Naglakad si Thea palabas ng building pero sumunod pa rin sa kanya si Cedric. “Thea, please! Bumalik na tayo.” Luminga-linga si Thea na tila naghahanap ng masasakyan kaya lalo pang nag-aalala si Cedric baka kasi kung saan mapadpad ang dalaga. Kaya wala na siyang ibang choice kundi pwersahin itong umuwi. Nilapitan niya ang dalaga atsaka niya ito pinangko. Nagkakawag ang dalaga at pilit nagpupumiglas pero hindi niya ito ibinaba. Binitbit niya ito hanggang sa makabalik sila sa kuwarto. “Sino ka ba sa akala mo, ha? Bakit mo ba ako pinapakialaman?” singhal ni Thea nang maibaba niya sa kama. “Honestly, hindi ko rin alam kung bakit ako nag-aalala sa’yo nang ganito. Kung bakit hindi kita kayang hayaan na lang.” seryoso ang mukhang sabi niya. “I think alam ko kung bakit,” ani Thea na matapang

