Sa stage, biglang lumakas ang tugtog ng drums. Sumigaw ang buong arena. Pero sa pagitan naming dalawa. Tahimik ang laban. Akala niya siguro uurongan ko siya. Siguro alam nitong buntis ako. HALOS hindi pa humuhupa ang ingay ng crowd matapos ang huling kanta nang marinig kong magsalita ulit si Brayden sa microphone. Huminga siya nang malalim habang pinupunasan ang pawis sa noo gamit ang tuwalya na ibinigay ng isang staff. Nangingiti siya habang nakatingin sa dagat ng mga tao sa harap niya. “Are you guys still alive out there?” sigaw niya. “Yessss!” Halos mabingi ako sa lakas ng sigawan ng mga fans. Napangiti siya, saka naglakad nang kaunti sa gitna ng stage. “You know… hindi kumpleto ang gabing ito kung wala ang isang very special guest namin.” Biglang nag-ingay ulit ang crowd. “Speci

