Kryssa's POV
"I-I'm G-Gem R-Ryou. Please don't kill me, Lavelle." nauutal niyang sagot.
Nanlaki naman ang mga mata ko. Gem Ryou?! 'Yung kapatid nila Gavin Ryou?! But, wait.
"Bakit kilala mo ako?" tanong ko.
"You're popular in school, known as the ruthless school girl." sabi niya.
"Who gave that lame nickname?"
"Papatayin mo ba siya kapag nalaman mo?"
"Of course."
"Then I won't tell you."
"Okay. That's fine with me. I'll kill you instead." sabi ko.
"Where's my brother?" tanong niya.
"He's safe in our hands. Ibabalik namin siya sa inyo bukas, okay? Bakit ba kasi ang atat niyo?" inis kong tanong.
"You can't keep us from not worrying about our brother's safety."
"Hindi namin balak patayin ang kapatid nyo, okay? Wala naman kaming mapapala kung papatayin man namin siya."
Napatungo naman siya. "So dad's right." rinig kong sabi niya.
"Tss. You should listen to your dad more often. Look at what you've done. Dahil sa ginawa niyo, maraming tauhan niyo ang nasugatan. For sure, si Hunt ay ganoon din ang kahahantungan." sabi ko.
Napaangat naman siya ng tingin. "What do you mean?"
"Nasa ground floor siya, nandoon din ang dad ko. My dad doesn't like trespassers, by the way. Hindi na namin kasalanan kung mayroon kaming nasugatan sa mga miyembro niyo dahil ginawa lang namin iyon for our defense. Remember that you were the ones who started all of these." sabi ko. Hindi naman na sumagot si Gem Ryou kaya nagpatuloy na lamang ako sa pagsasalita. "Good luck explaining to your dad about what happened at pakisabi na rin sa kaniya na ibabalik rin namin si Gavin Ryou. Kinausap lang siya ni dad."
Tumalikod na ko at pumunta sa kwarto. I pressed the intercom sa labas at sinabing, "Open the door."
Bumukas naman ang pinto at pumasok agad ako. Dumiretso naman ako doon sa tapat ng screen ng TV.
"Are you okay, Kryssa?" tanong sa akin ni mom.
I nodded then tiningnan ko ang footage sa kusina at nakita ko namang nakaupo pa rin si dad sa isa sa mga upuan doon. Nandoon na rin si Hunt Ryou at mukhang nadaplisan siya sa braso dahil may nakita akong dugong dumadaloy mula roon.
Nakita ko naman sina Lawn at Titus sa labas ng mansiyon na todong-todo ang pagbaril sa mga Yagami gamit 'yung mga machine g*n nila. Mga walang awa talaga 'to.
Sa ibang areas naman ay wala nang ibang Yagami. Iilan lang talaga ang nakapasok. Si Hunt Ryou at Gavin Ryou na lamang ang natitirang Yagami na nasa loob ng mansiyon. Si Gem Ryou rin ay nasa loob pa. Nakita ko siyang naglalakad sa ground floor papuntang dining room.
Lumingon ako at nakita kong tutok na tutok si Gavin Ryou sa monitor ng TV habang nakaupo sa sofa. Sa kabilang sofa naman ay mahimbing pa ring natutulog si Lucy.
"Mom, baba lang ako." paalam ko kay mom.
Tumango naman siya. "Mag-iingat ka." sabi niya.
Lumabas na ako ng kwarto at naglakad pababa. May narinig akong putok ng b***l mula sa kusina kaya maingat at tahimik akong nagtungo doon. Nang marinig ko ang boses ni dad ay agad akong tumago sa isa sa mga shelves na nandoon.
"Hindi ba't ikaw ang chief advisor ng mafia niyo? I can see that hindi ka karapat-dapat sa posisyong iyan. You should be in a lower rank. Pwede kang maging caporegime or assassin." rinig kong sabi ni dad. Wala akong narinig na sumagot at narinig ko ulit na nagsalita si dad. "Your emotions are clouding your mind. A chief advisor is not supposed to factor emotional concerns, right Kryssa?"
Tss. Alam naman pala ni dad na nandito ako, todo effort pa ako sa pagtago.
Lumabas na lang ako at nanlaki ang mga mata ko nang makitang hawak ni dad si Gem Ryou habang nakatutok ang b***l dito. Hunt Ryou is pathetically kneeling on the floor.
"Kiel, okay na ba sa labas?" tanong ni dad habang nakatingin sa bandang likod ko.
Lumingon naman ako at nakita ko si Lawn na naglalakad palapit sa amin. "Yes, dad." sagot niya at nauna na siyang naglakad palapit kay dad.
Pero bago pa man siya makalapit ay hinila siya ni Hunt Ryou at tinutukan ng b***l. Agad ko namang itinutok sa kaniya 'yung b***l ko.
"Now what? Can't shoot me because of hi–-"
I didn't let him finish his statement and shot his leg. He stumbled back making Lawn free from his grasp.
"You should learn not to cloud your mind with emotions. When you let your emotions consume you, you will be caught off-guard at hindi ka mananalo." litanya ni dad saka pinakawalan si Gem Ryou.
"Hunt!" panic ni Gem nang makalapit siya kay Hunt Ryou.
"Okay lang ako, ate. Don't worry." sabi naman ni Hunt.
What a sweet view.
Tumayo na si dad. "Kiel, ipalinis mo na lang ang mga kalat sa mga tauhan natin." sabi niya.
"Okay, dad." sabi ni Lawn at umalis na si dad.
Umalis na rin si Lawn pagkatapos.
"Sorry for shooting your leg. Gusto ko lang ipakita sa’yo kung ano ang dapat mong gawin sa ganoong sitwasyon." sabi ko saka umalis.
Pumunta na ako sa kwarto ko at pagdating ko ay nakita kong nandoon din si dad. Tiningnan ko 'yung apat na malalaking briefcase na nakalagay sa mesa ng living room ko at nanlaki ang mga mata ko.
"Here are your guns, Kryssa. As promised." nakangiting sabi ni dad.
A'ight!