Chapter 27

1819 Words

Paige Andrada NAKAHIGA lang ako sa kama ko at tulala. Hindi ako masy'adong nakatulog kagabi dahil sa walang patid sa pagtulo ang mga luha sa mata ko. Buong gabi ay iniyakan ko ang nakita ko. Kaya naman ngayon ay masakit ang ulo ko. Parang ayokong tumayo at gusto ko na lang matulog maghapon at humiga. Wala akong lakas para gumawa ng kahit na ano. Nasa ganoon akong pag-iisip ng biglang bumukas ang pinto at pumasok si Manang Fe na may dalang isang malaking painting na nakabalot pa. "Ano 'yan, Manang?" takang tanong ko sa kaniya nang makalapit na siya sa akin. "Hindi ko rin alam, Senyorita. May nagpadala lang kanina. Para sa'yo daw." Inilapag niya sa kamay ko ang painting nang maupo ako. "Salamat ho, Manang. P'wede po bang paakyat ng tubig at advil? Salamat ho." Nang makalabas na siya ay

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD