Chapter 09
Hailey Sophia Medrano
MALALIM akong napahinga. Ayokong umabot pa sa punto na magtalo kami. Pagod na ako. Pagod na rin siguro siya. Bukas, balik Maynila na naman. Balik sa totoong mundo. Trabaho. Responsibilities. Lahat ng bigat babalik.
So I did the only thing I know how to do kapag si BJ ang kaharap ko.
Nilapitan ko siya, mas malapit pa. Tinaas ko ang kamay ko at pinisil ang nose bridge niya, gaya ng ginagawa ko noong mas bata pa siya, kapag bad trip o nagtatampo ito
.
“Relax,” sabi ko, mababa lang. “Don’t ruin the night.”
Saglit siyang napapikit, parang napikon, parang pinipigilan ang sarili. Ang blue eyes niya, damn, iyon pa rin ang pinaka-weakness ko, nakatingin sa akin na parang naglalaban ang galit at gusto.
“You always do that,” sabi niya, iritado. “You think that fixes everything.”
“Not everything,” sagot ko, may ngiti. “But it helps.”
Inilapit ko ang mukha ko nang kaunti, sapat para maramdaman niya ang hininga ko. “Come on. Sumayaw tayo. Uminom. Enjoy lang. One night. Tomorrow, balik seryoso na ulit.”
Umiling siya sa una. Nakatikom ang labi. Matigas ang panga.
“No,” sabi niya. “You’re drunk.”
“And you’re stubborn,” balik ko agad. “Equal lang tayo.”
Hinawakan ko ang kamay niya, hindi mahigpit, parang paanyaya lang. Hinila ko siya ng konti papunta sa ilaw, sa tugtog, sa ingay ng mga tao.
“BJ,” tawag ko, mas malambot na. “Please. For me.”
Tumagal ng ilang segundo bago siya sumuko. Kita ko ang pagbagsak ng balikat niya, ang mahinang buntong-hininga.
“Damn you,” bulong niya, sabay hawak sa bewang ko. “You know I can’t say no to you.”
Ngumiti ako, konti lang. “I know.”
Sumabay kami sa tugtog. Hindi agad magkalapit. May distansya pa. Pero habang tumatagal, unti-unting nawawala ang inis sa mukha niya. Ang kilay niya hindi na salubong. Ang hawak niya hindi na galit, mas maingat na, mas protective.
Uminom kami. Tumawa. Sumabay sa music. Parang bumalik sandali 'yung dati. 'Yung kami na walang label, walang komplikasyon.
Pero kahit sumasayaw kami, ramdam ko pa rin ang tensyon.
Hindi ito basta sayaw lang. Ito yung klase ng gabi na kapag hinayaan mo pang lumalim, may masasaktan sa dulo pero hindi ko na iniisip iyon.
Hinila ko si BJ palayo sa ingay, diretso sa bonfire. Ramdam ko na tila nag–alangan siyang sumama, matigas ang braso niya, pero hindi ko na pinansin. I smiled, half teasing, half daring.
“Come on,” sabi ko, medyo pasigaw dahil sa tugtog. “Isang gabi lang. Enjoy natin.”
Tumaas ang kilay niya. “You’re already tipsy.”
“Liar,” balik ko agad. “Ikaw din.”
Humalakhak ako at pinaikot siya. Umikot din siya sa akin, una pilit, tapos unti-unting sumabay. Ang apoy sa harap namin kumikislap, may amoy ng dagat, usok, at alak sa hangin. Everything felt lighter. Slower.
Tumawa kami habang umiikot-ikot, parang mga batang nakatakas saglit sa totoong mundo. Maya-maya, nasa likod ko na siya. Biglang dumikit ang katawan niya sa likod ko, parehong mainit kahit malamig ang hangin. Dumapo ang kamay niya sa bewang ko, firm, calm. Napasinghap ako nang bahagya.
“Easy,” bulong niya sa tenga ko. “You’re swaying too much.”
“Because you’re holding me,” sagot ko, tumatawa pa rin.
Sabay kaming sumisway sa tugtog. Hindi ko alam kung dahil sa alak o sa paraan ng pagkakahawak niya, pero parang nag-soften lahat. Ang ingay sa paligid naging background lang. Parang kami lang dalawa.
Hanggang sa bigla akong napatawa nang malakas, nawala ang balanse ko.
“Wait—” huli niyang sabi.
Napaatras ako at muntik na mabuway, pero nasalo niya ako. Kaso siya naman ang nadulas. Sa isang iglap, bumagsak kaming dalawa sa buhangin. Ako ang nasa ibabaw niya, parehong hingal, parehong tumatawa.
“Great catch,” sabi ko, hinihingal.
“Shut up,” sagot niya, tumatawa rin. “You’re heavy.”
“Excuse me?” tinaasan ko siya ng kilay.
Pero hindi na kami nagtatawanan. Unti-unting nawala ang ingay. Napalitan ng katahimikan na parang biglang sumikip. Nagkatitigan kami. Sobrang lapit. Ramdam ko ang pag-angat-baba ng dibdib niya. Naamoy ko ang hininga niya, mabango, may halong alak.
Hindi siya gumalaw. Ako rin.
“Hailey,” mahina niyang sabi. Hindi galit. Hindi rin biro.
Nilunok ko ang laway ko. “BJ…”
Ang mga mata niya, diretso sa akin. Hindi na playful. Hindi na defensive. Parang may tanong. Parang may hinihintay.
I tried to joke, pero walang lumabas. Instead, nanatili lang ako roon, nakahawak sa balikat niya, feeling ko isang maling galaw lang may mangyayaring hindi na namin mababawi.
Sa gitna ng apoy, tawanan, at alak, bigla kong naisip kung bakit mas delikado ang mga gabing ganito.
Because they feel too real.
Akmang aangat na ako mula sa ibabaw ni Brayden. Pero biglang humigpit ang hawak nito sa bewang ko.
“BJ—” napahinto ako.
Hindi niya sinasadya, I know that. Pero ramdam ko agad. Sobrang lapit namin sa isa't isa. Sobrang dikit. May biglang awkward na init sa pagitan ng mga hita ko na hindi ko pwedeng ipagkaila.
And then it hit me. Hindi lang basta dikit.
May matigas.
Nanigas ang katawan ko. My breath caught. I froze, hindi dahil gusto ko, kundi dahil nagulat ako sa sarili kong nararamdaman. I felt it. Clear and real.
Oh God…
I swallowed hard. “BJ…” mahina kong sabi, warning na iyon sa kanya.
Napansin niya rin. Kita ko sa biglang pag-igting ng panga niya, sa pag-iwas ng tingin niya saglit bago muling bumalik sa mga mata ko. Parang siya rin ang unang nahiya.
“I’m sorry,” mabilis niyang sabi, paos. “I didn’t—”
Pero hindi pa rin bumibitaw ang kamay niya.
Mas lalo akong naasiwa. Hindi sa kanya, kundi sa gulo sa utak ko. Biglang sumingit ang alaala sa nakaraan. Nung bata pa siya. Nung tinutuli siya. Ako pa nga ang nag-volunteer noon, feeling ko ate na ate ako that time. Maliit lang siya noon. Bata pa.
Pero ngayon…Hindi ko na tinapos ang isip ko. I hated myself for even going there. Maliit lang ito noon pero ewan ko ngayon kung lumaki na ba itong manhood niya, pakiramdam ko ngayon namumula ang buong mukha ko sa hiya.
Lumapit ang mukha niya, instinctive. Hindi agresibo. Parang nadadala lang ng sandali o dahil sa alak.
And then, may nagsalita.
“Hey! You guys okay?”
May boses sa likod namin. Parang binuhusan ako ng malamig na tubig saka nahimasmasan ako. Agad kong itinukod ang dalawang palad ko sa dibdib ni BJ. Ramdam ko ang t***k ng puso niya, mabilis, magulo.
“Stop,” mabilis kong sabi, halos pabulong pero matigas ang tono.
Nagulat siya. Napabitaw agad.
Tumayo ako nang mabilisan, inayos ang sarili ko, hinila pababa ang damit ko. Mabilis ang mata ko sa paligid. May mga tao. May ilaw. May mag phones and Cameras. Lahat puwedeng gawing issue. Ayokong pagkaguluhan ako ng press
BJ stayed on the sand for a second, nakasandal sa siko niya, buhok gulo, dibdib umaangat-baba. Hindi niya ako tinitingnan.
“This can’t happen,” sabi ko, mas kalmado kaysa sa pakiramdam ko. “Not here. Not like this.”
Tumayo rin siya, umiwas pa rin ng tingin. “I know.”
Tahimik kami pareho. Ang kanina lang parang slow motion, biglang bumalik ang realidad. Mabigat at delikado.
At sa isang iglap, alam kong may nabuhay na bagay na hindi na basta-basta mamamatay.
Kahit gaano pa namin gustong pigilan.
NAGPTULOY ang gabi na parang walang nangyari.
Sumayaw ako ulit. Uminom. Tumawa nang mas malakas kaysa kanina, pilit tinatabunan ang eksenang ayaw umalis sa isip ko. Nakihalo ako sa mga babae, sumasabay sa galaw nila, nagpapanggap na okay lang ako. Si BJ naman nasa kabilang grupo, puro lalaki. Tawanan. Shot. Asaran.
Paminsan-minsan, nagkakatinginan kami. Isang segundo lang. Dalawa. Then parehong iiwas, parang walang napansin.
Pero ramdam ko siya. Kahit hindi kami magkatabi.
Hanggang sa napagod na talaga ako. Biglang bumigat ang katawan ko, parang hinihila pababa ng buhangin ang mga paa ko. Umiikot na rin ang ulo ko.
“Guys, I think… I need to lie down,” sabi ko, sablay ang ngiti.
“Hailey, you good?” tanong ni Oliver, hawak ang baso.
“Yeah, yeah. Just tired,” sagot ko, pero halatang hindi.
Nag-volunteer agad siya. “I’ll walk you back to the cottage.”
Hindi pa ako nakakasagot nang may pumagitna sa pagitan namin. “Ako na,” malamig na sabi ni BJ.
Napatingin si Oliver sa kanya, tapos sa akin. “Sure ka?”
Tumango si BJ, walang alinlangan. “She’s with me.”
Wala na akong energy makipagtalo. Lasing na talaga ako. Ang naalala ko na lang, biglang magaan ang katawan ko.
“Hey—” napatawa ako nang buhatin niya ako. “I can walk.”
“Hindi,” sagot niya, diretso ang boses. “You can’t.”
Hindi ko na kinontra pa. Tahimik ang lakad namin papunta sa cottage. Naririnig ko lang ang alon, ang yabag ng paa niya sa buhangin, at ang t***k ng dibdib ko na parang may sariling isip.
Pagdating namin, binuksan niya ang pinto. Pagpasok namin, agad niya itong isinara.
Katahimikan ang namagitan sa amin. Biglang nagbago ang hangin sa loob ng cottage.
“BJ—” nakapagsimula pa lang ako nang humarap siya.
Wala man lang babala. Hinawakan niya ang mukha ko at hinalikan ako. Hindi mabagal. Hindi rin marahas. Pero puno ng pananabik na hindi ko maintindihan. Parang matagal na niyang pinipigilan. Lasa ng alak, init, at galit na hindi ko alam kung kanino.
Nagulat ako, pero hindi ako umiwas. Sa halip, napapikit ako. Napahawak sa braso niya. The alcohol didn’t help. It blurred the lines. It made everything feel louder, heavier.
“BJ…” mahina kong bulong sa pagitan ng hininga.
Huminto siya saglit, noo niya nakasandal sa akin. Nakapikit. Parang nakikipaglaban sa sarili niya.
“Tell me to stop,” sabi niya, paos. “Now.”
Hindi agad ako nakasagot. At doon ako mas natakot, dahil alam kong gusto ko, kahit alam kong mali. Huminga ako nang malalim, pinilit kong bumalik sa katinuan pero umiling ako.
“Don't stop,” sabi ko rin sa wakas, nanginginig pero malinaw.