Chapter 21

933 Words
Kryssa's POV Nilapitan ko si Gavin Ryou at nakita ko siyang nakahandusay sa sahig at nakapikit. Mukhang wala siyang malay. Kaya naman pala... Ipinatong ko ang paa ko, I mean, ang high-heeled shoe ko sa pisngi niya saka siya inalog-alog. "Hoy, Gavin Ryou! Gumising ka." sabi ko. He didn't budge, so I poked his head and his arms, inapakan ko ang tiyan niya pero hindi pa rin siya nagising. I rolled my eyes. Seems like I have no choice… I kicked his shot leg. I saw him flinch kaya mas nilakasan ko pa ang pagsipa ko. Agad naman siyang napamulat at napabangon, saka napahawak sa binti niya. "Tagal mo namang magising." sabi ko. Napatingin siya sa akin habang nakakunot-noo. "Wala ka na bang ibang paraan para gisingin ako? Lalong lumala 'tong tama ko oh. Tsk." inis niyang sabi. Tinaasan ko siya ng kilay. "I tried other methods before resorting to this. If only you did not act like a complete fool, you wouldn’t be in this situation in the first place. Wala ka man lang naitulong, you just kept on acting cool. Diyan ka na nga." sabi ko saka nagsimulang maglakad paalis. Nagulat na lang ako nang biglang may bumaril sa kanang binti ko kaya natumba ako. Lumingon ako sa direksyon na pinagmulan ng bala. "What the hell, Gavin Ryou?!!!"   ---   "Ayos ka na, Lavelle?" tanong sa akin ni Titus pagkalabas ko ng bedroom ko. Nandito siya ngayon sa living room ng kwarto ko, tumatambay at nakikikain. Nautusan kasi siya ni dad na magbantay sa akin incase daw na may kailanganin ako. This is all that Gavin Ryou’s fault! Itinulad niya ako sa estado niya, binaril niya ako sa kanang binti noong war party. "Yeah, I feel better." sabi ko saka umupo sa tabi niya. Inagaw ko 'yung kinakain niyang chips at kumain. "Bastos ng batang 'to." sabi niya sa akin. Tiningnan ko siya saka isinubsob sa mukha niya 'yung chips. "Ayan sa’yo na 'yan! Isaksak mo ‘yan sa baga mo! Hindi ka nga nagpaalam sa akin at basta ka na lang kumuha ng pagkain diyan sa rack ko." "Aray ko naman, Lavelle." sabi niya sabay kuha sa akin nung chips. "Siyempre, pinapabantayan ka sa akin kaya kailangan mo akong pakainin." Kinutusan ko naman siya. "Dun ka kay dad humingi ng pagkain, tutal siya naman nag-utos sa’yo, hindi naman ako." "Ehhh nakakahiya naman kay boss." Tinaasan ko siya ng kilay. "At sa akin, hindi ka nahihiya? Boss mo rin ako!" "Friends kaya tayo! At saka, hindi ka naman mukhang boss kaya hindi ako mahihiya sa’yo." sabi niya. "Ah ganun? Kapag nakita pa kitang magnakaw ng pagkain sa akin, patay ka talaga." sabi ko sabay tayo. "Grabe ka naman. Magnakaw talaga? 'Di pwedeng kumuha lang?" "Hindi. Pagnanakaw ang tawag doon." sabi ko saka kinuha ang laptop ko at flash drive. "Anong gagawin mo?" tanong ni Titus. Bumalik ako sa couch at ipinatong 'yung laptop sa mesa. Binuksan ko iyon saka isinaksak 'yung flash drive. Binuksan ko ang nag-iisang folder na laman noon at sinelect lahat ng laman saka pinindot ang ‘ENTER’. I leaned back on the couch and waited for the video to play. "Ikuha mo nga ako ng Dorittos sa rack." utos ko kay Titus. "Yes, boss." sabi ni Titus, saka siya tumayo at kumuha ng Dorittos. Pagbalik niya ay iniabot niya iyon sa akin. "Eto na po, boss." Kinuha ko iyon saka binuksan. "Thank you, you may go." sabi ko saka kumain. Sa halip na umalis, ay umupo siya sa tabi ko. "Tss. Pinangatawanan talaga." sabi niya. "Shush!" sita ko nang magsimula nang magplay 'yung video. "Ano ba 'ya–?" "I said, shush!" sita ko saka tumutok sa video. "It's a footage taken at school where the new president is on take." sabi ko. "'Di ko naman tinatanong." sabi ni Titus. Nilingon ko siya saka tiningnan nang masama. Nagpeace sign naman siya sa akin saka tumingin doon sa video. "Si president 'yun, ‘di ba?" tanong niya. Tiningnan ko naman 'yung itinuturo niya. Si president nga. He's talking to a woman and the woman looks familiar. 'Yung teacher namin sa Physics. "Ms. Monte." rinig kong sabi ni Titus. Whatever her name is. Tumutok ulit ako sa video. Nakita kong inabutan ni president si Ms. Monte ng isang paper envelope at pinause ko 'yung video. I activated the see-through filter saka zinoom ito. "A tiny bottle with a god-knows-what liquid?" tanong ni Titus nang makita namin 'yung laman ng envelope. I captured it saka iniscan. I waited for a few seconds, then lumabas na 'yung results. "Whoa, astig! Hindi na kailangan ng lab works! Anong app gamit mo?" tanong ni Titus. "I haven't named it yet." sabi ko. "So, ikaw ang gumawa niyan?!" gulat niyang tanong. I nodded. "Yup. Matagal ko na 'tong pinag-aralan. Last, last year ko siya sinimulang gawin. Kakatapos ko lang nito last month." sabi ko. "Heck! Ikaw na genius!" I rolled my eyes at him saka binasa 'yung results. "Ointment used for killing silently?" tanong ko saka binasa 'yung kasunod. "When applied to a person, he/she will automatically collapse without a single noise. The person will immediately lose his/her consciousness and, if not given the antidote within 24 hours, will not regain consciousness and will eventually die. This solution contains destructive chemicals to the human body's cells and also to the blood. Even the tiniest amount of it may kill. This ointment is called the alphagale. Its number was extinct because some of its ingredients were from Mars, specifically, the liquid––which shows up only once in a hundred years." "Grabe pala ang effect alphagale na 'yan. Dapat siguro lagi na tayong balot na balot para hindi tayo malagyan." sabi ni Titus. "True. Pero anong balak ni president at Ms. Monte sa alphagale na 'yun?" tanong ko. "Let's find out on the video, shall we?" Plinay ko ulit 'yung video. It’s a bad thing, the video has no sound. Hindi ko magawang maglagay ng mic without them noticing. Finastforward ko 'yung video at plinay ko iyong muli nang makita ko na si Ms. Monte na paalis. Nakita ko siyang pumunta sa boys' locker room. Tiningnan ko sa ibang kuha kung sino ang mga nasa loob ng locker room. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kung sino ang mga iyon. "Sht."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD