Chapter 19 Hailey Sophia Medrano ILANG minuto akong nakatulala sa loob ng banyo bago ko tuluyang napilit ang sarili kong kumilos. Hindi puwedeng dito lang ako umupo at mag-overthink hanggang bukas. Kailangan ko ng confirmation. Kailangan ko ng solid proof. Hindi sapat sa akin ang dalawang guhit kahit malinaw pa iyon. Dala ang pregnancy test, lumabas ako ng banyo na parang may dalang ebidensya sa isang krimen. Tahimik ang buong condo ko, pero sa utak ko ang ingay. Parang may sabayang tanong na hindi tumitigil. Pagdating ko sa mesa, dinampot ko ang shoulder bag ko at agad itong sinukbit sa balikat. Inilagay ko sa loob ang PT, maingat, parang may value na milyon ang hawak ko. “I need an OB,” bulong ko sa sarili ko. “Now.” Hindi para i-deny. Hindi para maghanap ng loophole. Kundi para si

