Kryssa's POV "Huy, Lavelle mylabs!" Napatingin ako kay Augustus. "Ha?" Nginitian niya ko nang mapang-asar. "Yiiieee, sumagot ka. So, tanggap mo na mylabs kita?" Inirapan ko siya. "Shut up." sabi ko saka ibinalik ang tingin sa direksyon ni Ms. Monte pero wala na siya roon. Argh! Saan ba nagpunta 'yun?! Kailangan ko siyang masundan. Maglalakad na sana ako paalis nang may humila sa akin pabalik. "Saan ka pupunta, mylabs?" tanong ni Augustus. Inalis ko ang braso ko mula sa pagkakahawak niya. "It's none of your business at please lang, 'wag mo kong tawaging ‘mylabs,’ nandidiri ako." sabi ko saka nagsimulang maglakad paalis. Biglang may umakbay sa akin at napatingin ako sa kaniya. "Sama ko." "Get your hands off me, Augustus Nox." sabi ko. "No." "I said, get–!" Hindi ko naituloy ang s

