Chapter 64.01--Ito po ang kabuoan ng Prologue Hailey Sophia Medrano DAHAN–DAHAN akong nagising sa pakiramdam ng malamyos at mainit na halik na dumadampi sa mukha ko. Mula sa pisngi, paakyat sa noo, pababa ulit. Hanggang sa dahan-dahan itong bumaba, sa gilid ng panga ko… pababa sa leeg. Napapikit ako habang kusang napangiti. For a moment… I let myself believe na ganito na siya ulit. Na baka… nagbago na. Na baka… this time, ako naman. “Sana…” bulong ko sa isip ko. Sana laging ganito si Brayden. Pero kahit gaano ko gustong kumapit sa sandaling iyon, alam ko ang totoo. Hindi ito ang totoong Brayden. Hindi siya sweet. Lalong hindi siya ganito. Kagabi lang… pinagbigyan ko siya. Muli kong binigay ang sarili ko sa kanya. Hindi dahil umaasa pa ako. Kundi dahil gusto ko lang magkaroon ng is

