Kryssa's POV
"Bakit ka pala nasa kwarto kanina? Takot ka bang makipagbarilan nang wala ako?" mapang-asar kong tanong.
Nandito kami ngayon sa living room ng kwarto ko dahil may kung ano pa siyang kinakalikot sa system ng computer at tv ko.
"Pinapunta ako dito ng dad mo kanina." sagot niya naman. "Okay!"
Napatingin ako sa may TV nang i-on niya iyon. He connected the CCTV cameras inside and outside the mansion to my computer, and projected it on the TV.
"'Yan lang pala ginawa mo. Sana ako na lang pinagawa mo, edi sana kanina pa natapos." sabi ko.
"Eh gusto kong i-apply ‘yung mga natutunan ko. Walang basagan ng trip." sabi niya naman.
Tss. Hindi pa pala masyadong napapasok ng mga Yagami ang mansion. Nasa labas pa lang sila. Pero meron din akong nakitang mangilan-ngilan na nakapasok pero nasa ground floor pa lang sila. Nakita ko naman si dad na prenteng nakaupo sa kusina. Kahit madilim ay nakikita ko pa naman ang mga galaw nila. Pinatay kasi nila ang lahat ng ilaw.
"Na saan si Gavin Ryou?" tanong ko.
Nginitian naman ako ni Titus nang nakakaloko kaya tinaasan ko siya ng kilay. "Crush mo?"
"Gago. Baka kasi nakatakas na." sabi ko.
"Nandoon siya sa kwarto ni Lucy kasama nina Madamé Karina at Lucy." sagot niya. "I think kailangan natin silang ilipat dito dahil itong kwarto mo ang pinaka-safe na room sa mansiyon na ‘to." dugtong niya.
"Okay."
Lumabas na kami ni Titus ng kwarto at maingat na naglakad papunta sa kwarto ni Lucy. Medyo malayo-layo ang kwarto ni Lucy pero wala naman kaming nakasalubong na Yagami. I knocked at the door, then bumukas naman 'yun. Nakatutok 'yung b***l ni mom sa amin noong bumukas ang pinto. Agad niya naman itong ibinaba nang makita kami ni Titus.
"Bakit kayo nandito?" tanong ni mom.
"Ililipat namin kayo sa room ko. Mas safe doon. Tara, mom." sabi ko.
Lumingon naman si mom sa likod niya, then tumingin siya kay Titus. "Titus, can you carry Lucy? Tulog pa kasi sya." sabi niya.
Hindi naman sound proof ang room niya. Hindi man lang ba siya nagigising sa mga putukan ng b***l?
"Sure, madamé." sabi ni Titus saka pumasok sa loob at binuhat si Lucy.
"Ikaw na ang bahala kay Gavin Ryou." sabi ni mom sa akin at nauna na siyang maglakad, kasunod si Titus na buhat-buhat si Lucy.
Hinila ko na palabas si Gavin Ryou habang nakatutok sa kaniya ang isa kong b***l at sumunod na kila mom.
"Tinawagan mo ba sila?" tanong ko sa kaniya, referring to the Yagamis who are currently attacking us.
"No." tipid niyang sagot.
"Eh bakit sila nandito?" tanong ko.
"Maybe it's because of Hunt."
"Hunt? ‘Yung kapatid mo?"
"Who else?"
"Tss. Bakit naman siya?"
*g*n shots*
Umilag naman kami kaagad ni Gavin Ryou at tumago sa gilid. Nakita ko namang napatigil sa paglalakad sila mom at napatingin sa amin pero sinenyasan ko silang mauna na kaya nagpatuloy na sila sa paglalakad. Hindi sila pwedeng makipaglaban habang nandoon si Lucy.
I breathed deeply bago sumugod. Pinaputukan ko sa paa 'yung mga Yagami habang nasa likod ko si Gavin Ryou. Hindi ko siya pwedeng bitawan. Mahirap na, baka makatakas.
Napahandusay naman sa sahig 'yung tatlong Yagami pero buhay pa naman sila. ‘Di nga lang makakalakad agad.
Nang wala na kong nakitang ibang Yagami ay tumakbo na ako sa direksiyong papunta sa kwarto ko habang hila-hila si Gavin Ryou. Nasa kabilang dulo ang kwarto ni Lucy at sa kabila naman ay 'yung kwarto ko.
Bigla namang may sumulpot na Yagami at agad ko itong sinuntok. First response ko iyon dahil ginulat niya ako. Binaril ko naman siya sa paa for my second response at dumiretso na kami sa kwarto ko.
"I-lock niyo ang pinto! Wag niyong papatakasin 'yan!" sigaw ko nang maitulak ko si Gavin Ryou papasok sa kwarto. Isinara ko kaagad 'yung pinto at umilag doon sa balang paparating.
Napatingin ako doon sa bumaril at nakita ko si Hunt Ryou. Pinaputukan ko siya kaya tumago siya sa likod ng pader. I took it as a chance para humanap ng safe place na pwede kong pagtaguan habang nakikipaglaban sa Hunt Ryou na iyon.
Sunod-sunod niyang pinaputukan 'yung spot na malapit sa akin at nung tumigil na siya ay pinaputukan ko rin siya kaya agad siyang tumago. Nagpalitan lang kami ng mga putok ng b***l, at nang mapagod ay huminto muna.
"Pakawalan niyo si Gavin!" sigaw niya.
"Bukas! Ibabalik ko siya sa inyo! Maghintay ka, Hunt Ryou!" sigaw ko pabalik.
"Takte! Hindi ako pumapatol sa babae pero kapag hindi niyo siya pinakawalan ngayon din ay mapipilitan akong patayin ka." sabi niya.
Tss. As if naman kaya niyang gawin 'yun. Marahil ay hindi niya ako kilala kaya naman nagagawa niyang sabihin iyon. Akala niya siguro’y soldier lang ako sa mafia.
Pasalamat siya’t naturuan ako ng kaunting kagandahang-asal kaya hindi ko pa siya pinapatay. Kung assassin lang ako, marahil ay kanina pa siya nakabulagta sa sahig.
"Try me." sabi ko saka sinugod siya.
Pinadaplisan ko naman ng bala ‘yung kamay niyang may hawak na b***l kaya nabitawan niya ang b***l niya at nahulog ito sa ground floor. Sandali siyang nagulat sa nangyari at agad din siyang tumakbo pababa ng hagdan. Nasa may bandang hagdan kasi siya tumago kanina.
Hindi ko na siya sinundan dahil nasa ground floor naman si dad. Siya na ang bahala sa lalaking iyon. Ang tanga naman kasi nung Hunt Ryou na 'yun. Pupunta sa labanan tapos isang b***l lang ang dala. Tsk tsk tsk.
I decided to go back to my room but I felt something going my way pero hindi na ko umilag. Tumama iyon sa spot na malapit sa akin. Alam kong hindi ako matatamaan nun. It's a bullet, by the way. For sure, may silencer ang b***l na ginamit kaya hindi ko ito narinig.
Napatingin ako sa direksyon na pinagmulan ng bala at nakita ko ang isang babae. Mukhang takot na takot siya 'cause I can see her shaking. At mukhang hindi siya bihasa sa paggamit ng b***l.
Tiningnan ko siya at itinutok sa kaniya ‘yung isang revolver kong hawak. Nanlaki naman ang mga mata niya. "Who are you?" tanong ko.
Imposible naman kasing kasama siya sa Yagami mafia dahil hindi naman siya bihasa sa paggamit ng b***l. Ano 'to? Outsider?
And as expected, hindi siya sumagot.
"Answer my question or I'll shoot you to death. I can easily kill you right now, at this exact moment." seryoso kong sabi.
"I-I'm G-Gem R-Ryou. Please don't kill me, Lavelle."