Kryssa's POV
Tinaasan ko ng kilay si Gavin Ryou. Nang maintindihan niya ang nais kong ipahiwatig ay pinakawalan niya ang maid.
"Yeah. Whatever. You will still shoot me, even though I got her as hostage." he said, then he started to walk.
Buti naman alam niya. As if magdadalawang-isip akong barilin siya kahit gawin niyang bait 'yung maid.
Nang makarating na kami sa dining room ay umupo na ako. Dahil wala pa si Lawn ay ako na ang umupo sa upuan na nasa right side ni dad.
"Good evening, Mr. Leon Vaughan, Mrs. Karina Vaughan and Ms. Kate Lucy Vaughan." magalang na bati ni Gavin Ryou.
I scoffed. Ako, hindi niya man lang binati nang maayos.
I just rolled my eyes at inilagay ang b***l ko sa secret pocket ng jacket ko. Then, kumuha na ako ng bacon and chicken fillet at inilagay ang mga iyon sa plato ko. Nagsimula na rin akong kumain.
"No need for formalities. Sit down." sabi ni dad.
Pipigilan ko na sana siya nang akmang uupo siya sa upuan na nasa tabi ko pero naunahan ako ni Lucy.
"Dito ka na lang sa tabi ko umupo, Gavin." sabi ni Lucy.
"Nope. Diyan na lang siya sa tabi ni Kryssa." rinig kong sabi ni Lawn, na kararating lang. "Sige na Gavin. Maupo ka na."
Umupo na si Gavin Ryou sa katabi kong upuan at tumabi naman sa kaniya si Lawn.
"Gusto mo lang naman siyang makatabi eh!" pagmamaktol ni Lucy.
Mas matanda ba talaga siya sa akin?
I just shrugged and continue eating.
"Siyempre we're both boys kaya dapat lang na magtabi kami." sabi ni Lawn.
"But I want him to sit beside me." sabi naman ni Lucy.
"No way."
"Yes way."
"No way."
"Yes way."
"No–-"
Tumayo ako at kinuha ang b***l ko saka iyon itinutok nang palipat-lipat kay Lucy at Lawn. "Tatahimik ba kayo o ako na mismo ang magpapatahimik sa inyo?!" inis kong tanong.
Tumago naman si Lucy sa likod ni mom at nag-‘hands up’ naman si Lawn. Padabog akong umupo at ibinalik na ang b***l sa secret pocket ng jacket ko. Ipinagpatuloy ko na rin ang pagkain ko na parang walang nangyari.
Natahimik naman silang lahat. Nakita ko sa peripheral vision ko na bumalik na sa pagkakaupo si Lucy.
Tumawa naman si dad. "Napakashort-tempered mo talaga, Kryssa." sabi niya at nagsimula na ring kumain.
As if on cue, nagsimula na ring kumain sila mom, Lawn, Lucy at Gavin Ryou.
"Sino naman po bang hindi maiinis sa bangayan ng dalawang 'yan? Parang mga bata." sabi ko.
Tumawa din si mom. "Mukhang mas mature pa ang bunso natin." sabi niya.
Ako lang kamo ang matured.
---
Dinala muna ni Lawn si Gavin Ryou sa room niya dahil maglalaro daw sila ng play station doon saglit. Hindi naman nakapalag si Gavin Ryou dahil masyado siyang pormal at magalang sa kanila.
Paakyat na kami ngayon ni dad papunta sa room ko, kung saan niya kakausapin si Gavin Ryou.
"Bakit pala dad sa kwarto ko kayo mag-uusap ni Gavin Ryou?" tanong ko.
"Room mo lang ang tanging kwarto dito na sound proof, Kryssa." sagot ni dad.
I smiled sheepishly. ‘Kila mom and dad sana 'yung kwarto ko ngayon pero pinilit ko silang akin na lang iyon dahil mas gusto ko ‘yung theme. Pink and white kasi ‘yung theme noong ibinibigay nila sa aking kwarto noon at ayaw ko noon kaya sa kanila iyon napunta. Pero siyempre pinapalitan na rin nila iyon ng theme.
At 'yung kwarto ko lang ang nag-iisang kwarto dito na sound proof at bullet proof. Mapa-bedroom, walk-in closet, comfort room, veranda, living room at private room, lahat ay bullet at sound proof.
Dahil sa sound proof itong room ay may mga naka-install na buttons para buksan 'yung pinto at meron ding mga intercoms. Mayroon sa labas ng kwarto, banyo, walk-in closet, bedroom, veranda, private room, at sa living room. ‘Yung mga buttons para sa pinto ay kung saan-saan nagkalat dahil may pagkatamad din ako.
Wala naman silang reklamo doon dahil ako mismo ang nag-install ng mga iyon.
Nang makarating na kami sa kwarto ko ay pinaupo ko muna si dad sa sofa ng living room. After several seconds ay dumating na rin si Gavin Ryou.
"Sit down." sabi ni dad pagkasara ni Gavin Ryou ng pinto.
Umupo naman siya sa katapat na sofa ng inuupuan ni dad. Hindi naman ako masyadong curious sa pag-uusapan nila kaya umalis na ako at pumasok na sa bedroom ko. Inilagay ko ang b***l ko sa drawer at saka humiga sa kama.
Inaantok na rin ako kaya natulog na ako.
---
Nagising ako nang may marinig akong kasa ng b***l. Tiningnan ko kung sino 'yun at nakita ko si Titus.
What the–?! Anong ginagawa niya dito?!
Bumangon ako at mukhang napansin niyang gising na ako kaya napatingin siya sa akin. "Anong ginagawa mo dito?!" tanong ko.
He motioned for me to keep quiet. Gusto ko siyang batukan dahil sound proof naman 'tong room. "We've been attacked." sagot niya.
"Attacked?!" gulat kong tanong.
"’Wag kang maingay sabi!"
"Sound proof ang kwarto ko, tanga."
Napakamot naman siya ng ulo. "Oo nga pala. Anyways, inaatake tayo ng Yagami. Dahil siguro sa pagkidnap mo kay Gavin Ryou. Pero sa tingin ko ay hindi ito alam nina Gregor at Henrietta Ryou." sabi niya.
"Pano sila nakapasok dito? Hindi ba maraming checkpoints bago sila makarating dito?"
"Hindi ko rin alam. Sa tingin ko, may traydor o kaya it can be hypnotization."
Tumango ako at alam kong tama ang sinasabi niya. Matalino si Titus at ang mga tingin-tingin niyang iyan ay madalas tama.
Isinuot ko ang indoor slippers ko at tumakbo ako papunta sa private room saka kumuha ng apat na hand guns. Dalawang IOF .32 Revolver at dalawang CZ 99 na service pistol. Nilagyan ko ang mga iyon ng mga bala. 'Yung dalawang CZ 99 ay inilagay ko sa secret pocket ng suot kong jacket at 'yung dalawang revolver naman ay ikinasa ko saka ako pumunta pabalik sa bedroom dala ang mga ito.
It's time to fight.