Chapter 32 *Rachel* “Thank, God,” bulalas ni Melissa nang magising ako. Nilibot ko ang mata sa puting kwarto na may berdeng kurtina. Umupo ako kaya agad akong inalalayan ni Trojan. Kasama niya pa rin si Bruce. Nakita kong may lumapit sa aking doktor. Nakangiti ito sa akin kaya magalang akong ngumiti sa kaniya. Nasa hospital na naman ako. Sa amoy pa lang at itsura alam ko na agad. “How are you feeling, Ms. Rachel?” Tanong niya sa akin. Tumabi naman sa akin si Melissa. “I’m okay, doc,” magalang na sagot ko. “Nahihilo ka pa ba?” tanong niya. Umiling ako. Nabanggit siguro nina Melissa na nahilo ako kanina kaya nawalan ng malay. “Nakatulog po kaya hindi na, doc,” sagot ko. “Magtatanong lang ako ng ilang katanungan ha?” tanong niya kaya tumango ako. Hinawakan naman ni Melissa ang kamay

