi nag ready muna, samantalang siya kelangan niyang makipag usap habang umiyak. Mabait ang boses ng babae sa kabilang linya, naramdaman nito na umiiyak siya kaya ito na din ang nag suggest, "Do you want to call me back later?" medyo nag aalala ang tinig ng customer, pero pinipigilan ni Lea ang sarili na humagulhol sa fon. " Thank you for your concern, I sincerely appreciate it. The good news is, we can provide internet at your address. Sabay discuss ng plan para sa customer. Ganito ang trabaho at buhay natin, everything must go on. Kahit mahirap magbasa ng terms and conditions habang umiiyak pinilit ni Lea na maitawid. Sobrang maunawain naman ang babaeng customer na sa tantya ni Lea ay asa 60 years old. Madaming mababait at mahinahong customer sa ganitong edad, kaya na appreciate niya makipagusap sa mga ito. Bago matapos ang call naisingit pa rin ni Lea mag upsell ng mobile, natawa na lang ng malakas ang customer. Siguro naisip ni mom, yun nga TC' s na binasa niya inabot ng 20 mins tapos mag mobile ka pa. Good vibes lang palagi kahit anong sitwasyon kasi maikli lang ang buhay para stress ang sarili. Nag restroom break muna si Lea pagkapos ng call na yon, saka uminom ng tubig at nag lipstick ng konti. Medyo maputla kasi ang labi niya kaya nagkkaitsura siya pag naglilipstick. Pagbalik ni Lea me kausap na sa fon si Dhez, paminsan minsan nakikita niya itong ngumingiti kasi asa personality talaga nito ang pagiging friendly at mabait. " Sabay tayo mag lunch " bulong niya at tumango lang ito para I confirm na naiintindihan siya ito. Natapos ang araw at tulad ng napag usapan na ng grupo, pupunta sila sa bahay nila Bam. Nag rent sila ng van at walo silang lahat na sumama. Malungkot dahil ndi na nya ulit makikita ang masayahin at masiglang kaibigan na palaging merong magagandang storyang at positibong payo. Sinilip niya ito sa huling pagkakataon para magpasalamat at ipagdasal na makarating sa langit kasama ang Diyos na lumikha ng lahat.Ganito ang buhay, ang mahalaga ay makabalik ang kaluluwa sa Diyos at mapunta sa langit. Naalala niya ang usapan nila ni Emily " Pagnamatay ba ang tao saan ba ito pumupunta". nakatingin lang sa langit noon si Emily habang nakaupo sila sa damuhan sa isang park malapit sa bahay nila. " Ang katawang lupa ay babalik sa abo ngunit ang kaluluwa ay pupunta sa langit o sa impyerno. " Sa bibliya nakasaad na ang pananampalataya sa Diyos, pagsisi.sa mga kasalanan at pagsunod sa utos ng Diyos ang paraan upang makamtam ang buhay na walang hanggan. Gayong ndi naman perpekto ang tao, ang mahalaga ay magpatawad at humingi ng kapatawaran sa Diyos. Sa isip ni Lea, ang mundo kung saan temporary na mananahan ang tao ay paghahanda lamang sa mas malaking lugar. Ang importante ay sa pag asam natin ng magandang buhay sa lupa ndi natin makalimutang alagaan ang ating kaluluwa. Na ndi natin ito ipagpapalit sa marangyang buhay, kasikatan o pansamantalang kasiyahan at tagumpay. Muli niyang sinilip ang kaibigan, " Salamat" sambit niya sa kaibigan na sa larawan na lamang niya makikita. Marahang siyang bumalik sa kanyang upuan katabi ang mga kasamahan sa trabaho. Ilang oras pa at nagpaalam na sila sa pamilya ni Bam at sabay sabay na umuwi. Sa bahay naratnan niya si Ron na gumagawa ng homework. " Musta ang school?", tumingin sa kaya si Ron at marahang sumagot ' Mabuti naman po' . Sapol honor student si Ron, kahit mahiyain ito at ndi masyadong nakikihalubilo sa karamihan ng mga estudyante, masipag itong mag aral. Nagluto ng hapunan nilang mag ina si Lea, pagkapos ay sinuring muli ang mga messages niya sa facebook.' Hi Lea, musta. kumusta ang araw mo? , si Alfred ang nagpadala ng message sa kanya. ' Mabuti naman pumunta kami doon sa bahay nung kaibigan kong namatay'. Matagal bago muling sumagot sa chat si Alfred, kaya naisip niya na baka nakatulog na ito. Nag send ito sa kanya ng picture at nag I love you. Siguro kung ndi siya nag aalinlangan baka maari siyang ma inlove dito. " Good night ' yun na lang ang naichat niya." Sleep well" banggit naman ng binata sa kanya. Maaga gumayak para pumasok sa opisina si Lea, napansin niya ang chat ng nanay niya sa probinsiya. Batid niya isa sa mga kapatid niya ang pinag send nito ng message sa kanya. " Kelan kayo bibisita dito sa Lipa? Matagal ng panahon ng huli siyang nakapunta sa Lipa. Sa bahay na hinuhulugan nila, pansamantalang nakatira ang nanay ni Lea kasama ang kapatid niyang dalaga. Ndi pa naman agad kinukuha ng PAGIBIG ang mga ndi na nahuhulugang bahay, kaya doon pa rin nakatira ang nanay niya at kapatid. Lima silang mag kakapatid, si Lea ang panganay at si John ang pangalawa. Sila ni John ang magkapatid sa ama, meron silang tatlo pang kapatid sa ina, si Daniel, Lara at Glen. Wala namang problema na magkaroon ng mga kapatid sa nanay kasi 7 years old pa lng nung namatay ang tatay ni Lea dahil sa sakit. Lumipat sila noon sa probinsiya kung saan siya at si John ay nag aral ng elmentarya. Ndi naging madali ang buhay para sa kanilang mag iina, ganon pa man ang mahalaga ay nakakaraos pa rin. Inalok silang mag aral ng highschool at college ng lola at lolo ni Lea, ngunit si Lea muna ang sumama sa Maynila. Iba iba ang sitwasyon ng bawat tao, merong lumaki sa masaganang buhay, merong middle class at merong mahirap na pamilya. Ang pag hikayat kay Lea na mag aral sa Maynila ay isang opportunidad na ipinagpapasalamat niya ng marami, bagamat ndi madali dahil kailangan niyang lisanin ang lugar na kinasanayan na, Isang tamang desisyon iyon na maituturing ni Lea. Malalim na buntong hinga bago niya sinagot ang message sa kanya. " Ndi ko pa sigurado, sa school vacation ni Ron pa ata kami makakapunta dyan. Ingat kyo dyan plagi". Thumbs up ang reply sa kanya, tapos " ingat din kyo dyan ni Ron' .Thank you pahabol na mensahe ni Lea.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD