Chapter 51 *Rachel* Malungkot akong humiga sa kama. Ang tagal kong naghintay. Akala ko pa naman kakain dito. Naiinis ako dahil naghintay ako ng matagal. Tiniis ko ang gutom ko para sabay sana kami pero ano… kumain na pala sa labas. Amoy alak pa. Padabog kong niyakap ang unan ko. Huwag na huwag siyang tatabi sa akin ngayong gabi. Doon siya sa kwarto ni Romeo. Gutom na gutom na ako pero ayokong bumaba dahil nandoon siya. Maya-maya pa ay bumukas ang pinto kaya pumikit ako para magkunwaring natutulog na. Narinig ko ang mga yabag niya. Naaamoy ko rin ang pabango niyang ginagamit. Pinapakiramdaman ko lang ang silid kung anong ginagawa niya. Narinig kong binuksan niya ang maleta. Magpapalit na siguro ng damit. Bukas ko na lang ilalagay sa cabinet ang mga damit niya kasama ng mga pinamili ko

