Ika Walong Kabanata

1191 Words
Nagtimpla muna si Lea ng kape, tapos nagprito ng isda na almusal niya nung araw na yun. Nakapag order na din siya ng pagkain ni Ron at inilagay niya sa wallet nito ang baon sa school. Nasabi na niya ito sa anak para ndi na niya iistorbohin ang pagtulog nito. " Ron, ilalagay ko na sa pitaka mo ang baon mo sa school at yung pagkain mo ay asa lamesa" .Tumango lang ang anak para pagsangayon na mula noon routine na nila iyon para mas convenient sa kanila pareho ng Mami Lea niya. Pagkapos kumain ay gumayak na siya puntang opisina. Naabutan niya pa ang lola niya sa labas habang nanonood sa pinsan niyang nag papraktis mag drive ng bagong biling kotse. Kulay puti at elegante ang toyota na napili ng pinsan niya. Mahigit 25 years ang agwat ng edad nito Kay Lea, ngunit sobrang sipag nito at dedicated sa trabaho. Sa murang edad naging supervisor na agad si Apple. Natutuwa naman siyang makita na natutupad ng mga pinsan niya ang kanilang pangarap at proud siya sa mga ito. Napangiti siya dahil naalala niya ganito din siya dati nung nagsisimula pa lang magmaneho. Madaming magagandang opportunitad ang dumating' sa buhay ni Lea na ndi niya naalagaan Ganon pa man ipinagpapasalamat pa rin niya ang mga natutuhang leksiyon. Sa tigas ng ulo niya paulit ulit ang mga leksiyon at ndi niya maintindihan bakit nga ba nahihirapan siyang matutuhan iyon. Napapailing na lang siya habang naalala kung gaano kadaming maling desisyon ang nagawa niya sa buhay niya. Yung iba dahil talagang mali, pero yung ibang choice kasi meron siyang gustong tulungan. Madaming tao sa mundo ang maswerte dahil ndi na nila kelangan mamili. Ipinanganak silang me kaya sa buhay, Kaya ndi nila masyado pinoproblema ang pera. Napatingin siya sa message na ipinadala ni Alfred, " musta ka na?. Malapit na yung birthday ko , tatlong tulog na lang. "Nangiti lang si Lea dahil sa dami ng mga biglaang pangyayari ndi na nya naalala. Kahit paulit ulit ang reminder sa kanya ni Alfred. " Sunday yun, off mo yun dii ba?." Parang scheduler o workforce si Alfred na alam niya kung kelan ang off ni Lea. " Cge pipilitin kong makapunta sa birthday mo". Katabi noon ni Alfred si Rochelle at siya na ulit ang nag chachat kay Lea. " Pupunta ako sa Maynila tapos mag dadate tayo non." Ndi maipaliwanag ni Lea kung bakit oo lang ang nasabi niya kahit ang tutuo ndi pa siya sigurado. " Haiist, salamat at magkikita na ulit tayo". me smiley face sa message na sinend ni Alfred. Sa isip ni Lea, mabuti na rin cguro para malaman niya kung ano talaga ang pakay nito sa kanya. Pumila na ulit si Lea sa jeep na byaheng Ayala, Habang nakasakay na siya napansin niyang nag message si Jane sa kanya. " Musta ka na Lea?, mabuti naman Jane" reply agad niya sa message nito. " Ano ng balita sayo?", nagkita na ba kayo ulit nung si Alfred?" Ndi pa ulit, pero ngayong Sunday birthday niya, bka magkita kmi, ikaw kelan ka uuwi dito?" tanong niya kay Jane dahil nangako itong makikipagkita sa kanya pag uwi nito galing sa ibang bansa. " Imemesage na lang kita".Kumusta naman si Alfred para sayo, gusto mo na ba siya?, Ndi naman cya nagsisinungaling kay Jane kaya sinabi niya ang tutuo" Oo kasi nung nagkita kami mabait naman siya , saka ndi mayabang, gwapo, Oo.hahaha. Tawa din ang na reply ni Jane sa kanya. " Pero meron lang akong ibang obserbasyon. " Ha, ano yun?, message ulit ni Jane. " Siguro pag natiyak ko na, Saka ko na lng sayo