Kryssa's POV
Hawak-hawak ko ang dalawang b***l sa magkabilang kamay habang hinahanap sila Titus. Puro putukan ng b***l ang maririnig sa loob ng venue. Marami na rin ang mga duguang katawan na nakahandusay sa sahig.
Binaril ko kaagad 'yung isang lalaking nagtangkang barilin ako at nakasama na siya sa mga taong nakahandusay.
It is really important to recognize your allies, para alam mo kung sino ang kailangang patayin. Buti na lang at kilalang-kilala ko ang isang-daang tauhan namin na nandito. They're easy to recognize, anyway. Sila 'yung mga taong deadly pero disenteng tingnan.
Sige lang ang b***l ko sa mga kalaban na makikita habang hinahanap sina Titus at Zinnia. Ngayon ko lang napagtanto na malawak pala 'tong venue ng party.
Lalapitan ko na sana si Titus nang makita ko siyang nakikipagbarilan sa mga kalaban nang biglang may sumulpot sa harap ko. Sabay kaming nagtutukan ng b***l sa isa't isa.
"Kanina pa kita hinahanap, Lavelle Vaughan. Nandito ka lang pala." sabi ni Maximus Nox. Sinamaan ko lang siya ng tingin at hindi nagsalita. "Sayang naman at hindi ka natuluyan kanina." patuloy niya.
I smirked. "'Yun na ba ang ginawa mong paghahanda sa pagpatay sa akin? Nakaka-disapppoint naman, hindi ka nagtagumpay." sabi ko.
Nginitian niya naman ako. "Hindi iyon. Ang plano ko’y ako mismo ang papatay sa’yo. Gusto kong ako ang makagawa noon para naman magkaroon ako ng parangal."
"Sorry ka dahil hindi mo makukuha ang parangal na hinahangad mo." sabi ko saka pinaputukan siya.
Agad naman siyang umilag at nagtago sa likod ng mesa. Tumago rin ako sa likod ng ibang mesa. Binaril niya ang mesang pinagtataguan ko. Binaril ko muna 'yung mga kalabang papalapit sa akin bago pinaputukan si Maximus.
Nagpapalitan lang kami ng mga putok ng b***l nang mabaril ko 'yung kamay niya na may hawak na b***l, kaya nabitiwan niya iyon. I took that chance to attack him pero bigla siyang naglabas ng isa pang b***l at pinaputukan ako. Nakaiwas naman ako dahil may humila sa akin patago sa likod ng isang pader. Tiningnan ko kung sino iyon at nakita si Augustus Nox.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kaniya habang pinapaputukan ang direksyon ni Maximus.
"Invited kaya ako sa party." sagot niya habang binabaril ang mga taong papunta sa direksyon namin.
"Ang ibig kong sabihin ay bakit mo ako iniligtas? Bakit hindi ka tumutulong sa kapatid mong patayin ako?" tanong ko habang patuloy pa rin sa pagbaril.
"Uhhh, trip ko?"
Walang kwentang sagot.
Sige pa rin ang pagpapaputok ko sa direksyon ni Maximus nang pigilan ako ni Augustus.
Tiningnan ko naman siya nang masama. "Problema mo?" inis kong tanong.
Napailing naman siya. "Antagal mo namang tamaan si Maximus." sabi niya saka nagpaputok din sa direksyon ni Maximus. Nang huminto na siya ay nginitian niya ko. "Tara na." sabi niya saka ako hinila papunta kay Maximus.
Nanlaki ang mga mata ko nang makitang duguan ang braso at kamay ni Maximus. Seryoso ba siyang papatayin niya ang sarili niyang kapatid?
Tinutukan ko agad ng b***l si Maximus. Nag-angat siya ng tingin at saka ngumiti nang mapait. "Sabi ko na nga ba’t ta-traydorin mo rin ako tulad ng ginawa ng pamilya ni Titus Kash." sabi niya kay Augustus.
"Hindi kita trinaydor at hindi ka trinaydor nila Titus. Ikaw ang nag-iba, kuya, ikaw ang traydor. Alam ko ang mga pinaggagagawa mo at alam din nila dad 'yun. Nagmukha pa tayong kalaban sa Kaishi at Yagami dahil sa mga pinaggagagawa mo." sabi ni Augustus.
"Ang dami mo pang sinasabi. Patayin mo na nga ako. Alam ko namang iyon din ang gagawin mo." balewalang sabi ni Maximus.
"Hindi kita magagawang patayin, kuya. Alam mo 'yan."
"..."
Binaril ko na si Maximus at nawalan na siya ng malay. Tinawag ko ang isang tauhan naming dumaan at lumapit siya sa amin.
"Dalhin mo siya sa ospital. Kapag nagising na siya ay siguraduhin mong hindi siya makakatakas sa ospital." sabi ko sabay turo sa walang malay na si Maximus.
Tumango naman 'yung tauhan namin saka binuhat si Maximus paalis ng venue. Hinarap ko naman si Augustus at nakita ko siyang nakatingin sa papaalis na Maximus.
Totoo ang sinabi ni Augustus, si Maximus ang traydor sa pamilya nila dahil siya ang nagpalabas na ang Ace ay isang kalaban. Siya rin mismo ang dahilan kung bakit umalis ang pamilya nila Titus sa Ace at lumipat sa amin. He killed Titus' father kaya si dad na rin ang tumayong ikalawang ama ni Titus. Kaya nga feel at home din 'yun sa bahay eh. Si Titus ang nag-suggest na lumipat sila dahil ayaw niyang isunod nito ang mom niya at ang nakababata niyang kapatid.
I think nagawa iyon ni Maximus dahil sa insecurities niya kay Augustus. I've heard na mas matalino si Augustus kaysa kay Maximus kaya siya ang naging chief advisor ng Ace at si Maximus naman ay soldier lamang. Nagalit doon si Maximus kaya nagawa niya ang mga iyon. Hinayaan ito ni Mr. Nox dahil alam niyang may katapusan pa rin naman ang kasamaan ni Maximus.
Bago pa man ang party ay sinabihan na ako ni dad tungkol sa mga totoong kakampi namin ngayong war, ito ang Yagami at Ace. Sinasabi ng iba na kakampi nila kami, but dad knew better.
"Hindi tayo pwedeng tumunganga na lang dito, Augustus." sabi ko sa kaniya saka siya sinimulang hilain paalis.
Baril lang ako nang b***l sa mga nakakasalubong naming mga kalaban. Si Augustus na mukhang nakabalik na sa wisyo ay ganun din ang ginawa.
Napamura ako nang madaplisan ako ng bala sa kaliwang braso. Agad ko namang binaril 'yung walang hiya na bumaril sa akin. Papatay na lang, 'yung hindi pa sigurado. Tss.
"Ayos ka lang, Lavelle?" tanong ni Augustus sa akin.
"Oo. Leche! Tumingin ka nga sa paligid mo! Baka may bumaril sa–-!"
"Ahh s**t!!!" daing niya.
'Yan na nga ba ang sinasabi ko.
Babarilin ko na sana 'yung bumaril sa kaniya pero napatigil ako nang makita kung sino iyon.
"Gavin Ryou."