Kryssa's POV
Nakangiti ako habang sinusuri ang mga b***l na binili ni dad para sa akin.
"You're really addicted to guns." rinig kong sabi ni Gavin Ryou.
Tinapunan ko siya ng tingin saglit at bumalik din sa ginagawa ko. "Guns can protect me and I think they're cool." sabi ko. I heard him murmur something kaya napatingin ako sa kaniya. "Ano ‘yun?"
"Nothing."
"Tss. Ano ba ang napag-usapan niyo ni dad kagabi?" tanong ko.
"None of your business."
Tss. Malapit ko nang mapatay 'to.
"Oy, Titus Kash!" tawag ko kay Titus na abalang-abala sa paglalaro ng play station.
"Yeah?" tanong niya nang hindi lumilingon sa akin.
"Ihatid mo na nga 'tong Gavin Ryou na 'to sa bahay nila." utos ko.
Pinause niya naman ‘yung game niya saka tumingin sa akin. "Ikaw na lang!" sabi niya.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Inuutusan mo ba ko? Ipapaalala ko lang na mas mataas ang rank ko sa’yo."
"Eh chief advisor lang naman ako. Dapat si Lawn ang utusan mo."
"So gusto mong gawin kitang caporegime?"
"Joke lang. Eto naman oh. Hatid ko na si Gavin basta samahan mo ako." sabi niya saka tumayo.
"Bakit ka pa magpapasama?" tanong ko.
"Para ikaw ang magpaliwanag sa kanila ng nangyari."
"Tss. Fine." sabi ko at nauna nang lumabas ng kwarto.
If what I am thinking was right, ayaw ni Titus na mag-isa lang siyang pupunta sa teritoryo ng mga Ryou. Kahit ako rin naman ay hindi ko gugustuhing pumunta doon nang mag-isa kaya pumayag akong samahan si Titus.
Bumaba na ako at hiningi 'yung susi at helmet doon sa maid. Ipinahanda ko na rin ang motor bike ko. Nang makuha ko na 'yung susi at helmet ay sakto namang nakita ko sina Titus at Gavin Ryou na kakababa lang.
"Magmomotor ka, Lavelle?" tanong ni Titus.
I rolled my eyes at him. "Hindi ba obvious? Kaya nga hawak ko 'tong susi at helmet, ‘di ba?" sabi ko at saka lumabas na.
Sumakay na ako doon sa motor bike ko and I started its engine. Nang makasakay na ‘yung dalawa sa kotse ni Titus ay nauna na akong umalis at nakasunod naman sila sa akin.
Nang makarating na kami sa teritoryo ng mga Ryou ay hinarang kami ng dalawang bantay. Nilapitan ako nung isang bantay.
"Anong kailangan niyo? Umalis na kayo kung ayaw niyong hindi na kayo makabalik nang buhay." sabi niya.
Kinuha ko naman ang b***l ko sa g*n pocket sa thigh ko, saka ito ikinasa at itinutok sa kaniya. Agad naman akong tinutukan ng b***l nung isa pang bantay.
Binuksan ko ‘yung glass ng helmet ko. "Ibabalik lang namin ang prinsipe niyong si Gavin Ryou. Kung haharangin niyo kami dito ay ibababa na lang namin siya at papalakarin pabalik sa mansiyon nila." sabi ko.
Pareho kasi sa amin ay marami ring checkpoints dito bago makarating sa mansiyon nila. Mas okay pa nga sa akin na maglakad na lang 'yung Gavin Ryou na 'yun para hindi na kami masyado pang magastusan sa gasolina.
Ibinaba na nung isang tauhan ang b***l niya kaya ibinaba ko na rin ‘yung akin at ibinalik sa g*n pocket. Chineck niya sina Titus, na kasunod ko lang. Pagkatapos ay pinapasok na nila kami. Dire-diretso na lang kami at hindi na kami hinarang sa ibang checkpoint.
Nang makarating na kami sa mansiyon nila ay may sumalubong sa aming dalawang lalaki na mukhang butler. Bumaba na ako mula sa motor bike ko at inalis 'yung helmet.
"Magandang umaga sa iyo, binibini." bati nung isang butler sa akin.
Tumango ako sa kaniya. "Ibinabalik na namin si Gavin Ryou. Aalis na rin kami agad." sabi ko at saka tumingin sa gawi ni Gavin Ryou na kalalabas lang ng kotse.
"Sige po, bini–-"
"Tumuloy muna kayo sa loob." rinig kong sabi ng isang lalaki.
Napatingin ako doon sa nagsalita at nakita ko si Gregor Ryou kasama ang kaniyang asawang si Henrietta Ryou na nakatingin sa akin. Nag-bow naman 'yung mga butler sa kaniya pati na rin si Gavin Ryou. Ito ang unang beses na nakita ko ang mag-asawang Ryou sa personal at makikita ang katandaan sa itsura ni Gregor Ryou.
Seryoso siguro siya palagi kaya tumanda agad. Si dad kasi hindi man lang nagmumukhang matanda dahil ang hilig magbiro. Nakikisabay siya sa trip ng mga kabataan. Minsan, parang bata kung umasta.
"Hindi na po, Mr. Ryou. Mauuna na po kami." magalang kong sabi.
"No. Pumasok na muna kayo. I insist." sabi niya.
Nagkatinginan kami ni Titus saglit. "Sige po." sagot ko.
Ngumiti naman siya sa amin. Ibinigay ko doon sa butler 'yung helmet at susi ng motor bike ko saka kami sumunod ni Titus sa mga Ryou papasok ng mansiyon.
Sinalubong kami ng mga maid at butler na nakalinya sa magkabilang gilid ng entrance. Sa pagdaan namin ay bahagya silang yumuyuko.
Ibang-iba ang ambiance sa mansiyon nila. Ramdam na ramdam ang awtoridad ng mga Ryou. Masyado pa silang seryoso. Sa bahay kasi hindi ganito. Yes, we still have authority over our people, but the tension inside our mansion is really low, there is almost none. Madalas din kasi kaming makisalamuha sa kanila kapag good mood kami. Pero sila, parang takot sila sa mga Ryou kaya ganito na lamang ang paggalang nila. Parang isang maling galaw lamang nila ay pwede silang mamatay.
Kung ako siguro ang papatirahin dito, I would rather live in my own condo unit or hotel. Nakakasakal ang katahimikan at tensiyon.
"Mas mabuti sigurong kumain tayo habang nag-uusap, hindi ba?" tanong ni Henrietta Ryou sa amin ni Titus.
Ngumiti na lang kami saka tumango.
Nakasalubong naman namin sina Hunt at Gem Ryou. Sandali kaming nagkatinginan at sumabay na rin sila sa amin sa paglalakad. Nang makarating kami sa dining room nila ay umupo na silang pamilya. Hindi namin alam ni Titus kung uupo ba kami or what.
"Huwag na kayong mahiya. Maupo na kayo." nakangiting sabi ni Henrietta Ryou.
Nagkatinginan muna kami ni Titus saka umupo. Sa kabisera ng mesa nakaupo si Gregor Ryou. Sa bandang kaliwa niya naman ay doon nakaupo sila Henrietta, Gavin at Hunt Ryou, samantalang sa bandang kanan nakaupo si Gem Ryou. Sa katabing upuan niya ako umupo at tumabi naman sa akin si Titus. Mabuti na lang at naglaan sila ng upuan para sa amin sa tabi ni Gem Ryou. Siya ang pinaka-harmless dito.
Nagsimula na rin kaming kumain. Kumuha lang ako ng lasagna saka hiniwa at kinain ito, in a graceful way. Sobrang tahimik nila dito sa dining room at tunog lang ng mga utensils ang naririnig.
Gregor Ryou cleared his throat. "First of all, I wanted to apologize for some of my fellow Yagamis' recklessness and for what they did kaninang madaling araw. Hindi ako aware na sumugod sila sa mansiyon niyo. I will just pay for any damages they have caused." sabi niya.
"No need, Mr. Ryou. Okay lang po iyon. Actually, I also wanted to apologize for k********g your son." sabi ko.
Tumawa naman siya at alam kong pilit lang iyon. "I really can't believe that he was kidn*pped by you. Hindi ko akalain na nakidnap at naisahan siya ng isang babae. I am so disappointed." sabi niya.
Kung wala lang ako sa teritoryo nila, marahil ay nilabas ko na ang b***l ko at binaril siya. He's underestimating me because I'm a girl.
"I'm sorry, Mr. Ryou." sabi ni Gavin Ryou.
Mr. Ryou? Hindi ba 'dad', 'daddy', or 'papa' ang tawag niya sa dad niya? Obviously, hindi.
"I think you underestimated the girl, Gregor." singit ni Henrietta Ryou sabay ngiti sa akin.
I think she's saving his son from extreme humiliation.
"I guess, I did." sabi ni Gregor Ryou at saka tumingin sa akin nang seryoso.
I felt chills dahil doon at lumala ito nang makita ko siyang ngumiti.
Is he planning something?