Chapter 18

885 Words
Kryssa's POV "Let us all welcome, the CEO of Kaishi group of companies, Mr. Leon Vaughan!" Pumalakpak naman kami noong tumayo si dad at pumunta sa platform sa unahan. "Good evening everyone! I just wanted to give my thanks to you all who made it here alive. Just kidding! But seriously, thank you all for coming. And I want to extend my thanks to my family, hey family!" sabi ni dad saka kumaway-kaway sa direksyon namin. Napailing na lang kami sa pagkaisip-bata ni dad. "Your dad is a jolly one." rinig kong sabi ng katabi ko. "Yeah. Ganiyan talaga siya. Feeling teenager." I said, without looking at him. "You're lucky." Hindi ko na pinansin ang huli niyang sinabi at nagfocus na lang kay dad. "I want to thank my family for helping me in the success of Kaishi. Thank you, Karina, Kiel and Kryssa for helping me run the subcompanies. Thank you also to my eldest daughter, Kate, for being a good girl sometimes." "Dad!" rinig kong sita ni Lucy. "I'm just kidding, dear. Titus and Zinnia, thank you also for helping us out. You've been a family to me, to us, ever since you joined Kaishi, and I am very thankful to you two. Thank you also to the members and associates of Kaishi. Thanks to you all, Kaishi is still on the top. That's all." Pumalakpak ulit kami nang matapos na ang speech ni dad. Bumalik na rin si dad sa upuan niya. "Nice speech, dad." comment ko. "I know. Ako pa ba? Malupet kaya ako." sabi ni dad habang pinapakita 'yung muscles niya sa braso. Tinampal naman iyon ni mom. "Anong connect ng muscles sa speech mo? Tigilan mo nga 'yan, dad, nakakahiya sa mga Ryou." sabi ni mom sabay tingin sa mga Ryou. "Okay lang po 'yun. Actually, nakakatuwa nga po kayong tingnan eh." nakangiting sabi ni Gem tapos bigla na lang siyang yumuko. "Talaga? Ganun kasi talaga si Leon eh. Medyo sanay na rin kami." sabi ni mom. "Mas okay na rin na ganiyan si dad kaysa naman kapag galit 'yan, dinaig pa ang Pinatubo sa pag-erupt." singit ni Lawn habang umiiling-iling. "Alam mo kasi anak, may limits din ang isang tao." sabi ni dad. "Alam namin, dad. Ilang beses mo na 'yang sinabi eh." sabi naman ni Lucy. "Buti naman at may natatandaan din kayo sa mga sinasabi ko." "Paano ba naman namin makakalimutan, eh paulit-ulit mo kayang sinasabi ‘yun?" "Memory loss?" "Tange!" "Fam, nakakahiya na talaga sa mga kasama natin." singit ko. Nagbabangayan na kasi silang apat eh. Tapos napansin kong tahimik na nakikinig at nanonood na lang sa kanila ang mga Ryou. Buti naman at tumigil na sila. "You're Titus Kash, right?" rinig kong tanong ni Mr. Ryou. Napatingin naman ako kay Titus. Lahat naman ata kami ay napatingin sa kaniya. Nakita ko siyang tumingin kay Mr. Ryou saka tumango. "Yes, sir." sagot niya. "Hindi ba related ka sa mga Nox?" tanong ni Mr. Ryou at tumango naman si Titus. "And they have this mafia, I think Ace ang pangalan. Bakit pinili ng family niyong sumanib sa mga Vaughan or sa Kaishi, instead of being allies to your own relative? Isn't that betrayal? Lalo na't kalaban ng Ace ang Kaishi." "..." Hindi naman nakasagot si Titus. At hindi rin siya pwedeng sumagot dahil masyadong confidential iyon at maaaring gamitin ng mga Ryou ang magiging sagot niya laban sa kaniya, maging sa pamilya niya, o kahit sa Ace. "I think it's confidential, Mr. Ryou." singit ko. Napatingin naman sila sa akin. "Is that so?" tanong ni Mr. Ryou sa akin saka ibinalik ang tingin kay Titus. "Pardon me, young man." sabi niya. Tumango na lamang si Titus. Alam kong alam niya ring gustong-gusto ni Mr. Ryou na malaman ang dahilan dahil kalaban niya rin ang Ace at malamang ay gagamitin niya ito para pabagsakin ang Ace. Kahit sinabi na sa amin ni Titus ang dahilan kung bakit ganoon ang nangyari ay hindi namin naisipang gamitin ito panglaban sa Ace. The decision, whether the information should be disclosed or not, depends on Titus. "Let us now call on stage, the beautiful and dazzling CEO of Yuri company. Ms. Kryssa Lavelle Vaughan!" rinig kong sabi ng MC. Wait, what?! Hindi ako informed na magbibigay ako ng speech! "Go anak! Kaya mo 'yan!" cheer ni mom sa akin. Tiningnan ko si dad pero seryoso lang siyang nakatingin sa ibang direksyon. Napatingin ako kila Titus at parang may sinasabi sila sa akin gamit ang mga mata nila, pero hindi ko ito maintindihan. Tumayo na lang ako at pumunta sa unahan. "Uhhh, hi! Hindi ako informed na magbibigay pala ako ng speech, but anyways, I would like to thank my family and friends for supporting me in the best ways they can and for filling my brain with knowledge that made me, me. Without them I–-crap!" Agad akong tumalon pababa at palayo ng platform kahit naka-high heels ako nang may naramdaman akong balang paparating sa direksyon ko, at dahil nakaiwas ako ay hindi ako natamaan. Nagkagulo naman ang ibang bisita nang marinig ang putok ng shotgun. Ang iba naman ay nagsialisan na. Those are ordinary business men and women, I think. Napatingin ako doon sa pinagmulan ng bala at nakita roon ang isang lalaking naglalakad paalis, bitbit ang b***l niya. Kahit madilim ay nakikita ko ang mga galaw niya dahil malakas naman ang senses ko. Nakita ko rin na marami pang ibang lalaking mayroong hawak na shotgun na nandoon sa taas at mukhang hindi lang ako ang planong patayin dito. Nakita ko namang wala na sila dad sa table namin, pati na rin ang mga Ryou. Nakita kong nagsibunutan na ng mga b***l ang mga taong natira sa loob at nagsimulang magpatayan. The war starts here.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD