Chapter 66 Brayden Jaydrian Madrigal MABILIS akong sumakay sa sasakyan ko at agad isinara ang pinto, parang gusto kong iwan sa labas lahat ng ingay, ilaw, at mga matang kanina lang ay nakatutok sa amin. Tapos na ang interview, tapos na ang palabas, pero hindi pa rin nawawala 'yung bigat na dala ko mula sa stage hanggang dito sa loob ng sasakyan ko. Napahawak ako sa manibela at mariing napapikit, pilit inaayos ang sarili ko kahit alam kong wala namang maaayos sa isang iglap. Ganito talaga sa showbiz, lalo na kapag may love team ka na kailangang buhatin. Hindi sapat na marunong ka lang umarte, kumanta, kailangan marunong ka ring magsinungaling nang maayos sa harap ng tao. May management na nagdidikta ng bawat galaw mo, bawat sagot mo, bawat tingin mo sa ka-partner mo. Sa kontrata ko,

