Chapter 18: Sasabihin ko ba?

1628 Words

Chapter 18 Hailey Sophia Medrano INILAPAG ko sa mesa ang pinamili kong mangga, singkamas at paper bag. Naroon sa loob ang pregnancy test. Ang gaan niyang hawakan kanina sa botika pa ako pero ngayon parang biglang bumigat. Nanginig pa ang mga daliri ko habang hinuhugot ko iyon palabas sa paper bag. Tinitigan ko lang muna. “Please… false alarm lang,” mahina kong bulong sa sarili ko. “Hormonal imbalance lang. Stress. Pagod sa trabaho. Kahit ano na.” Napapikit ako at napasandal sa upuan. Tahimik akong nagdasal. “Lord… huwag muna ngayon. Hindi ako ready.” Hindi sa ayaw kong mabuntis. Diyos ko, gusto ko rin naman magkaroon ng anak balang araw. Pero hindi sa ganitong sitwasyon. Hindi sa ganitong paraan. Hindi sa lalaking hindi naman ako kayang panagutan. Hindi sa lalaking tinatawag akong ma

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD