“I know.” “Bigla kang nagbago?” Hindi siya umiwas sa tingin ko. “I’m trying.” Tahimik lang ako. Lumapit siya nang kaunti. Hindi masyadong malapit, pero sapat para maramdaman ko ang init ng presensya niya. “Look,” sabi niya, mas mababa ang boses ngayon. “Ayokong maramdaman mong outsider ka rito. Kung titira ka dito, then this is your home too. Hindi guest.” “Brayden…” halos pabulong ko. “You’re my wife.” Contract wife. Sabi ng isip ko. “At dala mo ang anak ko,” dagdag niya. “Kung may karapatan ang kahit sino sa kwartong ’yon, ikaw ’yon.” May kung anong kumislap sa loob ko. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o mag-ingat. “Hindi ba magiging awkward?” tanong ko, may alangan sa tinig ko. “Probably,” diretso niyang sagot. Napatawa ako nang bahagya. “But we’ll figure it out.”

