Pero may punto siya. Hindi puwedeng puro iyak. Hindi puwedeng puro stress. Baka kung ano pa ang mangyari sa baby ko. “Mara…” mahina kong sabi. “Pagod ako.” Lumambot ang mukha niya. Umupo siya sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko. “Alam ko,” sabi niya. “Pero hindi mo kailangang maging miserable habang inaayos mo ang buhay mo. Let yourself breathe.” Muli akong natahimik. “Ako na ang bahala sa clinic today,” dagdag niya. “Ako na ang bahala sa mga clients natin. You’re off.” Napatingin ako sa kanya. “Ginawa mo na?” “Of course,” sagot niya, medyo proud. “Best friend duties.” Napabuntong-hininga ako. Hindi ko man gusto ang idea, pero hindi rin ako makatanggi. Buong magdamag niya akong hindi iniwan. Kahit ilang beses akong umiyak, kahit ilang beses akong nagising sa gitna ng gabi. “Lun

