Chapter 10: Pagsuko🔞

1459 Words

Chapter 10-Matured Content, hindi detalyado. Hailey Sophia Medrano ANG mga sumunod na pangyayari ay hindi ko na malinaw na naaalala. Ang alam ko lang, pakiramdam ko ay tila nalulunod ako, marahil dahil na rin sa alak na nasa buong sistema ko. Kapwa nanginginig ang mga kalamnan namin habang mahigpit kaming nagkayakap, at bumaba ang bibig ni Brayden upang lamukusin ang aking mga labi sa isang maalab na halik. Hindi ko na alam kung kaninong halinghing ang naririnig ko, dahil abala kami sa pagtanggal ng damit ng bawat isa. Nanginginig ang mga daliri ko habang hinahawakan ko ang mga butones ng polo ni Brayden. Halos mawalan ako ng pasensiya nang tila ayaw matanggal ng mga iyon, kaya hinatak ko na lang ang tela hanggang sa mapigtas ang tahi ng mga butones. Hinubad niya ang sundress ko hanggan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD