Chapter 08 Hailey Sophia Medrano MALAKAS agad ang tugtugin pagdating namin sa venue. Bass na ramdam hanggang dibdib, ilaw na paikot-ikot, at amoy ng alak at dagat na halo. Pero bago pa ako tuluyang makapwesto, nag-iba na ang eksena. Pagkakita pa lang kay Brayden, sabay-sabay na nagsigawan ang mga babae, mga bata, may mga hindi bata, parang wala nang pinipili. May ilang guard agad na lumapit at inakay siya palayo sa akin, diretso sa gilid ng stage. Napatingin siya sa akin, parang nagtatanong kung okay lang. Hindi na ako nagdalawang-isip. Tumango ako agad. “Go,” bulong ko kahit alam kong hindi niya maririnig. Mukhang kanina pa talaga siya hinihintay. The moment na umapak siya sa stage, mas lumakas pa ang sigawan. May sumipol pa. May sumigaw ng pangalan niya na parang sila ang may karap

