Chapter 10

1031 Words
Chapter 10   Kryssa's POV "Diyan mo na lang sa sofa." sabi ko doon sa isang tauhan namin. Ibinaba niya naman si Gavin Ryou sa sofa ng living room ko. Tulog pa rin siya hanggang ngayon dahil dalawang oras ang epekto ng sleeping d**g. Dalawang oras lang dahil kaunti lang naman 'yung itinurok ko sa kaniya. "Bantayan mo muna siya. May gagawin lang ako saglit. Siguraduhin mong hindi makakatakas ‘yan, kung hindi, patay ka sa akin." sabi ko. "Sige po, miss Lavelle." sagot niya. Pumasok na ako sa bedroom ko at dumiretso sa walk-in closet. I changed into a simple white shirt and pajamas. Nagsuot na rin ako ng black na jacket at saka lumabas. Pumunta naman ako sa private room at kumuha ng dalawang hand guns. Nilinisan ko iyon at nilagyan ng bala saka bumalik sa living room. Napailing ako nang makita si Gavin Ryou na maingat na pumupuslit palabas ng kwarto habang ang isang tauhan namin ay walang malay at nakabulagta sa sahig. Agad ko namang pinaputukan ang spot na malapit sa kaniya kaya napatigil siya at napatingin sa akin. Dahan-dahan akong naglakad palapit sa kaniya. "Where do you think you're going, Gavin Ryou?" tanong ko at itinutok sa kaniya 'yung b***l. --- Gavin's POV "Where do you think you're going, Gavin Ryou?" tanong ni Lavelle Vaughan at itinutok niya sa akin ang hawak niyang b***l. "Bakit nandito ang mga taga-Kaishi? And how did I get here?" tanong ko sa sarili ko. Bakit nandito sila sa kwarto ko? Inimbitahan ba sila ni dad? O pinasok nila 'tong bahay? I thought they have no intention of killing me. "Why are you in my room, Lavelle Vaughan?" tanong ko sa kaniya. Tinaasan niya ako ng kilay. "You're in my room, genius." sabi niya. I furrowed my eyebrows at her. "What the hell are you saying? This is my room." Naalala ko kaninang pumunta ako sa haven niya kasama ang isang bait – in case na may balak siyang masama. Hindi kasi ako sigurado na siya ‘yung babaeng umalis kanina. It's suspicious na makikipagkita siya sa akin matapos niyang hindi magpakita kahapon. I knew something was up. Hindi ko namalayan na kinaladkad na pala ako ni Lavelle Vaughan papunta sa sofa. Itinulak niya ako doon sa isa at umupo siya doon sa kabilang sofa, opposite to the one I'm sitting on. Kailan pa nila binago ang arrangement ng mga gamit ko sa kwarto? And what did Vaughan say? This is her room?! Don't tell me, pareho kami ng theme at furnitures. Tatayo na sana ako nang magsalita si Vaughan. "Subukan mong gumalaw sa pwesto mo at hindi ako magdadalawang-isip na patayin ka." sabi niya. I looked at her and she's damn serious. Hindi na lang ako gumalaw dahil hindi pa ako pwedeng mamatay. My dad needs me to be his successor. Alam kong kapag si Lavelle Vaughan ang bumaril sa akin ay siguradong mamamatay ako. She knows the different vital organs and she's a sharp shooter. Hindi na ako magtataka kung siya ang magiging successor ng Kaishi organization. Besides, fighting her back is not really a good option, since I am in their territory. It won’t be easy. Napahawak ako sa leeg ko dahil kumirot ito nang kaunti. "First, this is my room. Second, I kidn*pped you because my dad wants to talk to you." Lavelle Vaughan said. So they also want me dead, huh. "No. My dad told me he doesn't want you dead. You're not a threat to us, anyway." she said, like she knew what I was thinking. "Tss. You guys are that confident, huh." sabi ko. "But if you're like any other organizations who want Kaishi dead, I won't hesitate to kill you." she said, not minding what I said earlier. "Can you put that g*n down?" "Nope. I don't trust you. Kaya mong makatakas dito anytime you want. And I won't let that happen hangga't hindi ko pa nakukuha ang reward ko." I only asked one question, right? --- Kryssa's POV "Nope. I don't trust you. Kaya mong makatakas dito anytime you want. And I won't let that hangga't hindi ko pa nakukuha ang reward ko." sagot ko sa kaniya. "What's the reward?" tanong niya. "None of your business." Ipinatong ko naman ang paa ko sa tiyan ng tauhan naming sinuntok ata ni Gavin Ryou kaya nawalan ng malay. Imposible namang binaril siya dahil wala namang masyadong dugo. Besides, I confiscated all of his weapons before arriving here at wala rin naman akong pakalat-kalat na b***l dito. But I still did not remove my gaze at Gavin Ryou and I'm still pointing the g*n at him. Tinadyakan ko ang tauhan nang ilang beses kaya nagising siya. Inalis ko na 'yung paa ko nang tumingin siya sa akin. Agad naman siyang tumayo. Nakita ko lang ang mga 'yun sa peripheral vision ko dahil ayokong alisin ang tingin ko kay Gavin Ryou. Baka tumakas pa. Hindi ko pa nga nakukuha 'yung reward ko. Kinuha ko ang isa ko pang b***l at itinutok iyon sa tauhan namin – still not removing my gaze on Gavin Ryou na nakatingin din sa akin. Nag-bow naman sa akin 'yung tauhan namin. "Sorry po, miss Lavelle." sabi niya. Tss. I don't kill my people without a great reason. Ibinigay ko sa kaniya ang isa kong b***l. "Bantayan mo siya." sabi ko. Tumango siya at itinutok 'yung b***l kay Gavin Ryou. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si dad. Ayoko na munang umalis dito hangga't maaari dahil pwedeng makatakas na naman itong Ryou na 'to. [Kryssa?] "Dad, kelan niyo po ba kakausapin 'to si Gavin Ryou?" [Maybe later. After dinner or during, I guess.] "Saan kapag after?" [In your room.] "Fine then." [Ipapatawag ko na lang kayo kapag magdi-dinner na.] "Okay, dad." I said, then ended the call. "Wag mong tatangkaing tumakas at hindi ako magdadalawang-isip na patayin ka." paalala ko kay Gavin Ryou. He scoffed. "Wow. Is that how you repay me for my kindness in saving your life?" tanong niya. "Oh yeah, about that. Bakit ba kasi hindi mo kaagad inubos ang mga kalaban mo? Kaya tuloy na-late si Titus ng dating dahil nagtira ka pa." "Can't you just thank me?" "Nope." *knock knock knock* May pinindot akong button na naka-install sa mesa at bumukas 'yung pinto. Pumasok naman 'yung maid. "Miss Lavelle, pinapatawag na po kayo ni Master Leon." sabi niya. Tumayo na ako. "Tara na, Gavin Ryou." sabi ko. Walang imik naman siyang tumayo at naglakad na kasunod ng maid. Naglakad naman kami ng tauhan namin kasunod niya. Noong nasa hagdan na kami ay bigla na lang niyang hinablot 'yung maid saka iniharap ito sa amin habang hawak ang leeg neto at itinutok dito ang isang kutsilyo. Where did that knife came from? Secret pocket?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD