“So…” basag ni Marxius sa katahimikan, kalmado ang boses pero diretsong tumatama. “Have you met my wife?” Napatingin ako sa kanya, bahagyang natigilan sa tanong niya. “Wife…” inulit ko sa isip ko, saka ako umiling. “Hindi pa,” sagot ko, medyo napaayos pa ako ng tayo kahit masakit ang tagiliran ko. “Actually, I was hoping to thank her personally. Siya ang nagligtas sa’kin, right?” Tumango-tango lang siya, parang walang emosyon sa mukha pero may kung anong hindi ko mabasa sa mga mata niya. “Yeah. She did.” Saglit na natahimik ulit. Hindi ko alam kung bakit parang may tension na hindi ko maipaliwanag. Parang may kulang, o may tinatago. Bigla siyang nagsalita ulit, mas casual na ang tono. “By the way,” sabi niya habang bahagyang umiling na parang may naalala, “may event bukas ng gabi sa p

