Chapter 07
Hailey Sophia Medrano
TUMAPAT ako sa salamin at sinuri ang sarili ko. Isang simpleng sundress lang ang suot, nothing loud, nothing desperate. Mahaba ang slit sa gilid, yes, at open ang likod, pero disente pa rin. Beach party ito, not a board meeting.
Exclusive raw ang party sabi ni Karen Montreal. Pang-elite. Nandoon ang buong pamilya niya, pati ang panganay niyang anak. Thirty years old na raw, stable, may negosyo. Kanina pa niya akong tinutukso na ipakilala sa anak niya.
Napangiti ako sa repleksyon ko. Why not? Wala namang masama kung ilihis ko ang atensiyon ko. Hindi naman pwedeng umiikot lang ang mundo ko sa iisang lalaki na paulit-ulit akong tinatawag na Ate.
Nilugay ko lang ang buhok ko, kinulot ko ng konti ang dulo. Sakto lang. Hindi trying hard kundi bagay sa akin.
Saka biglang bumukas ang pinto.
Hindi ko kailangang lumingon para malaman kung sino. Ramdam ko agad ang presensya niya.
“Hailey…” mababa ang boses ni BJ.
Humakbang siya papasok, marahan, pero diretso ang tingin sa suot ko. Ramdam ko ang pagbaba ng mga mata niya mula balikat pababa, hanggang sa slit ng damit ko. Saglit siyang huminto, parang may maling nakita sa damit ko.
“Ano ’yan?” tanong niya, pilit kalmado pero may diin.
“Dress,” sagot ko, simple.
Umiling siya. “Wala ka bang ibang damit?”
Nilingon ko siya, tumaas ang kilay ko. “Wala.” walang ganang sagot ko.
“Too much,” diretsong sabi niya. “Pwede ba magpalit ka? Beach party ito, Hailey. Ang daming mas bata sa ’yo ro’n. You don’t need to compete.”
Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa ulo ko.
“Compete?” inulit ko. “So ngayon, competition na pala ito?”
“Hindi ’yan ang point,” mabilis niyang sagot. “Ang point, hindi bagay—”
“Hindi bagay kanino?” singit ko. “Sa akin?”
Humigpit ang panga niya. “Sa edad mo.”
My eyes grew wider in shocked. "What?" Napatawa ako, pero walang humor. “So dahil Ate ako, bawal na akong magsuot ng ganito? Nasa beach tayo, BJ. Ano ang gusto mong isuot ko—” I paused for a while, umikot ang mga mata ko paitaas, bago ko dinugtungan ang sasabihin ko, "pajama?" Asar na asar kong tanong.
Lumapit ako ng isang hakbang sa direksiyon niya, taas–noo. “BJ, baby face ako.. At kahit hindi, kahit mukha talaga akong Ate sa mga mata mo, wala ka pa ring karapatang diktahan kung anong susuotin ko.”
Hindi siya umatras. Mas tumigas pa ang boses niya at mukha. “Matigas talaga ulo ng older women. Kaya ayoko—”
Natigilan ako sa sinabi niya pero nagpatuloy siyang magsalita. “Kaya ayoko sa ganito,” dugtong niya. “Gusto nila sila ang masusunod. Why don’t you follow me sometimes? Ayoko sa suot mo. Change it.”
Mas lalong nanlaki ang mga mata ko. Parang hindi ko siya kilala ngayon. What's wrong with him?
“Who do you think you are?” mahina pero matalim ang tanong ko. “Kuya? Tatay?”
Hindi siya sumagot agad. Kita ko ang inis sa mukha niya, ang galit na pilit pinipigilan. Sasagot pa sana ako, handa na akong sumabog, nang may kumatok sa pinto.
Pareho kaming napalingon.
Bumukas ang pinto at ang unang pumasok sa paningin ko ay isang bouquet ng puting bulaklak. Fresh. Elegant. Sumunod ang isang lalaking naka–uniform ng resort, maayos ang tindig.
“Good evening, ma’am,” nakangiti niyang sabi. “These are from Mr. Oliver Montreal.”
Sandaling natulala ako. So galing sa kanya.
Kusang lumapad ang ngiti sa labi ko. Humakbang ako palapit para kunin ang bulaklak. “Thank you.”
“Hope you enjoy the party,” dagdag pa ng staff bago umalis.
Paglingon ko, sakto kong nakita sa gilid ng mata ko ang mukha ni BJ, nakasimangot, mahigpit ang panga, parang may kinikimkim na galit.
At napagtanto ko. Hindi ito tungkol sa damit. Siguro dahil sa sinabi ni Karen kanina habang kumakain kami. Alam ko, rinig niya iyon dahil magkatabi lang naman kami. May dapat ba siyang ikagalit roon?
Umangat ang isang sulok ng labi ni BJ, may halong pang-iinsulto ang ngiti.
“Kaya pala ganyan ang suot mo,” sabi niya, malamig ang tono. “May lalandiin ka.”
Parang may sumabog sa tenga ko. “What?” Napahalakhak ako, pero walang saya. “You think wearing a dress like this means lalandiin agad? Come on, BJ.” Ramdam ko ang inis hanggang batok. “That’s so low.”
Humakbang ako palapit sa kama para ilapag sana ang bulaklak. Pero mabilis siya. Inagaw niya iyon sa kamay ko at walang pag-aalinlangang itinapon sa basurahan.
Nanlaki ang mata ko. “What?” Napanganga ako, as in. Umiling ako, hindi makapaniwala. “You’re unbelievable.”
Tinalikuran ko siya at akmang lalabas na lang ng kwarto. Kailangan ko ng hangin. Kailangan kong umalis. Pero mas mabilis siya, isang hakbang lang at naharangan niya ang pinto.
“Change your dress,” utos niya, mababa pero mariin.
Doon ko lang naamoy ang hininga niya. Mabango pa rin, pero may halo nang alak. Napatingin ako sa kanya, saka sa wall clock sa gilid.
Eight PM.
“Uminom ka?” tanong ko, pinipigilan ang panginginig ng boses.
“Doesn’t matter,” sagot niya, nakapako ang tingin sa akin. “Hindi ka lalabas na ganyan.”
Napasinghap ako. “Hindi ikaw an may-ari ng katawan ko, BJ.”
Lumapit siya nang kaunti. Hindi niya ako hinawakan, pero ramdam ko ang presensya niya, 'yung bigat, yung init. “I’m just trying to protect you.”
“From what?” balik ko agad. “From myself?”
Nagkibit siya ng balikat, pero ang mga mata niya, hindi kalmado. “From men like him.”
Napatawa ako, maikli at mapait. “You mean, from men who actually see me as a woman? Not as an ‘Ate’ when it’s convenient?”
Humigpit ang panga niya. “Don’t twist my words.”
“Then don’t twist my choices,” sagot ko. “Move.”
Saglit siyang hindi gumalaw. Parang may labang tahimik sa pagitan namin, ego, galit, something unspoken. Tumingin siya sa suot ko ulit, saka sa mukha ko. Kita ko ang iritasyon. Kita ko rin ang pagpipigil.
“Change it,” ulit niya, mas mahina ngayon pero mas delikado ang tono.
“Hindi,” sagot ko, diretso. “And you don’t get to tell me what to wear. Not tonight. Not ever.”
Tumitig kami sa isa’t isa, walang kumikibo. Sa labas, rinig ang music ng party, masaya, magaan. Sa loob ng kwartong ito, ang bigat ng hangin.
At doon ko naisip, kung ganito siya ngayon, paano pa kapag mas tumagal?
Nagbago ang timpla ng mukha ni BJ. Hindi na iritado kundi mas naging delikado. Kumunot ang noo niya, tumigas ang panga.
“Hindi ka makakalabas hangga’t hindi ka nagpapalit,” madiin niyang sabi.
Napasinghap ako. “Are you serious?”
Lumapit siya ng kalahating hakbang. “Magpapalit ka,” bumaba ang boses niya, halos pabulong pero ramdam ang banta, “or ako ang magpapalit sa’yo.”
Napapikit na lang ako. Hindi dahil takot, kundi dahil pagod at iritasyon. Pagod makipagtalo, pagod intindihin kung bakit siya ganito. Pagod na pagod.
“Fine,” sabi ko, malamig. “Satisfied ka na?”
Hindi siya sumagot. Tumingin lang siya sa bag ko, parang siguradong-sigurado na susunod ako.
Binuksan ko ang bag at hinanap ang isa pang damit. May sundress pa, mas simple, mas mahaba, mas acceptable sa standards niya. Napabuntong-hininga ako, puno ng inis. This is ridiculous.
Hindi ko na siya pinaalis. Wala na akong pakialam.
Hinubad ko ang suot kong damit at kinuha ang sundress. Kita niya ang bra at panty ko pero wala akong balak magtakip. Hindi ako nagmamadali, hindi rin nagtatago. Walang dapat itago sa kanya. Kung akala niya mapapahiya ako, nagkamali siya.
Ramdam ko ang titig niya. Hindi bastos, pero mabigat. Tahimik lang siya. Nakatayo lang siya roon, parang hindi sigurado kung saan dapat tumingin. Pero pansin ko talaga ang kakaiba sa mga mata niya lalo na kapag mapatitig sa katawan ko.
This is my body, sabi ng isip ko. And I’m not sorry for it.
Isinuot ko ang sundress, inayos ang strap, saka humarap sa kanya. Diretso. Walang ngiti.
“Satisfied?” tanong ko.
Ngumisi siya, ngiting alam mong panalo. Ngiting may halong yabang at kung anong hindi ko gustong pangalanan. Umatras siya ng isang hakbang, tinaas ang dalawang kamay na parang sumusuko.
“Much better,” sabi niya. “Tara na.”
Naglakad siya palabas na parang walang nangyari. Sumunod ako, pero bago kami tuluyang lumabas, huminto siya at lumingon.
“Hindi ako makakanta,” dagdag niya, casual pero may diin, “kapag wala ka sa audience.”
“Wow,” sagot ko agad, pilit na kalmado. “Pressure.”
Ngumiti siya ulit, ibang ngiti na ito. Mas totoo, walang halong biro. “I’m serious.”
Hindi na ako sumagot pa. Pero deep inside, may kung anong kumurot sa dibdib ko. Nakakainis. Bakit kailangan ko pang kiligin sa ganun?
Sabay kaming lumabas papunta sa venue, magkatabi, magkadikit, pero ramdam ko ang tensyon sa bawat hakbang.