Titus' POV Bakit ba ang gwapo ko? "Hoy, Titus Kash!" Napatigil ako sa pagtingin sa triceps ko nang marinig ko ang gwapo kong pangalan. Awtomatikong napataas ang kilay ko. "Problema mo, Augustus?" tanong ko. "Si Lavelle." seryoso niyang sabi. "Oh, bakit? Crush mo?" "Oo." "Okay." sabi ko at ibinalik ang atensiyon sa muscles ko. Takte. Ang macho ko talaga. "Haayyy nako!" inis na banggit ni Augustus. Kinunutan ko siya ng noo. "Problema mo ba onyok?" "Ikaw." "Ano nanaman bang ginawa ko?" "Si Lavelle nga kasi." "Kaya nga! Crush mo siya. Oh tapos? Wala akong pake." Napasabunot naman siya sa buhok niya. "Si Lavelle! Kinuha ni president!" sigaw niya. "Bakit ka ba sumisigaw, ha?! Eh ano naman ngayon kung kinuha siya ni President? Malay mo mag-uusap lang." sabi ko. "Gago! She was ca