ikukuwento. " Ah, cge, Lea, ano nga ang favorite mong kanta?, medyo naguluhan si Lea sa tanong ng kaibigan niya. " "Madami, iba iba."haha " .Ako kasi gusto ko yung Sweet Child Of Mine". message ni Jane sa kanya. Matagal nakatingin c Lea sa malayo, kasi ndi niya maintindihan bakit heavy metal yung kanta pero sobrang sweet ng personalidad ni Jane. Sa isip niya siguro merong ibig sabihin yung kanta, o baka merong pinaghandugan yung kanta na nakarelate si Jane. Nag message na sa kanya ito ng " Magiingat ka plagi" at nag pasalamat cya na concern sa kanya ang kaibigan niya. " Ikaw din Jane, ingat ka dyan plagi, See you soon". Bumaba na sa jeep si Lea at binagtas ang kalye punta sa opisina, parang exercise na din niya ito, dahil medyo malayo din ang lalakarin bago niya marating ang opisina, sanay naman na siya dahil 5 times a week niya na itong ginagawa. Bumukas ang elevator at nakita niya na yung Operatios Manager ang nakasakay sa lift, magalang niya itong binati.at ngumiti din ito sa kanya. Isa sa nakakawiling dahilan kung bakit masaya siya sa trabaho ay dahil mababait ang mga opismate, supervisors at managers sa kumpanyang iyon. Magaan ang loob niya dahil friendly environment, walang mga bully o power tripper. Naupo siya sa station ngunit wala ang dating usual na kumakaway na kaibigan na nag rereserve ng upuan para sa kanya. Naka vacation leave si Dhez nung araw na yun. Maayos namang ginampanan ni Lea ang kanyang trabaho, masaya lalo at meron siyang mga natutulungang customer. Kapag nagagawa nating mabigyang solusyon ang mga enquiry nila., masarap sa pakiramdam. Sa ilang taon na nagtatrabaho siya doon ,kahit routine na yun para kay Lea, fulfillment na niya ang makausap ang mababait na customer. Nakakarelate kasi siya sa humor, humility at pagiging straight forward ng mga nakakausap niya. Mga tutuong tao sila at ndi fake. Isa sa kakayahan ni Lea ay maka detect kung tutuo ba ang kausap niya o ginagaslight lang siya ng mga ito. Alam niya yung sincere at ndi, kaya konti lang ang kaibigan niya. Bago matapos ang araw, inannounce yung mga top performers ng kumpanya at thanks God siya yung number one noon sa madaming sales na mobile. Iniaabot kay Lea ang gift check at kinuha niya din yung certificate at syempre nagppasalamat siya na recognize yung hardwork at dedication niya sa trabaho. " Wow, gift cert yan sa Vikings,.unlimited yung meal nila dyan tapos pag me kasama ka na me birthday libre na ung celebrant", nakangiti si Andrea habang pinapaliwanag kay Lea kung ano ba yung Vikings. hahaha. Sabay nagkatawanan sila dahil sa edad ni Lea ndi pa ito nakakapunta dito, pag nagkataon first time pa lang. Naalala nya din na birthday ni Alfred, kung me gift cert siya tapos birthday nito, wala silang babayadan." Hoy, marahang tawag ni Andrea kay Lea, " Bakit bigla kang natigilan", ngiti lang ang sagot ni Lea sa kaopisina. Mabait naman si Andrea at matulungin, sobrang simple at maganda. Halos ay ka edarin ito ni Dhez. Ndi na niya sinabi dito ang tungkol Kay Alfred. Naging tampulan na kasi si Lea dati ng usapan kaya kahit mabait naman si Andrea naisip niya na wag na lang sabihin ang iniisip niya. " Mi, meron diyan unli seafood, pork, beef, cakes, pasta at mdami pang iba. " "Wews, excited na ako pumunta, lalo na sa Megamall lang pala ito, nangiti si Andrea dahil kahit thunders na si Lea ndi nawala ang pagka inosente nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD