CHAPTER 15

2211 Words

RAMDAM NI ZENNA ang matinding galit ni Matthew nang makalabas sila ng bar. Hanggang ngayong nasa sasakyan sila ay hindi pa rin huumuhupa ang galit nito. Madilimang ekspresyon at halatang hindi pa humuhupa ang galit ba likha ng away nito at ni Robert. Tutok ang atensyon nito sa pagmamaneho. Napapansin rin niya ang paggalaw ng panga nito at ang paglitaw ng mga ugat nito sa braso, tanda ng mahigpit na hawak sa manibela. Napakapit siya nang lalong bumilis ang takbo ng sasakyan. Hindi na ito bago sa kaniya. Ganito rin ang ginawa ng binata nang magalit nang hindi niya alam ang dahilan. Wala siyang lakas ng loob para imikin ito. Natatakot siyang baka lumala lang. Kaya mariin na lamang niyang ipinikit ang mga mata, at hiniling sa Itaas na sana hindi sila madisgrasya. Muntik pa siyang napasubsob

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD