Chapter Twenty Six The Break Up One day someone will walk into your life and make you see why it never worked out with me." Paige Andrada Isang araw mula nang may mangyari sa amin ni Devon ay hindi mawala-wala sa isipan ko ang pangyayaring iyon. Napag-desisyunan kong huwag na munang pumunta sa studio at ipinabahala ko muna sa assistant ko iyon. Alam ko kasing mawawala lang ang konsentrasiyon ko sa trabaho. Hindi ko rin muna sinasagot ang mga tawag at text ni Troy dahil pakiramdam ko ay pinagtaksilan ko siya. Sa halos dalawang taong relasyon namin ay hindi ko nagawang ipagkaloob sa kaniya ang sarili ko dahil tuwing susubukan ko ay parang gusto kong lagnatin. Pero ilang araw pa lang mula nang muli kaming magkita ni De

