bc

Seducing My Male Servant (Cougar Series #20)

book_age18+
7.2K
FOLLOW
56.5K
READ
possessive
sex
family
age gap
independent
drama
sweet
bxg
female lead
city
like
intro-logo
Blurb

Hindi masamang maging desperada para lang may makasama hanggang sa pagtanda. Gusto lang naman mamuhay ni Rachel nang may sariling pamilyang mag-aaruga at magmamahal sa kaniya. Dahil iyon ang wala siya.

Kung kailangang akitin ang hot na hot na hardinerong si Robert ay gagawin niya. Magkaroon lang siya ng taong makakasama hanggang sa pagtanda.

Uubra kaya ang pang-aakit ni Rachel kay Robert? O tatanda na lang siyang dalaga at mag-isa habang-buhay?

Rachel Flame and Robert Morales

June 22, 2021

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Chapter 1 *Rachel* "Napakadali lang ng gagawin mo, lalabhan mo lang naman at hindi mo pa nagawa," nanggigigil kong lintanya kay Lisa. Hindi ko alam kung paano ito pumasa sa akin. Magaganda ang records na nakalagay sa information niya. May experience at talagang maganda ang feedback sa kaniya. Pero hindi ko alam kung bakit nang mapunta siya dito ay puro na lang katangahan ang nagagawa niya. Puro na lang pagkakamali at hindi makapagtrabaho ng maayos. "Ang simple-simple lang, Lisa. Lalabhan mo lang ang bistida ko. Pero ano'ng ginawa mo?! Sinira mo!" Malakas kong sigaw sa kaniya kaya napaigtad siya. She started to cry na palagi naman niyang ginagawa tuwing pagagalitan ko siya. Agad siyang lumuhod sa harap ko. Napangisi na lang ako dahil alam ko ng gagawin niya 'to. Ilang beses na ba siyang lumuhod sa harap ko tuwing magkakamali siya. Sa dami ay hindi ko na mabilang. Hindi ko na matandaan kung ilang beses na siyang nagkamali at nakasira ng gamit ko at kagamitan dito sa pamamahay ko. "S-Sorry po, Ma'am Rachel. H-Hindi ko po sinasadya. Akala ko po... akala ko po kasi... mantiya po kaya nilagyan ko ng clorox," garalgal niyang boses habang umiiyak sa harapan ko. Nakayuko siya sa'kin at nakikita ko sa sahig ang mga luha niyang tumulo. Malalim akong huminga dahil parang mapipigtas na ang tali ng pasensiya ko. Konti na lang mapapalayas ko na 'to. "Dapat no'ng una pa kita sinisante eh," wika ko at kinuha ang pakete ng sigarilyo at kumuha ng isang stick. Agad ko 'yong nilagay sa labi ko at sinindihan. Naningkit pa ang mga mata ko nang hithitin ang sigarilyo at binuga ang usok paitaas. Aamin kong, bisyo ko nga ito. Palagi ko 'tong ginagawa tuwing may iniisip ako at nai-stress. "P-Patawarin niyo na po ako, Ma'am. Hindi na po mauulit," pagmamakaawa niya. Humithit muna ako ng sigarilyo bago nagsalita. "Ilang beses na ba kitang pinagbigyan, Lisa? Hmm?" Tanong ko sa kaniya. Hindi agad siya nakasagot kaya mapait akong napangisi. "Ilang pagkakamali pa ba para palayasin na talaga kita?" Seryosong saad ko sa kaniya. Tiningala niya ako at nakita ko ang mga luha niya sa pisngi. Tumulo pa yata ang sipon niya sa kakaiyak. Umiiyak siya sa harap ko at punong-puno ng pagsisisi ang bawat hagulgol niya. "K-Kahit... kahit isa pa pong pagkakataon, Ma'am Rachel. K-Kailangan ko lang po talaga itong... itong trabaho. M-May sakit... may sakit po kasi ang Lola ko, Ma'am at ako na lang po ang natitira niyang pamilya." My heart slice into pieces nang marinig 'yon. Mas lalo akong humithit sa sigarilyo. Kahinaan ko ang makarinig ng kwento at tungkol sa mag-lola. I've been there once. I have my lola four years ago. Kami na lang dalawa ang magkasama. Wala na akong mga magulang pero hindi rin ako ulila. Because I have my Lola Felly. Tumayo siyang ina, ama at lola sa akin. She's my everything. My mom and dad died in a plane crash. Bumiyahe sila noon patungong Barcelona for business. At nang bumalik dito sa pilipinas ay bangkay na. I was 7 years old that time. Mula noon, si lola na ang nag-alaga sa'kin. At hindi ko iniisip noon na mawawala rin siya tulad ng mga magulang ko. When my lola died, I feel like empty. I'm alone. Ako na lang ang natira, ako na lang ang mag-isa. Bago pa bumagsak ang luha ko ay mabilis kong tinalikuran si Lisa. "No more next time, Lisa," wika ko habang naglalakad patungong hagdanan. Hindi ko na inantay ang sagot niya at agad akong umakyat sa kwarto ko. Pagkasara ng pinto ay agad bumuhos ang pinipigilan kong luha. Naninikip ang dibdib ko kaya hinayaan kong humagulgol ang sarili. I always like this tuwing sasagi sa isip kong mag-isa na lang ako. I have friends pero hindi ko naman sila makakasama habang buhay dahil may kaniya-kaniya rin silang pamilya. I want to have a family. A family that I always drraming of. 'Yong pamilya na, magtatagal sa tabi ko hanggang pagtanda ko. Agad kong pinunasan ang luha nang mag-ring ang phone ko. Pinatay ko rin ang baga ng sigarilyo sa ashtray na nasa lamesita. Melissa is calling. Tumikhim muna ako bago sinagot ang tawag. "Hello, Ra," bungad niya. "Yes?" Walang gana kong tanong. "Tulungan mo naman ako," wika niya sa kabilang linya. "Anong klaseng tulong?" Tanong ko at umupo sa single red sofa dito sa loob ng kwarto ko. "You need to come here. Napapadalas na kasi ang pagtatalo namin ni Liam," sagot niya kaya kumunot ang noo ko. Bago yata sa pandinig ko 'yon. Si Liam, aawayin si Melissa? O si Melissa ang umaaway kay Liam? Alin pa man sa dalawa, parang hindi kapani-paniwala. Sa sobrang lambing nila sa isa't isa ay hindi sila nag-aaway. Wala pa akong narinig na nag-away sila. Ngayon lang. "In what reason naman? Bago yata 'yan sa inyong mag-asawa?" Kuryuso kong tanong at tumayo para kunin ang susi ng sasakyan. "Basta! Pumunta ka na lang dito," wika niya kaya napabuntong-hininga na lang ako. "Alright. May magagawa ba 'ko? I always don't have a choice pagdating sa'yo," walang sigla kong sagot at narinig ko ang mahinang tawa niya. "I know. Spoiled ako sa'yo eh," wika naman niya. "Sige. Ibababa ko na. Antayin mo na lang ako, okay? Spoiled brat!" Wika ko at narinig kong tumawa siya. "Drive safe," wika niya at saka ko pinatay ang tawag. Hindi na ako nag-abalang magpalit ng damit dahil okay naman ang suot ko. Sa bahay lang naman nina Melissa ang pupuntahan ko. At itinuturing ko na rin 'yong pangalawa kong tahanan. Hindi na bago si Melissa sa'kin. She is my one and only bestfriend. Lahat ng sikreto ng bawat isa ay alam namin. We're sisters. Iyan ang turingan namin sa isa't isa. Pero madalas ay nakakaranas pa rin ako ng pangungulila. Nakakaramdam ako ng ganito tuwing ipipikit ko na ang mga mata ko sa gabi. I have big house pero kasambahay lang ang kasama. Hindi naman ako pwedeng tumira kina Melissa dahil bahay nila 'yong mag-asawa. Kahit pa sabihin nilang ayos lang ay ayoko pa rin. Mag-asawa na sila at kailangan din ng privacy. Ako kaya, kailan magkakaroon ng makakasama sa buhay? Iyon bang mamahalin at sasamahan ako hanggang sa pagtanda ko. Marami rin namang nanliligaw. Pero lahat sila ay boring para sa'kin. Puro lang sila porma pero libog lang naman ang gusto. They are rich and famous pero bakit kapag kaharap na nila ako nagiging wild sila at manyak. Kaya hanggang ngayon ay single pa rin ako. Pare-pareho lang ang mga lalaki. Iyon ang basehan ko. They always want someone in bed to f*ck and then leave. Minsan naiisip ko rin kung may mahahanap din ba akong katulad ni Liam. Na mahal na mahal ang bestfriend ko. Kapag titignan niya si Melissa ay hindi pagnanasa kundi puno ng pagmamahal. Kitang-kita ko sa kanila kung gaano nila kamahal ang isa't isa. Kung meron akong mahahanap na gano'n, hindi ko na siya papakawalan. Kung kailangang akitin ko siya ay gagawin ko, mahalin niya lang ako. Baliw na siguro ako dahil masiyado akong desperada. Ayoko lang na tumandang mag-isa. Malungkot na nga ako, hindi ko naman papayagang habang-buhay akong ganito.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.8K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.4K
bc

His Obsession

read
104.4K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.6K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook