Chapter 83 Brayden Jaydrian Madrigal “SINO po si Hailey?” Biglang tanong ni Elle kaya naputol ang iniisip ko. Napatingin ako sa kanya, medyo nagulat na narinig pala niya ‘yung bulong ko. Sa gilid ng paningin ko, hinanap ko pa ‘yung babaeng nakita ko kanina pero wala na, parang naglaho lang. Bumalik ang tingin ko kay Elle, saka ako bahagyang yumuko para pantay kami ng level. Hindi ko alam kung bakit, pero pakiramdam ko kailangan kong sagutin nang totoo ang tanong niya. “Si Hailey…” napalunok ako sandali bago nagsalita ulit, “…siya ‘yung babaeng sinisigaw ng puso ko.” Parehong napakunot ang noo ng kambal. Halatang hindi nila naintindihan agad. “Ano po ibig sabihin nun?” si Ezi na ang nagtanong, seryoso ang mukha habang nakatitig sa akin. Napabuga ako ng mahinang hininga, saka pilit n

