Chapter 22

597 Words
 Kryssa's POV "Ano nang plano mo, Lavelle?" tanong ni Titus sa akin. I closed my laptop and leaned on the sofa. "I don't know." "Balak bang patayin ni President at ni Ms. Monte 'yung dalawa?" tanong niya. "I doubt it. Sa tingin ko, isa lang sa dalawa ang balak nilang patayin." "Pero sino?" "That is for us to find out." sabi ko saka tumayo. "Ipahanda mo ang sasakyan. Magsh-shopping tayo." sabi ko saka pumasok sa bedroom para magpalit.   ---   "Grabe ka, Lavelle ha. Akala ko shopping talaga. Nagulat ako kanina noong sinabi mong magsh-shopping tayo. Like hell, hindi ka kaya girly." sabi ni Titus. Sinamaan ko siya ng tingin. "Shopping na rin ang tawag dito at sinasabi mo bang boyish ako?" taas-kilay kong tanong. "Hep! Wala akong sinasabing ganon, okay? Ikaw ang nagsabi niyan." I rolled my eyes at him. "Hindi ko sinabi 'yun, I asked." sabi ko saka pumasok na doon sa shop. "Ano bang bibilhin natin dito?" "Kailangan natin ng suit na hindi halata kapag suot, for protection against that alphagale. At saka kakailanganin ko rin ata ng ilang mga equipment for the laboratory." sabi ko saka kumuha ng isang suit. May lumapit naman sa aming saleslady. "Good evening, ma'am, sir." bati niya. "A hundred of this suit." sabi ko at binigay sa babae ang hawak kong suit. Kinuha niya naman iyon at tumango. "Okay, ma'am. Please wait." sabi niya saka naglakad paalis. Tumingin naman ako doon sa section na mayroong mga laboratory apparatuses. May lumapit sa amin na saleslady na assigned doon. "Yes, ma'am?" tanong niya. "One set of your complete laboratory apparatuses." sabi ko. "One set po?" "Hindi ka ba nakikinig? Kasasabi ko lang, ‘di ba?" tanong ko. Yumuko naman siya. "Sorry po, ma'am. Sige po, kukunin ko lang po." sabi niya. "Babalikan na lang namin. Pati na rin 'yung suits." sabi ko. Tumango siya. "Sige po." sabi niya at umalis na. Lumabas na kami ni Titus at sumunod naman sa amin 'yung dalawang tauhan namin. "Ang taray mo naman doon sa babae." sabi ni Titus. "I hate repeating myself." sabi ko. "Haaayy. Kawawa naman 'yung tao." sabi niya. Inirapan ko siya. "Ang landi mo talaga, Titus." "Grabe naman, Lavelle. Malandi agad ‘yon? Judgmental ka talaga." "Tss. Whatever you say." "Anyways, ba't andami mong biniling suits?" "Bibigyan ko lahat ng Kaishi members." Nagslow clap naman si Titus tapos lumingon siya sa likod. "Palakpakan naman natin ang huwaran nating underboss." sabi niya doon sa dalawa naming kasama. Narinig ko namang pumalakpak din ‘yung dalawa. Napailing na lang ako at hindi ito pinansin. Nagulat ako nang biglang umakbay sa akin si Titus at ginulo-g**o ang buhok ko. "Ang bait talaga ng underboss namin." sabi niya. Tinampal ko naman ‘yung kamay niya. "Tigilan mo nga ako." "Saan mo nga pala gagamitin 'yung mga lab apparatus?" "Gagawa ako ng antidote." "Naks! Crush mo siguro 'yung dalawa kaya gusto mo i-save." Tiningnan ko siya nang masama. "How can you think so disgustingly? Gusto ko lang ng challenge. Sawang-sawa na akong walang ginagawa." "Ilang araw ka lang namang hindi lumabas ng bahay niyo ah." "Well, it felt like years to me." sabi ko saka huminto sa paglalakad nang marating na namin 'yung shop for chemical solutions. "Oh, ano namang gagawin natin dito?" tanong ni Titus. Hindi ko na siya pinansin at pumasok na ako sa shop. Bumili ako ng iba't ibang mga chemicals na sa tingin ko ay magagamit ko sa paggawa ng antidote para sa alphagale. Nag-ikot-ikot kami pagkatapos. Pagkatapos mag-ikot-ikot ay kumain muna kami bago kinuha ang mga suit at lab-apps na binili. Matapos ay umuwi na rin kami at nagpahinga na.   ---   Two days later... Nandito ako ngayon sa school at naglalakad-lakad habang nagmamasid sa paligid, nagbabaka-sakaling makasalubong si President o kaya naman si Ms. Monte. Nagulat ako nang biglang may umakbay sa akin. Napatingin ako sa kaniya. "Hi, Lavelle." nakangiting bati ni Augustus. Inirapan ko lang siya at hindi na pinansin. "Snob naman neto." "Ba't ka ba nandito?" inis kong tanong. "Siyempre may pasok ngayon kaya nandito ako." sabi niya. "Tss." Napatigil ako sa paglalakad nang makita ko ang isang babae sa 'di kalayuan. "Lavelle?” tawag ni Augustus. Si Augustus ba ang target mo… Ms. Monte?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD