Nawalan na rin nang ganang kumain si Cedric kaya iniligpit na lang niya ang inihanda niyang almusal sa mesa. Pagkatapos ay ibinagsak niya ang katawan sa kama. Napabuntong hininga pa siya habang nakatingin sa kisame. Ngayon lang siya nagka-interest nang gano’n sa isang babae. Hindi niya rin maintindihan ang sarili niya kung bakit gustong-gusto niya ito sa kabila nang pambabaliwala nito sa kanya. Ego nga lang ba talaga ‘yon? O talagang nahuhulog na siya sa dalaga. Mula sa nakaawang na pinto sa labas, dinig na dinig ni Cedric ang panaghoy ng dalaga. Nakaupo siya noon sa labas malapit sa nakaawang na pinto. Nakasandal ang likod niya sa dingding at pinakikiramdaman ang dalaga. Ramdam niya ang bigat at sakit na dala-dala nito sa dibdib. Gustong-gusto niya itong pasukin sa loob para yakapin nang

