Nagkatinginan ang dalawa at sabay napangiti. “Mukha namang seryoso ka sa kaibigan namin,” ani Julie. “Since, nandiyan ka naman, ikaw na muna ang bahala kay Thea. Alagaan mo ang kaibigan namin, ha?” ani Jack. Sumilip pa ang mga ito sa natutulog na dalaga bago nagpaalam sa kanya. Pero bago tuluyang umalis muling humirit si Julie sa kanya. “Patingin nga ulit ng business card mo,” ani Julie na noo’y inilahad pa ang kamay sa kanya. Napakunot ang noo niya na tila nagtatanong. “Kailangan muna naming makasiguro na totoo ang detalyeng sinasabi mo. Baka kasi binubudol mo lang kami.” Alanganing dinukot ni Cedric ang wallet sa bulsa atsaka niya inabot ang business card kay Julie. Sa harapan niya mismo nag-search ito kung nag-e-exist nga ba ang pangalan niyang ‘yon. “Okay na ba?” tanong niya na

